Bumalik lang ako sa huwisyo nang may narinig akong parang nahulog at wala sa sarili akong nagbaba ng tingin at nakitang nahulog ang cellphone ni Shaneia mula sa side table ng kama niya. 

Lumuhod ako at yumuko para pulutin iyon pero hindi sinasadyang dumaplis ang kamay ng janitress sa 'kin, dahilan para mapalingon ako sa kaniya. Nagtama ang paningin namin nang mapatingin siya sa 'kin pero bago ko pa man maiiwas ang kamay ko, narinig ko ang pagtikhim ng sino man. 

Kinuha ko ang cellphone bago umayos ng pagkakatayo. Naglahad rin ako ng kamay sa janitress para tulungan siya sa pagtayo pero hindi niya iyon tinanggap at nakangiting tumayo bago magpagpag ng kaniyang pants na suot.

"Tapos na ba kayo maglandian?"

Natigilan ako at napalingon sa nagsalita. Walang emosyon siyang nakatingin sa 'kin na para bang may nagawa akong masama.

"Huh?" Nagtatakang tanong ko habang nakatingin sa kaniya. Pinagtaasan niya ako ng kilay bago umirap at tumingin sa kung saan.

Napatingin ulit ako sa janitress at alanganin na ngumiti sa kaniya. Napaisip ako kung bakit parang galit sa 'kin si Shaneia, samantalang wala naman akong  ginagawang masama. 

Masama bang pulutin ko ang phone niya? Ibibigay ko naman agad sa kaniya. Hindi ko bubuksan kung 'yon ang inaalala niya. Pinulot ko lang naman, masama ba 'yon?

"Lalabas na po ako, Sir. Tapos na po akong maglinis," magalang na paalam ng babae. Tumango lang ako bago magpasalamat sa paglilinis niya kahit trabaho niya naman iyon. 

Para sa 'kin, hindi naman porket trabaho ng mga janitress ay hindi na natin sila pasasalamatan sa kanilang paglilinis. There are times na they are tired from their job but they still can managed to smile. Lahat naman talaga ng trabaho nakakapagod pero kung gusto mo naman ang ginagawa mo, worth it ang lahat. 

Nang marinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pinto, naupo ako sa monoblock na nakalagay sa gilid ng kama ni Shaneia bago muling tignan siya. 

Bakas sa kaniyang mukha ang pagka irita at nakakunot pa ang kaniyang noo. Para bang may kagalit siya kaya nakabusangot ang kaniyang mukha, pero kahit ganoon ay maganda parin naman siya.

"Psst. Simang." Pinigilan kong matawa nang hindi niya parin ako tinitignan. Mas kumunot ang noo niya na para bang mas nainis sa pagtawag ko sa kaniya. "Simang, pansinin mo naman ako." 

Kinulit ko siya ng kinulit, kaya naman halatang halata na gusto niya nang manakit. Para bang inis na inis siya sa boses ko lalo pa at tinatawag ko siyang 'simang'.

"Ang kulit mo, ah! Inaano ba kita?" iritable siyang hinarap ako at halos matulala ako nang mapagmasdan ang mataray ngunit maganda niyang mukha.

"Ito namang si simang. Hindi mabiro."

Mas lalong dumilim ang mukha niya at mukhang handa ng manakit. Sa itsura niya palang, alam kong hindi siya natutuwa pero dahil may sapak ako, mas lalo akong nagpursigi na inisin siya.

"Simang? Hindi ako si simang!"

"Ikaw kaya si simang. Palayaw mo nga 'yon, e!"

"Natasha ang pangalan ko, hindi simang!"

"E 'di, Natasha Shaneia 'Simang' Mendez full name mo?"

"Gago ka ba!?"

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at natawa ako dahil mukhang galit na galit na siya at paubos na ang pasensya niya.

"Kung sabihin kong, oo? May magagawa ka ba?," nakangising tanong ko sa kaniya. Hindi siya nakatiis at pinaghahampas na ako sa aking braso. Tawa lang ako ng tawa habang hinahampas niya ako.

All Too Wellحيث تعيش القصص. اكتشف الآن