Kabanata 19

229 6 0
                                    

This chapter is dedicated to Paulo Gracia. Thank you so much for reading my story!

-----------

Kabanata 19
White Hair

Nakalabas na kami ng isla at lahat kami'y nakahinga ng maluwag nang makakita na ng araw.

Napangiti ako dahil kompleto na kami ngayon. Nilingon ko ang aming likuran, nagbabakasakaling makita ulit ang mataas na pader ngunit wala na ito.

Bigla na lang naglaho. Nalulungkot rin ako para sa mag-asawa na hindi na kailan man makakalabas ng isla.

"Ehemm, Kapitana?"

Napalingon ako kay Nion na parang baliw sa aking gilid. Tinaasan ko siya ng kilay dahil halatang may gusto siyang itanong.

"Bakit?" tanong ko.

"A-ano.....si K-Kapitan. Hindi pa rin ba kayo nag-uusap?" napakamot pa siya sa kanyang leeg.

"Hindi pa." tipid kong sagot at umalis na papunta sa hold upang tumulong sa paghahanda ng hapunan.

King Cassian also gave us supplies of food. He even offered us  to stay for another night but we really need to go.

Nadatnan ko sa ibaba sina Xen at Vian na nagluluto. Kahit nahindi pa masyadong nakakagalaw si Xen ay ayaw talaga niyang magpapigil. Ang sabi niya'y hindi daw niya matiis na humiga lang buong araw at walang ginagawa.

"Magpahinga ka na, Xen. Kami na dito." sabi ko habang kinukuha ang kutsilyo.

"I told you, Kapitana. I'm okay, kaya kong magluto." pagpupumilit niya kaya wala na akong nagawa.

Dinner came and I still don't talk to Lexus. Lagi ko siyang napapansing pinapanood ang mga galaw ko ngunit hindi siya nag-aabalang lumapit sa akin.

Siguro ay nararamdaman niya ring ayaw ko munang makipag-usap sa kanya. Kahit pa minsan ay naiilang ako, hindi ko pa rin siya kayang kausapin.

Habang kumakain ay hindi ko mapigilang mapataas ng kilay nang tumayo siya dala ang kanyang pinggan. Pumunta siya sa aking likuran at may inilagay na malaking piraso ng karne sa aking pinggan.

Umalis rin kaagad siya at bumalik sa kanyang puwesto katabi ni Artius. I can feel the crews' stares but when I look at them, they'll act like they saw nothing.

I have no choice but to eat the meat. Magkatapos maghapuna'y naglinis muna ako bago pumasok sa kwarto.

I didn't close the door. I am not that cold hearted to not let him sleep in his room. After all, ako naman talaga ang walang karapatan dito.

Iniwan kong nakabukas ang pinto at maya-maya pa ay pumasok siya. Inaayos ko ang aking unan upang kunwari'y abala ako ngunit ang totoo'y nagpipigil na ako ng hininga.

I heard him cleared his throat. Hindi ko pa rin siya pinansin at humiga na sa kama. I saw him prepared his pillows and blanket on the floor.

I closed my eyes. Hindi ko namalayang nakatulog kaagad ako. Mapayapa ang gabi ngunit nagising ako nang makarinig ng mahinang pagdaing sa aking gilid.

Napamulat ako ng aking mga mata at nakitang hindi pa natutulog si Lexus. Nakaupo siya at parang may ginagawa.

Umusog ako ng konti upang makita kung ano ang ginagawa niya at nagulat ako nang dumudugo ang kanyang mga palad.

The Sunset's Paradise (Piratas Series #1)Where stories live. Discover now