Kabanata 37

163 7 0
                                    

This chapter is dedicated to 4njigeum. Thank you so much for reading my story!♥

---------

Kabanata 37
Taken by Captain Nui

Napatayo kaming dalawa ni Lexus dahil sa biglaang pagsabog. Napanganga ako habang nakatitig sa mga barko na nasusunog sa harapan namin. Ngunit ang nagpadurog ng aking puso ay ang makita ang Veronica Ship na nasusunog rin at wasak.

"Let's go, my Queen!" Lexus pulled me.

Hawak niya ang aking kamay at patakbo kaming pumunta sa kinaroroonan ng mga barko. Basa pa kami ngunit hindi namin iyon inalintana.

We need to check if our people is in the explosion. We need to save them.

Nakarinig kami ng mga sigawan. Nang makalapit kami'y nakita namin kung gaano ka raming barko ang sumabog, higit sa dalawampu.

Napalunok ako habang nilalapitan namin ang mga piratang sugatan.

"Anong nangyari?" tanong ni Lexus sa kanila.

"Kapitan! May nagpasabog po ng kanyon galing sa hindi kalayuan!" sumbong ng isang lalaki.

Tuluyan nang lumubog ang araw kaya hindi na masyadong makita ang sa unahan. May mga kawal nang dumating upang tumulong.

Gumalaw ang ilaw sa lighthouse at itinuon ito sa dagat upang makita kung sino ang may lakas ng loob na pasabugan ang mga barko namin.

Ngunit wala kaming nakita dahil sa makapal na usok. Hindi namin alam kung saan ito nagmula dahil hindi naman nagkakaroon ng fogs ang dagat ng Elurien.

"Kapitan!"

Lucas came and gave me and Lexus our own swords. Dumating na rin ang mga crew ng Veronica at tumulong.

Habang inaalis ang mga sugatan sa mga wasak na barko'y may pagsabog na namang naganap. Tinakbo ako ni Lexus at yinakap dahil nagsiliparan ang mga kahoy. Nadapa kami sa buhangin.

"Are you okay?" may pag-aalalang tanong niya.

Napahigpit ang hawak ko sa espada at tumango. Tinulungan niya akong tumayo at nagulat kami nang pagtingin namin sa unahan, nagkakagulo na.

Lahat ay nakikipaglaban at ang mga sugata'y halos gumapang na sa buhangin para lamang makalayo sa kaguluhan.

Agad gumalaw ang aking mga paa at sumali sa pakikipaglaban. Gamit ang espada'y isa-isa kong pinaghihiwa ang mga nilalang na umaatake sa amin.

Napahinto ako nang makita ang nilalang na aking nakalaban. A skeleton!

Wait. How can this skeletons be able to move? They are an armies of moving human bones that keeps on attacking us.

Whenever we cut them, they will still come back to their original form.

Makalipas ang ilang segundo ay mas dumuble pa ang bilang nila. May mga kawal pa galing sa mansyon ang dumating at may mga dalang ilaw, nakasakay sila sa mga kabayo at pinapadaanan ang mga butong umaatake sa amin.

"What are they?" nandidiring tanong ni Vian habang nakikipaglaban gamit ang kaniyang kutsilyo.

Napatingin ako sa aking kanan at nakita si Lexus na kasama si Lucas at pinagpuputol din ang mga butong may buhay na handa kaming patayin.

The Sunset's Paradise (Piratas Series #1)Where stories live. Discover now