Kabanata 27

174 7 5
                                    

This chapter is dedicated to Cronusss. Hi! Thank you so much for following me, reading my story and voting for it. Ily!

---------

Kabanata 27
They Came

Tahimik akong nakaupo sa loob ng tent na binigay ni Zackary. Medyo madilim na ang paligid ngunit hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asang dadating sina Lexus para kunin ako dito.

Nakita kong lumapit sa harapan ko si Zackary at may mga dala siyang tuyong sanga. Pinuwesto niya ito at agad kong nalaman kung ano ang gagawin niya.

"Ako na ang gagawa niyan." sabi ko sa kanya.

Tinignan niya lang ako at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Lalapit sana ako sa kanya upang kunin ang mga batong ipangkiskis para sa apoy ng itaas niya ang kanyang kamay upang patigilin ako.

"Let me do this, Alice." seryoso niyang sabi.

Hindi na lang ako nagpumilit pa. Tahimik niyang kinikiskis ang mga bato at maya-maya pa'y nagkaapoy na.

"Zackary, bakit ka nandito? Bakit ka nag-iisa?" tanong ko habang ang mga tingin ay nasa bilog na buwan sa kalangitan.

"It is better to be alone than being with a person who's just using you." aniya kaya napatingin ako sa kanya.

"What do you mean?"

"I ran away from my mother after knowing that she's just using me. I don't want to be with her anymore." sagot niya.

Nang lumakas na ang apoy ay umupo siya sa gilid at hinarap ang karagatan.

"But she's your mother," I commented.

He should be thankful that he still have his mother. But we all have our own reason why we do things.

"I don't care. I can't stand what she's doing, mahirap magpanggap na wala kang nakikita habang ang lahat ay nangyayari sa harapan mo." aniya.

Hindi na ako sumagot pa dahil mukhang malalim ang pinaghuhugutan niya. Bigla na lang ako nakaramdam ng antok at napahikab.

"You should sleep. Don't worry, babantayan kita. Sigurado akong bukas ay dadating na ang hinihintay mo." Zackary said before standing and leaving me.

Pumunta na siya sa kanyang tent at nagsindi rin ng apoy. Hindi na bago sa akin ang matulog kahit saan kaya gamit ang tilang binigay ni Zackary, humiga na ako.

Medyo lumapit ako sa apoy dahil malamig at may mga lamok. Hindi ko akalaing makakatulog ako ng mahimbing.

——

Mataas na ang sikat ng araw nang magising ako. Natanaw ko sa unahan si Zackary at mukhang nangingisda siya.

Pumunta muna ako sa bukal upang maglinis ng sarili. Pagbalik ko ay may hawak ng dalawang isda si Zackary. Hindi ito masyadong kalakihan ngunit sapat na para sa almusal namin.

Tinulungan ko siyang linisin ang mga isda at tinuhog namin ito. Habang iniihaw ang mga isda ay agad kong naramdaman ang mga titig ni Zackary.

"Bakit?" tanong ko.

Ngumiti siya. "Nothing, you're just beautiful. And I like your hair."

Sa sinabi niya'y napatigil ako. Natawa ako ng bahagya at umiling habang hinahawakan ang puti kong buhok.

"T-thank you."

We ate our breakfast. We enjoyed the beautiful view in front of us but somehow, I felt lonely inside. I miss them, my friends. When will they come?

The Sunset's Paradise (Piratas Series #1)Where stories live. Discover now