Kabanata 6

359 16 2
                                    

This chapter is dedicated to Mr. Bratmind. Your stories are awesome!

-----------

Kabanata 6
Captain One Air

Nagpatuloy kami sa paglalayag. Nakakasilaw ang liwanag ng araw sa tanghali ngunit hindi kami pwedeng huminto sa paglalayag. Ito ang pangatlong araw ko kasama sila, pangatlong araw ngunit napakarami ng nangyari. Siguro sa kanila'y normal lamang ang mga iyon ngunit sa akin na unang beses pa lamang nakakapaglayag, tumatak ang mga pangyayaring iyon ng husto.

Nakakatakot ang karagatan. Maraming panganib ang nakaabang. Noong pinangarap ko pa lamang na makasakay ng barko ay hindi ko inisip na ganito kahirap ang mararanasan ko. Sa likod ng mga naggagandahang tanawing iyong makikita ay nakatago ang hirap at panganib na hindi mo aasahan.

"Kapitan, may paparating na barko galing silangan!" Nion shouted from the Crow's nest of the ship.

"Wala bang planong lumiko?" tanong ni Lexus na nakahawak sa manibela.

"Sasalubungin yata tayo."

"Hayaan mo, malapad ang karagatan para magbanggaan tayo." tugon ni Lexus.

Napatingin ako sa silangan at nakitang may barko ngang paparating at mukhang sasalubungin kami.

"Barko iyan ng pirata,"

"Huh?" taka kong tanong kay Xen na nasa tabi ko at may hawak na baso.

"Iyang barkong sasalubong sa atin ay barko rin ng mga pirata." sagot niya.

Tinitigan ko ng mabuti ang papalapit na barko. Ilang kilometro na lamang ang layo nito mula sa amin at tanaw ko na ang mga sakay nito. Marami sila at mukhang nagkakasiyahan.

"May nangyayari ba kapag nagkasulubong ang parehong barko ng mga pirata?" tanong ko kay Xen.

"Kapag hindi nagkaintindihan ang mga Kapitan ay may nangyayari, minsan ay naglalaban. Lalo na kapag ang bawat grupo ay may hangad sa mga ginto ng bawat isa."

Tumango ako. Ano pa bang aasahan, ang mga pirata ay nabubuhay para sa ginto. Kahit magpatayan ay ibinubuwis nila ang kanilang buhay para sa nakakasilaw na bagay. Ang ginto ay kanilang kayamanan.

"Kapitan, masama ito! Ang barkong sasalubong sa atin ay ang Waves Breaker ni Kapitan One Ear!" sigaw ni Nion mula sa itaas.

"Tangina," rinig kong mura ni Xen sa gilid.

Napatayo si Cleve at Artius nang marinig iyon. Naramdaman ko kaagad ang pag-iba ng awra sa kanilang mga mukha.

"A-ah, sino si Kapitan One Air?" medyo may kaba kong tanong.

Bukod sa kakaiba niyang pangalan ay mukhang isa siyang mapanganib na pirata base na lang sa reaksyon nila nang marinig ang pangalan niya.

"Alice, come here." tinawag ako ni Lexus mula sa Poopdeck.

May pagtataka man ay sinunod ko na lamang siya. Seryoso ang kanyang pagmumukha at mahigpit ang hawak sa manibela. Sana ay walang gulong mangyari, hindi pa ako nakaka-recover sa nangyari sa Isla ng Idivor, ayaw kong may masama na naman akong maranasan sa paglalakbay na ito.

Nakatayo ako sa likuran ni Lexus nang matanaw sa unahan ang buong brako ni Kapitan One Ear. Puno ito ng mga pirata na siguradong mga tauhan niya. The flag of his ship has a symbol of a skull with a sword pointed above.

Akala ko ay babanggain nila ang barko namin ngunit lumiko sila ng kaunti, sakto lamang upang hindi maggitgitan ang dalawang barko.

"Ola! Kapitan Lexus! Tignan mo nga naman, sa lawak ng karagatan ay talagang pinagtagpo tayo!" sigaw ng isang lalaking malaki ang pangangatawan.

The Sunset's Paradise (Piratas Series #1)Место, где живут истории. Откройте их для себя