Kabanata 5

450 12 4
                                    

This chapter is dedicated to Miss Heartlessnostalgia, your stories are incredible. It made me laugh and cry at the same time.

---------

Kabanata 5
Whirlpool

"Can't sleep?"

Napalingon ako kay Lexus na ngayo'y naglalakad papunta sa kinaroroonan ko. Ang pulang buhok niya ay tinatangay ng hangin, tila kumikinang ito nang matamaan ng ilaw ng sulo, para itong mga bituin sa kalangitan.

Hindi ko siya sinagot at ibinalik ang tingin sa tubig. Kahit ngayo'y hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga salitang binitawan niya. Ang hirap niyang intindihin.

"Nag-aalala ka siguro sa mga taong naiwan mo?" tanong niya na ikinalingon ko.

"Hindi naman, I know they're safe than me right now." sagot ko.

"Bakit? Hindi ka ba ligtas sa barko ko?"

"That's not what I'm trying to say. Ang ibig kong sabihin ay mas ligtas sa lupa keysa sa karagatan. Sa karagatan hindi mo alam kung kailan ka lalamunin ng alon o mauubusan ng imbak na pagkain." pagpapaliawanag ko dahil halatang iba ang pagkakaintindi niya sa sagot ko.

"You're right, it is more safe on land. But I still love the ocean."

Isang dipa lamang ang layo namin sa isa't-isa. Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa gilid ng barko at tumitig sa mga alon.

"There's a lot of choices of whatever you want in life, bakit ka naging pirata?" tanong ko.

Nilingon niya ako at ngumiti. I can't help but to stare on him.

"Because of someone, I chose to be a pirate." sagot niya.

"So ayos lang sa'yo na mabuhay dahil lamang sa isang tao?"

"She's not just someone, Alice. She's the love of my life. I'll spend my whole life sailing the seas and oceans just to have her again. Kahit pa lamunin ako ng naglalakihang alon wala akong pakialam."

Nabigla ako sa sinabi niya, his eyes were serious and full of pain. Hindi ko alam pero agad akong nakaramdam ng awa sa kanya. This man is in pain.

"N-nasaan ba siya?" hindi ko alam kung tama ba ang mga salitang lumabas sa bibig ko.

He looked at me intently," I don't know." he answered and looked away.

Napalunok ako at hindi na nagawang magsalita pa. Minutes had passed and we are both in silence. Hindi ko alam ang kwento ng buhay niya, so it is too early to judge him. What I'm sure is he's a persistent man.

In between our silence, I noticed something flying towards us. May patay sindi itong ilaw, maliit lamang ito. Ibinuka ko ang aking palad upang padapuin ito, isang alitaptap.

"What a beautiful firefly..." I murmured.

Even in the unending darkness, its light really gives hope. Nakangiti ako habang tinitigan ang alitaptap nang mapansin ang mga titig ni Lexus.

"Fireflies?" tanong niya na ikinatango ko.

Pero imbes na masiyahan ay nakita ko ang pagkabigla sa reaksyon niya at agad tumakbo papunta sa Poopdeck kung nasaan ang steering wheel ng barko. Napamura pa siya habang pinapaikot ito ng mabilis.

The Sunset's Paradise (Piratas Series #1)Where stories live. Discover now