CHAPTER 36 (LAST CHAPTER)

373 6 0
                                    

Razzel's Point of View

Nagising ako ng dahil sa pag-ring ng phone ko. Dahan-dahan akong umupo sa kama at kinuha ang phone ko. Tinignan ko ang caller at hindi naka-register ang numero na ito sa phone ko.

Eh?

Tinignan ko muna ang iba at tulog parin sila. Si Shawn pa nga ay nakanganga samantalang si Ash naman ay humihilik. Napa-iling nalang ako bago sagutin ang tawag.

"Hello? Sino to?"

{"Mabuti naman at sinagot mona ang tawag, mafia prince."}

Agad na kumunot ang noo ko. Tinignan ko ang orasan at 3:00 palang ng madaling araw.

At sinong hinayupak ang tatawag ng ganitong oras?

"Sino ka ba?"

{"Easy, mafia prince. Hindi mo man lang ba tatanungin kung kamusta ang inyong mga magulang?"}

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ginising ko kaagad si Axton at hindi naman ako nabigo dahil nagising naman ito kaagad.

"Bakit?" Inaantok na tanong sakin ni Axton. Tinakpan ko muna ang speaker ng phone ko at bumulong sa kanya. "Pumunta ka muna sa kwarto nila mom at tignan mo kung nakauwi na sila." Utos ko sa kanya.

"Ano?" Takang tanong niya. "Basta, sumunod ka nalang!" Inis kong bulong sa kanya. Napa-tss nalang soya bago bumangon at lumabas ng kwarto.

Itinapat ko na ang phone ko sa tenga ko. "Ano ang ibig mong sabihin?" Madiin kong tanong sa kanya.

{"Alamin mo."}

"Tigil-tigilan mo ako. Sino ka ba?! At ano ang sinasabi mo na mga magulang namin?!"

Hindi ko maiwasang tumaas ang tono ko dahilan ng pagkagising nila. "Bakit ka ba sumisigaw, Zel?" Inis na tanong ni Lux sakin.

"Oo nga! Ano bang problema mo?!"

"Inaantok pa ako, Razzel. Please lang magpatulog ka."

"Alas tres palang ng madaling araw Razzel!"

Reklamo nila pero hindi ko iyon pinansin. Tinuon ko lang ang sarili ko sa pest*eng caller na ito.

{"Kasama mo pala ang iba pang mga mafia."}

Mapaglaro niyang sabi. "Just fvcking say it!" Galit kong sabi sa kanya.

{"I-loud speaker mo. Para naman aware din sila."}

Tang*na neto.

Sinunod ko naman ang sinabi niya kaya nagtataka silang nakatingin sa akin.

"Ano bang ginagawa mo, Raz?"

"Oo nga. Madaling araw palang oh!"

"Trip mo?"

"Kapag yan kalokohan lang, susuntukin talaga kita, Raz."

"Tumahimik na nga lang kayo!" Saway ko sa kanila at tinignan ang screen ng cellphone ko.

{"Kamusta, mafia's? Kamusta ang mga magulang niyo?"}

Nagulat kaming lahat sa sinabi niya. Halata rin sa tono niya na masaya siya.

"Sino yan?" Mahinang tanong ni Shawn. Hindi ko siya sinagot at inantay lang ang susunod na sasabihin ng bw*sit na'to.

Malaman ko lang kung sinong hinayupak na ito.

Babalatan ko talaga siya ng buhay.

Royal Blood (COMPLETE)Where stories live. Discover now