CHAPTER 5 (Emerson Academy)

631 14 0
                                    

This chapter is dedicated to vreams. Thankyou and loveyoulots!

-----------------------------------------------------

Zarmaine's Point of View

MONDAY NA!

Ngayon na. Ngayong araw nako lilipat ng school. Maaga akong nagising dahil saktong 8:00 ay mag-uumpisa na ang klase.

7:13 akong nagising. Pumunta agad ako sa banyo at naligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis nako ng uniform.

Pagkatapos kong magbihis ay agad akong pumunta sa may salamin.

"Woah! Ang ganda!" 

Manghang-mangha kong pagkasabi habang sinisipat-sipat ang uniform ko.

Maya-maya ay lumabas nako ng kwarto at nakita ko si tita na nag-aayos ng pagkain.

"Good morning tita." Masigla kong bati. "Good morning din-" Naputol ang sasabihin ni tita nung lumingon siya sa akin. 

"-Wow! Bagay na bagay sayo!" Manghang-manghang sabi ni tita. "Opo nga po tita ehh." Sabi ko kay tita habang nakangiti. 

"O siya, maupo kana at kumain." Sabi sakin ni tita at sabay kaming umupo. Sabay kaming kumain ni tita at nag-usap tungkol sa EA.

Natapos na kaming kumain at nagpaalam nako kay tita na papasok na ako.

Naglakad na ako papuntang bus stop at nag-intay lang ako ng ilang minuto ay dumating na ang bus.

Habang nasa bus ako ay nakikinig ako ng music. Maya-maya ay nakarating na ang bus sa EA.

Eto na.

Habang naglalakad ako papasok ay tinatanaw ko ang paligid at wow! Ang ganda at ang laki ng school na'to.

Dahil malaki ang school nato at hindi ko alam kung saan ang room 13 ay pumunta muna ako sa canteen dahil ito ang una kong nakita rito.

Bumili muna ako ng tubig at umupo muna ako sa lamesa. Tinignan ko ang relo ko at 7:54 palang.

Nagulat nalang ako ng biglang magsigawan ang mga studyanteng nandito at may sinasabing...

"KYAH!ANDYAN NA SILA!"

"WAHH! ANG MGA MAFIA!"

"WOOH! ANDITO NA YUNG MAFIA KING, MAFIA PRINCE AT YUNG MGA KAIBIGAN NILA!"

Sunod-sunod nilang sigaw.

Wait...

Mafia king, Mafia prince at mga kaibigan nila?

Napatayo ako sa kinauupuan ko at sumilip narin para makita sila ng biglang...

NATAPUNAN NG JUICE ANG UNIFORM KO!

"WHAT THE?! IKAW!!" Sigaw sakin ng babaeng tumapon sakin ng juice.

Lahat ng mga nagsisigawan kanina ay biglang tumahimik at kahit hindi ako lumingon sa paligid ay alam kong nakatingin sila ngayon sa kinatatayuan naming dalawa ng babaeng ito.

ANAK NG TOKWA...

NAKAKAHIYA!

"ARE YOU INSANE?! NAKITA MONG GUMIGILD NA SILA PARA MAKADAAN AKO EH HINDI KA UMALIS?!" Galit na sigaw sakin ng babaeng nasaharapan ko ngayon. 

"S-sorry.." Sabi ko at biglang yumuko pero...

SINABUNUTAN NIYA AKO AT INIHARAP ANG MUKHA KO SA KANYA!

Royal Blood (COMPLETE)Where stories live. Discover now