CHAPTER 28

351 5 0
                                    

Zarmaine's Point of View

Nagising ako sa lakas ng tunog ng alarm clock. Tinignan ko ang buong kwarto ko at ako nalang ang nandito. Bumangon na ako at pumasok sa cr.

Naghilamos muna ako at nagmumog. Lumabas na ako sa cr at nagbihis. Naka-short at over-size t-shirt ang sinuot ko.

Wala kaming pasok ngayon dahil practice lang daw muna kami ng sayaw hanggang friday.

Lumabas na ako at nakita ko sila Shawn sa sala na nag-aaway. "Tambak na ang warriors!" Sigaw ni Ash.

"Sus! Eh third quarter palang naman. Maaabutan pa yan ng chicago bulls!" Sigaw naman ni Shawn. "Wala na yan. Panalo na warriors!" Sigaw ulit ni Ash.

Ayos din to'ng mga 'to.

Mga feel at home lang ang mga lolo niyo.

*ehem! *ehem!

Agad silang napatingin sa akin. "Oh, gising kana pala Maine!" Sabi ni Ash. "Good morning Maine!" Bati ni Shawn. "Good morning din. Nasaan ang iba?" Tanong ko at tumabi kay Ash.

"Nandun sa kusina. Nagluluto dahil umalis si tita Mellie. Si Axton naman, anduon sa banyo, naliligo." Sabi ni Shawn habang nasa tv ang mata.

Oo. Dito sila natulog at may mga dala din silang damit.

Tumayo nalang ako at pupunta sa kusina. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng cr at bumungad sakin si Axton na basang-basa ang buhok.

Naka white t-shirt siya at naka-shrts ng hanggang tuhod. Napatigil siya sa paglalakad at sa pagpunas niya sa buhok niya at tumingin din sakin.

T-teka... B-bakit ang hot n-niyang tignan?

"Done staring at me?" Bigla nalang akong natauhan ng magsalita siya. "A-anong n-nakatitig sayo? H-hindi ah!" Utal-utal kong sabi.

Ba't ako nauutal?!

"Sabi mo eh." Nakangisi siya at umalis na. Ngumiwi nalang ako at pumunta na sa kusina.

"Goooood morning!" Bati ko sa kanila at agad naman silang tumingin sa akin.

"Good morning Maine!"

"Good morning sis!"

"Good morning li'l sis!"

"Good morning girl!"

Nakangiti lang akong lumapit sa kanila. "Ano niluluto niyo?" Tanong ko at tinitignan pa ang niluluto nila.
Sila oppa at lux ang nagluluto.

"Sinigang." Sabi ni oppa. "Menudo." Agad na kuminang ang mata ko dahil sa sinabi ni Lux.

"Hahaha! I think your favorite food is menudo." Sabi ni Lux habang nagluluto. "Big yup! Kaya sarapan mo yan Lux ahh." Joke ko sa kanya at tumawa naman sila.

"Ayy! Oo nga pala girl, duon tayo sa bahay namin magpa-practice. Tinanong ko narin sila about dun at pumayag naman sila. So... Payag ka ba?" Tanong ni Ellie sakin.

Nakaupo kami ngayong dalawa sa dining area habang pinapanuod namin silang magluto. "Oo naman. Atsaka, dun nalang tayo sa terrace niyo." Sabi ko at tumango-tango siya.

"Ay teka lang. Payag ba si tita kung dun tayo?"

"Oo naman noh! Papayag yun sila mama."

Nagulat nalang ako nang may biglang lumitaw sa harapan ko na kape. "Want some?" Tinignan ko kung sino at si Axton lang pala.

Royal Blood (COMPLETE)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant