CHAPTER 21

381 6 1
                                    

Ellie's Point of View

Agad na sumama ang tingin namin ni Alliah sa babaeng pinulupot ang braso niya kay Zarmaine.

Feeling close hmp!

"Eherm." Pakunwari ko kaya nakuha ko ang atensyon nilang lahat. "Uhm, hi miss. Ano nga ulit yung name mo?" Tanong ko habang nakangiti. Syempre yung totoong ngiti ang ibinigay ko sa kanya at ngumiti naman siya.

"Ako si Lovein Sapphira." Pagpapakilala niya sa sarili niya at tumingin kay Zarmaine. "Can i know your name? I feel comfortable kase ako sayo ehh." Sabi niya kay Zarmaine habang hindi parin inaalis ang nakapulupot na braso niya kay Zarmaine.

Pigilan niyo ako! Nanggigigil ako!

"Hindi mo pa pala siya kilala pero kung maka-kapit ka sa braso niya ay kilalang-kilala mo siya." Sabi naman ni Alliah habang nakataas pa ang isang kilay. Napangisi ako sa sinabi niya at tumingin kay Lovien. Tinignan naman kami ni Zarmaine na kalma-lang-look.

I stare Zarmaine and she get it dahil umiwas siya ng tingin at napa-buntong hininga. "What i've said, i feel comfortable on her." English at may halong arte na sabi ni Lovein. "Kahit na parang komportable ka sa kanya ay dapat hindi ka magfe-feeling close." Agad naman nawala ang ngiti niya at dahang-dahan tinanggal ang kanyang pagkakapulupot kay Zarmaine.

Good!

Tumikhim si Zarmaine at humarap kay Lovein. "Ako si Zarmaine." Pagpapakilala ni Zarmaine sa sarili niya at nakipag-shake hands pa. Sobrang sama na ng tingin ko nung tinanggap din ni Lovein ang kamay ni Zarmaine. "Uhm... Pwede ba tayong sabay kumain sa recess?" Tanong ni Lovein at bigla kaming sumigaw ni Alliah.

"Hindi pwede!"

Gulat silang napatingin sa amin at kahit kami rin ni Alliah ay nagkatinginan. Nag-usap kami ni Alliah gamit ang mata at naintindihan naman namin dahil ngumisi kami ng kaunti bago humarap kay Lovein.

Mukhang magkakasundo kami ni Alliah ah?

"Bakit hindi pwede?" Tanong niya habang nakataas ang isang kilay. "Dahil kami-kami ang magkakasabay na mag-recess mamaya." Sagot ko naman at nagtaas din ng isang kilay.

Ngumisi naman siya na parang naaasar at bumaling kay Axton. Lumapit siya kay Axton at hinawakan ang kamay nito.

"Pwede bang sabay tayong mag-recess?" Tanong niya kay Axton with pa-cute effect pa. "But i'm with them." Sabi ni Axton in a serious tone. "But i know na hindi naman talaga kayo ni Zarmaine. Pleasee..." Nagulat ako sa sinabi ni Lovein. Thmingin naman ako sa kanila Alliah at tinignan lang nila ito ng seryoso.

So hindi nga sila?!

"Alliah, totoo ba? Totoo ba yung sinasabi ni Lovein?" Bulong ko sa kanya dahil siya ang pinaka-malapit sa akin. "Oo. Kaya lang sinabi niya yon dahil halata ang ex ni Zarmaine sa kanya." Sagot pero pabulong rin niyang sabi.  "But--" Hindi na natapos ang sasabihin ni Axton ng biglang sumabat si Mark.

"Hindi naman pala kayo pre." Agad na napatingin kaming lahat sa kanya. "Eh ano naman ngayon kung hindi kami?" Zarmaine said in a cold tone. "Eh bakit kung umakto siya ay parang kayo talaga?" Tanong ni Mark na nagpa-igting ng panga ni Zarmaine.

She's mad now.

"Pakealam moba?"

"May pakealam naman talaga ako Zarmaine."

"Matagal na tayong tapos Mark."

"Pero hanggang ngayon mahal parin kita." Lahat kami ay parang na-estatwa sa sinabi ni Mark habang si Zarmaine naman ay napapikit ng mariin. "Mahal? Baka nakakalimutan mo yung ginawa mo sakin non." Zarmaine said in a sarcastic tone. "Nagsisisi ako na ginawa ko sayo yon." Sagot naman ni Mark. Lumabas kaagad ng classroom si Zarmaine dala-dala ang kanyang bag nung tumunog na ang bell para sa recess.

Royal Blood (COMPLETE)Where stories live. Discover now