CHAPTER 13

480 13 0
                                    

Zarmaine's Point of View

Inayos ko na ang mga gamit ko dahil breaktime na.

"Zarmaine!"

Agad akong napalingon sa pintuan dahil sa tumawag sakin. Nakita ko sila Alliah, Shawn at iba pa kaya agad kong kinuha ang bag ko at lumapit na sa kanila.

"Tara na." Yaya ni Razzel at sabay-sabay kaming pumunta sa canteen.

Nung nasa canteen na kami, halos lahat ng estudyante ay nakatingin samin---sa akin pala.

Halos lahat nang mga madadaanan namin na estudyante ay nagsisibulungan.

Psh! Sanay na ako noh!

Kagaya nga kanina, hindi namin sila pinansin. Nang nakarating na kami sa canteen ay nakita na namin si Maisie at ang kanyang mga alipores.

"Love!"

Agad na lumapit at yumakap si Maise kay Axton. Nang humiwalay na sila sa pagkakayakap sa isa't isa, agad naman hinalikan ni Maisie ang pisngi ni Axton.

Yuck!

Wala kayang forever!

Napatigil na lang sila sa pagla-loving-loving nila sa isa't isa nang tumikhim si Razzel.

Buti naman at tumigil na.

Napatingin samin si Maisie at nung nakita niya ako, agad na nagsalubong ang kanyang kilay.

"Bakit nandito yan?!" Galit na tanong niya.

"Niyaya namin siya. May problema don?" Sabi ni Razzel at hindi na nagsalita muli si Maisie.

Bleh!

"Tara na." Yaya ni Alliah at inakbayan ako. Pumunta kami sa pwesto nila at ang nag-order ng mga pagkain namin ay sila ni Shawn at Ash.

Pagkarating nila, agad na ibinigay nila sa amin ang mga in-order nila at nagsimula na kaming kumain.

"So... Kamusta na Zarmaine?" Tanong ni Maisie sakin.

Psh! Halatang peke.

"Ok naman. Ikaw? Kamusta?" Tanong ko sa kanya. "Always good and always pretty, right love?" Baling niya kay Axton.

"You are always pretty love." Sagot naman ni Axton at nagloving-loving na naman sila.

Grabe.

Mahangin pala to'ng si Maisie?

Buti hindi siya natangay ng kahanginan niya.

"Uhm love, can you give me that corn." Sabi ni Maisie at itinuro pa. "Ok love." Sagot naman ni Axton at ibinigay ang mais sa kanya.

"Corn is one of my favorite." Masaya niyang sabi at kinain na ang mais. Gusto ko sanang sabihin na walang may pake pero nanahimik nalang ako.

Pfft... Maisie de Mais HAHAHA!

Oo na, alam kong corny. -_-

Pinigilan kong tumawa dahil sa kalokohang pumasok sa isip ko. Buti nalang ay busy sila sa pagkain.

"Oo nga pala, girls magpakilala kayo kay Zarmaine." Utos ni Maisie sa mga alipores niya. Tumaas ang isang kilay ko ng kaunti.

Hindi pa ako tapos sa mga alipores nito!

Kala ata nang mga 'to nakalimutan ko na yung ginawa nila sakin.

Royal Blood (COMPLETE)Where stories live. Discover now