CHAPTER 14

487 9 0
                                    

Ash's Point of View

Pagkapasok namin sa classroom, kinuha ko kaagad yung cellphone ko at hinanap ang number ni Mariane.

Girlfriend kase ng kapatid ko si Mariane.

Nung nahanap ko na ang number niya, agad ko siyang tinext.

Ash handsome:
Anong balak niyo kay Zarmaine?

Mariane:
Wala kaming balak sa kanya.

Hindi ako naniniwala sa sinasabi niya, hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya kundi ay dahil sa kaibigan siya ni Maisie.

Agad na kumunot ang noo ko sa sunod niyang message sakin.

Mariane:
Wala ring balak sa kanya si Maisie. Siya pa nga ang nagsabi samin na mag-sorry kami.

"Huh?" Sabi ko habang nakakunot ang noo dahil siya ang nagsabi sa kanila na mag-sorry kay Zarmaine.

"Sinasabi mo? May problema ba?" Tanong sakin ni Alliah kaya pinakita ko sa kanya ang message sakin ni Mariane.

"Si Maisie ang nagsabi na mag-sorry sila kay Zarmaine?" Mahinang tanong ni Alliah. "Ewan ko. Yan ang text sakin ni Mariane eh." Sabi ko sa kanya.

"Hayaan na muna natin."

Sabi niya at kinuha niya na ang cellphone niya at sigurado ako na magbabasa siya ng wattpad. Tinago ko na ang cellphone ko nang pumasok na si ma'am.

Discuss

Discuss

Discuss

Ting! Ting! Ting!

"Ok class, mag-iingat kayo sa inyong pag-uwi." Paalam ni ma'am samin at inayos na namin ang mga gamit namin.

"Mauna na kayong umuwi, mamaya na kami ni Razzel."

Napatingin agad kami kay Axton. "Bakit?" Tanong ni Lux. "Basta. Uuwi rin kami. Ingat kayo." Paalam samin ni Razzel at lumabas na silang dalawa ni Axton.

"Saan kaya sila pupunta?"

"Umuwi nalang tayo."

Wala kaming nagawa kundi ang sundin ang sinabi ni Alliah. Sabay-sabay kaming pumunta sa parking lot at sumakay na kami sa kanya-kanya naming sasakyan.

Habang nagdra-drive ako palapit sa bus stop ay nakita ko si Zarmaine na nakatayo na nag-aabang ng bus.

Alangan namang eroplano di'ba?

Huminto muna ako sa pagdra-drive dahil umilaw ang stop light.

Habang nakatingin ako kay Zarmaine, may huminto na itim na van sa tapat niya at maya-maya lang ay pilit siyang pinapasok sa loob ng van.

Shit!

Bakit nila dinukot si Zarmaine?

Agad kong sinundan yung van at tinawagan sila Axton para sabihin ang nangyari.

Bakit?

Anong kailangan nila kay Zarmaine?

Sino sila?

Maisie's Point of View

Hi guys! I'm Maisie Medina. Ang maganda, sexy at hot ng Emerson Academy. Ako rin ang queen bee sa EA.

(N/A: Ipapaalala ko lang sayo Maisie, hindi ito vlog at huwag ka rin masyadong mahangin baka palitan ko ang pangalan mo at maging si Ulysses ka hindi na Maisie.)

Chorna othor. Mas bagay pa sakin ang pangalang Maisie keysa Ulysses. Anyway, back to the story na. Nandito kami ngayon nila Axton sa hide out ko.

"So, what now?" Basag ko sa katahimikan. "We check Zarmaine's info." Sabi ni Razzel.

"Then? Is she the Queen?" Yup, tumutulong din ako sa paghahanap sa mafia queen.

Ang totoo kase nyan, Hindi talaga kami ni Axton. As in wala kaming relasyon ni Axton. I'm his step sister. Yes, mag-half siblings lang kami ni Axton.

Kaya lang namin pinalabas na mag-jowa kami dahil para wala daw umakit sa kanya at wala daw lumandi sa kanya.

Ako naman to'ng 'No choice' ay pumayag nalang dahil si daddy narin ang nakipagusap sakin. Ang nakakaalam lang na half siblings kami ni Axton ay ako, si Axton at si Razzel.

Tatlo lang kami nakakaalam tungkol dun, sasabihin din naman namin sa iba yung tungkol dun pero hindi pa daw sa ngayon, kapag nahanap na daw namin ang mafia queen.

Bakit Medina ang surname ko at hindi Dalton? Because Medina is my mother's surname.

Sabi kase ni dad na dad din ni Axton ay yung surname daw ni mom ang gamitin ko imbis na surname ni dad dahil kapag Dalton ang ginamit kong surname, malalaman na nila na half siblings kami ni Axton.

"Yeah. Siya ang matagal na nating hinahanap. Siya ang kapatid ko."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Razzel. I'm so shocked. I'm not expecting that Zarmaine is the lost mafia queen and especially Razzel's little sister.

"T-talaga?" Gulat na tanong ko. "Yeah. Kaya nga sinabi ko sayo na itigil mo na ang pangbu-bully mo sa kanya." Sabi naman ni Axton.

Yup. Si Razzel ang nagsabi na itigil ko na ang pangbu-bully sa kanya.

"So... A-anong plano niyo?"

"We will say to her."

"Pa'no? Nakakasigurado ba kayo na kapag sinabi niyo sa kanya ay maniniwala siya sa inyo?"

"Ayun na nga. We don't know how to say to her about that."

Nag-isip ako ng paraan kung paano namin sasabihin at ie-explain sa kanya.

Maya-maya lang ay biglang tumunog ang cellphone ni Axton. Kinuha niya yon at tinignan kung sino ang tumawag sa kanya.

"Tsk. It's Ash." Sabi ni Axton. "Answer it. Baka importante yan." Sabi naman ni Razzel. Sinagot niya ang tawag at ni-loud speaker na yon para marinig namin.

"Why the hell are you calling?"

"Axton, si Zarmaine."}

{"Zarmaine? What about her?"

{"Kinidnap siya."}

Agad kaming nagtinginan tatlo dahil sa sinabi niya. Kumunot ang noo ko dahil sa tingin niya.

Ano kayang nangyari?

"Sino ang kumuha sa kanya?"

{"Hindi ko alam. Pero simusundan ko ngayon."}

"Anong sasakyan ang kumuha sa kanya?"

{"Van."}

"Ok. Send the address to me then we will go."

{"Ok."}

Call end. Agad na tumayo silang dalawa at aastang aalis na ng pinigilan ko sila.

"Wait! Sasama ako." Sabi ko sa kanila kaya napalingon sila sakin na nakakunot ang noo.  "No." Sabi ni Axton.

"But i want to go." Pagpupupumilit ko. "Ok. But bring your gun." Pagpayag ni Razzel. Agad akong ngumiti at kinuha ang baril.

Sama-sama kami sa kotse ni Axton at pinuntahan na ang address na ibinigay ni Ash kay Axton.

"Maisie, call the others." Sabi ni Razzel kaya sinunod ko kaagad. Habang kinakausap ko sa phone si Alliah ay may binubulong si Axton. "Wait us, wait for me Zarmaine."

Hindi ko nalang yun pinansin at agad na binaba ko na ang tawag nung sinabi ni Alliah na papunta na daw sila.

Wait us, Zarmaine.

We will save you.








Royal Blood (COMPLETE)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin