CHAPTER 34

306 7 0
                                    

Ash's Point of View

Nandito na kami sa bahay nila Zarmaine. Ako, si Lux, si Shawn, si Alliah, si Ellie, si Zarmaine at si Razzel ay nandito sa secret room.

Si Axton naman ay nasa mini bar. Hindi namin alam kung bakit tinanong kami kanina ni Zarmaine kung sino ang marunong kumuha ng info. At higit sa lahat, may gusto siyang ipakuha na info.

"So, kaninong info ang gusto mong kuhain, Maine?" Tanong ni Shawn sa kanya at inayos pa ang salamin. "Gusto kong makuha info ni..." Putol ni Zarmaine sa sasabihin niya.

"Ay, binitin pa."

"Manahimik ka, Ellie."

"Sabihin mo na kasi! Curious din kaya ako."

"Tsk! Si Sapphira! Yung info ni Sapphira." Nakunot ang noo naming lahat dahil sa sinabi niya.

"Bakit? Ano bang meron sa info ni Sapphira?" Tanong ni Alliah. Malakas kasi toh makaramdam.

Biglang someryoso ang mukha ni Zarmaine. "Ang totoo niyan... Parang may kakaiba kase akong nararamdaman sa kanya. Actually, hindi lang siya kundi pati narin si Mark." Seryoso niyang sabi.

"Kung ganon, hindi lang yung info ni Sapphira ang kukuhain namin. Pati narin ang info ng ex mo."

"Hmm."

"Eh ano bang kakaibang pakiramdam mo ang sinasabi mo kanina sa kanila?"

"Ano. Yung feeling na pinagdu-duduhan sila."

"Kaya gusto mong kunin ang info nila?"

"Oo. Pwede ba?"

"Oo naman, Maine! Mga ilang minuto lang, makukuha mona ang info nila." Nakangiti kong sabi. "Maraming salamat." Nakangiti niya ring sabi.

Sige. Akyat muna ako at magbibihis pa'ko."

At umalis na siya. "Ash, ikaw kay Mark at ako naman kay Sapphira." Sabi ni Shawn. Tumango nalang ako at inumpisahan na namin ang paghahanap ng info.

Sino ba kayo,

Sapphira at Mark?

Zarmaine's Point of View

Nandito ako sa kwarto ko at nagbihis. Pagkatapos kong magbihis ay kinuha ko ang kahon na may laman na kutsilyo.

Kung naaalala pa ba ninyo ang chapter na may nakalagay---i mean, may naglagay sa bag ko ng kahon at ang laman ay kutsilyo na may dugo? Tinago ko lang ito sa closet ko.

Umupo ako sa kama habang tinitignan ng maigi ang kutsilyo. Napansin ko na may 'S' sa hawakan ng kutsilyo.

Kinuha ko rin ang isa pang kutsilyo sa bag ko na nakatarak kanina sa desk ng upuan ko at pareho iyon sa kutsilyo na galing sa kahon.

Yung kulay ng 'S' ay orange na may glitters at bato na sapphire.

Sure akong kay Sapphire ito.

Inilagay ko ang dalawang kutsilyo sa kahon at lumabas na ako ng kwarto dala-dala ang kahon.

Bumaba na ako at nakita ko si Maisie sa sala. Umiinom siya ng tubig. Meron kasing tubig na nakalagay dito sa sala.

"Maisie." Napatingin siya sakin kaagad. "Hmm?" Tanong niya. "Andun pa rin si oppa sa secret room?" Tanong ko sa kanya.

"Lumabas siya. Baka pumunta dun sa mini bar para samahan si Ton." Sabi niya at tumango lang ako.

Royal Blood (COMPLETE)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang