CHAPTER 24

371 10 0
                                    

Ellie's Point of View

Hanggang ngayon, nandito parin ako sa van dahil hindi pa nila ako pinababa kanina nung dumaan kami sa bahay namin.

Si Shawn ang bumaba kanina nung nasa tapat na kami ng bahay namin at kinausap ang magulang ko. Nangunot ang noo ko nung nakita kong ngumiti sila mama kay Shawn at si Shawn naman ay sumakay na ng van.

"Tara na." Nakangiti niyang sabi. Nataranta ako nung binuksan na ni Axton ang makina ng van at nag-umpisa nang mag-drive.

"Teka lang! Hindi pa ako nakakababa." Taranta kong sabi at tinignan-tignan pa ang bahay namin. "Friend, kasama ka sa bahay ni Axton. Diba mag-kaibigan din kayo ni Zarmaine?" Sabi ni Maisie kaya taka akong tumingin sa kanya.

"Hindi ko gets."

"Kaibigan mo si Zarmaine diba?"

"Oo."

"Then kasama ka sa amin. May kukumpirmahin lang tayo dyan sa magaling kong kapatid." At sumilip kay Axton. Tinignan ko si Axton at namula ang kanyang tenga. "O-k... Mukhang gets kona ang sinasabi mo." Sabi ko at nanahimik nalang hanggang sa dumating na kami sa bahay niya.

May malaking gate ang tumumbad sa amin at bumukas nalang yon ng bigla. Namangha ako dahil habang papasok kami sa loob ay puro magaganda ang mga halaman at may mga warm lights din. Napanganga ako dahil sa paglingon ko sa bintana ay may malaking mansion akong nakita.

Huminto na kami sa tapat nang mansion at isa-isa kaming bumaba. "Sigurado kabang bahay toh? Eh mansion na nga ang tawag dito eh!" Sabi ko habang nakatingin sa harap ng mansion. "Hahaha! Mas malaki pa ang bahay... i mean, yung mansion ni Zarmaine kesa dito." Gulat akong napatingin kay Maisie dahil sa sinabi niya.

May mansion si Zarmaine?!

Eh bakit parang wala ata siyang nasasabi sa akin tungkol dun?

"Alam naming nagtataka ka. Mamaya namin ililinaw ang lahat sayo." Sabi ni Ash at Inakbayan naman ako ni Shawn. Agad kong tinanggal ang kamay niya at tinignan siya ng masama. Isinabit nalang ni Maisie ang kamay niya sa braso ko at hinila papasok sa bahay--este mansion ni Axton.

Lahat kami ay umupo sa sala at may mga dalang juice naman ang mga maids niya dito. "So.... Do you like Zarmaine?" Agarang tanong ko kay Axton kaya napa-ubo siya.

*Cough! *Cough! *Cough!

"Hahaha! 'Wag mong biglain ang pagtatanong mahlabs." Sabi ni Shawn kaya sinamaan ko siya ng tingin. "'Wag mo nga akong mahlabs-mahlabs jan!" Inis sa sabi ko sa kanya.

"Hep, hep, hep! Tumigil kayong dalawa." Sabi ni Ash kaya ng tinginan nalang kami ng masama. "So, mah brother. Spill the tea." Nakangiting sabi ni Maisie at napabontong hininga muna si Axton.


Axton's Point of View

"A-ano..." Mahina kong usal dahil lahat sila ay nakatingin sa akin. Halata sa mga mukha nila na inaabangan ang sagot ko. "Ganito nalang." Nakangiting sabi ni Ellie kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Ano?" Tanong ni Alliah. "Let's play 1 question, 1 answer." Nakangising sabi ni Ellie. Nagkatinginan silang tatlo ni Maisie at Alliah tapos biglang ngumisi at itinaas baba pa ang kanilang kilay.

Mukhang hindi maganda ang plano ng mga 'to ahh.

"Ano game?!" Hyper na tanong ni Ellie. Wala kaming magawa kundi pumayag nalang. "Ganito uunahin muna nating tanungin si Axton then sunod si Razzel tapos yung katabi naman ni Razzel hanggang sa bumalik ulit tayo kay Axton." Paliwanag ni Ellie kaya tumango kaming lahat.

"Teka! Patugtog tayo para dama ang laro hehehe."

Binuksan ni Ash yung speaker at kinonect niya sa cellphone niya. Bumalik na siya sa upuan at nagpatugtog na. "Sandali lang pala! Hinto mo muna yung kanta." Pigil ni Maisie kaya pinause muna ni Ash yung music. "Bakit?" Tanong ni Lux. "Dapat may parusa tayo kapag hindi nasagot yung tinanong sa kanya." Sabi naman ni Alliah.

"Alam kona!"

Dali-daling pumunta si Razzel sa kusina at bumalik ka agad siya na may dala-dalang pitsel. "Ano naman yan?" Tanong ni Shawn. "Ito? Ito yung iinumin kapag hindi nasagot yung tanong." Sabay ngisi.

Inamoy ni Ash yung laman ng pitsel at...

"Ano 'to?! Ang baho!" Sabi ni Ash habang tinatakpan ang ilong. "Pinaghalo ko yung coke, toyo, suka at alak hehehe..." Nakangising sabi ni Razzel kaya napangiwi kaming lahat.

"Kadiri naman!"

"Bakit yun pa?!"

"Wala nang reklamo! Umpisahan na nati yung laro!" Sabi ni Ellie kaya wala kaming nagawa at nag-umpisa nalang maglaro.

Music playing: By Chance(You and I)

"Axton. May gusto kaba kay Zarmaine?"

"Meron." Agarang sagot ko na ikina-tili at sigawan nila. "Niceeeee!" Sigaw ni Ash. "Ok! Next, Razzel. Gusto mo bang bumalik si ate dito?" Tanong ni Shawn. "Oo naman." Sagot ni Razzel kaya napangiti kami.

"Ash, kailan mo liligawan yung nagugustuhan mo?"

"Bukas o sa araw ng dance contest."

"Lux, who's the girl that you like?"

"Alliah."

Nanlaki ang mata namin habang palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa ni Alliah. Namula ang pisngi ni Alliah at pilit na umiwas sa mga tingin namin. "Ok.... So next na. Maisie, what is your standards on man?" Tanong ni Ellie sa kanya.

"Hmm.... Gusto ko sa lalaki is yung may pangarap syempre. Loyal, know how to handle my mood, sweet, hindi madaling magselos, and mahal na mahal ang pamilya."

"Uyy.... Parehas lang pala tayo ng standards sa lalaki." Sabi ni Ellie at nagngitian silang dalawa.

"Ikaw naman Ellie, may gusto kaba sa gwapong ako?" Mahanging tanong ni Shawn habang nagpapa-pogi sa harap ni Ellie. Tinignan siya ni Ellie na parang nandidiri. "Yak! Wala noh!" Sagot ni Ellie kaya napatawa kami.

"HAHAHA! Wala ka palang talab kay Ellie eh!"

"Wawa naman Shawn! HAHAHAHA!"

"Ayoko kase sa playboy." Seryosong sabi ni Ellie kaya napangisi si Shawn. "Paano kung seryosohin kita. Payag ka?" Seryoso ngunit may mapaghamon na tanong ni Shawn. "Spell ASA!" Sigaw naman ni Ellie kaya tumawa kami ulit.

"Ikaw naman Alliah, may gusto kaba kay Lux?"

Agad na namula si Alliah sa tinanong ni Ash sa kanya. "S-syempre, wala!" Sigaw na sagot niya ngunit hindi kami naniniwala.

Sa pula ng pisngi mo Alliah?

"Seryoso Alliah."

"O-oo na! Oo na! Happy?!" Inis na sagot ni Alliah kaya tumawa kami ulit. Tinanong ulit nila ako hanggang sa matapos na kami sa paglalaro at umuwi na sila. Sabi ni Alliah, siya nalang daw ang maghahatid kay Ellie.

Pumunta nalang ako sa kwarto ko at nahiga. Dahan-dahan kong pinikit ang mata ko at natulog na.

ZZZ... ZZZ... ZZZ...



Zarmaine's Poin of View

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makatulog. Nagpagulong-gulong lang ako sa kama ko dahil hindi talaga ako mapakaniwala sa sinabi ni Axton sa akin kanina.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung anong oras na.

11:31 na?!

"Gusto ko nang matulog!" Mahinang sigaw ko at nagpaikot-ikot sa higaan. Mga ilang oras pa ang lumipas bago ako nakaramdam ng antok.

"Bangag ako nito bukas..." Inaantok kong sabi at natulog na ako.

ZZZ... ZZZ... ZZZ...

Royal Blood (COMPLETE)Where stories live. Discover now