CHAPTER 7

576 17 0
                                    

Zarmaine's Point of View

FRIDAY

Mag-iisang linggo na ako sa EA at pangatlong araw na ngayon nila akong pinapagtripan o binubully.

Kung hindi ko laging kasama si Alliah paniguradong mas malala-lala ang gagawin nila sakin.

"Haystt! Paniguradong ibu-bully na naman nila ako mamaya." Nakasimangot kong sabi at lumabas na ng kwarto.

Nagulat ako nung nakita kong kakaiba ang suot ni tita. "Good morning tita. Aalis ka?" Tanong ko at humalik sa pisngi ni tita.

"Oo Maine, baka sa monday pako makakauwi. "Sagot ni tita sa akin.

Hala!

"E-ehh, ako lang mag-isa dito tita?" Tanong ko ulit. "Oo Maine. Huwag kang mag-alala tatawagan naman kita. May importante lang akong aasikasuhin." Mahinahong sagot ni tita. 

"Ok po. Ingat tita." Nakangiti kong sabi kay tita. "Hmm. Sige na aalis na ako, ingat karin." Paalam ni tita at umalis na.

Mabilis akong kumain at nang matapos na akong kumain, agad kong sinuot ang sapatos ko at lumabas na ng bahay. Kakatapos ko lang i-padlock ang pintuan ng may biglang bumusina.

Beep!

Agad akong lumingo sa likod ko at nakita ko ang color black na sports car.

Biglang bumaba ang bintana ng kotse at bumungad sa akin ang nakangiting si Alliah. 

"Good morning Zarmaine." Sabay kaway sa akin. "A-ahh, good morning din." Bati ko sa kanya.

"Pa'no mo nalaman bahay ko?"

"Secret. Sakay na. Sabay na tayong pumasok."

"H-huh?" Tanong ko dahil mukhang nabingi ako ng slight. Tumawa siya ng mahina. 

"Ang sabi ko sumakay kana at sabay tayong papasok." Binuksan ko ang pintuan ng kotse niya at sumakay.

Tahimik lang dalawa habang papunta ng school. Bigla siyang tumikhim kaya napatingin ako sa kanya.

"Binu-bully kaba nila?"

"A-ahh o-oo." Sagot ko sa kanya habang dahang-dahan kong niyuyuko ang ulo ko. 

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Tanong niya na nagpakunot ng noo ko. "Huh? Hindi mo alam?" Tanong ko. 

"Oo, kung hindi ko narining ang usapan nila Maisie, hindi ko malalaman." Sagot niya sa tanong ko habang nasa daan parin ang tingin niya.

"A-ano... A-akala ko kase alam mo." Nakakunot noo kong sabi sa kanya.

Tinignan niya ako ng saglit at hindi ko namalayan na nasa school na kami at pinark na niya ang kotse niya.

"Look." Sabi niya kaya napatingin ulit ako sa kanya. Nakatingin siyang diretso sa mata ko. 

"Kapag may ginawa sila ngayon sayo. Sabihin mo sakin." Seryoso niyang sabi.

"A-ano kaba. Ok lang ako."

"Pero ayoko ng binu-bully ka. Friends tayo remember?" Tumango nalang ako sa kanya at tinanggal niya na ang seatbelt niya kaya tinanggal ko narin yung sakin. 

"Tara." Yaya niya at sabay kaming bumaba. Nakita kami ng ibang mga studyante dito at nagsi-bulungan sila.

"Look, kasama niya si Alliah ohh."

"Bakit magkasama sila sa kotse ni Alliah?"

"Huwag mong sabihin na friends sila?"

"Hell no!"

Royal Blood (COMPLETE)Where stories live. Discover now