CHAPTER 10

547 11 0
                                    

Zarmaine's Point of View

SATURDAY

8:21 ako nagising at naghilamos muna ako ng mukha. Lumabas na ako at dumiretso sa kusina para makapagluto ng pagkain.

Nagluto ako ng Tinola at nagsaing narin ng kanin. Pagkatapos kong magluto ay kumain na ako. Nang natapos na akong kumain, kumuha muna ako ng damit na pang-alis at inilapag ko muna sa kama.

Kinuha ko ang tuwalya ko at tumunog ang cellphone ko. Agad kong kinuha iyon at si Ellie, tumatawag sakin. Sinagot ko iyon at umupo muna sa kama.

{"Hi Zarmaine, good morning!"Masiglang bati nito sakin.

"Good morning din. Saan tayo magkikita?"

{"Syempre sa lagi nating pinupuntahan."}

"Ahh... Sa park?"

{"Oo. Text nalang kita kapag nandun na ako."}

"Sige. Maliligo muna ako."

{"Sige, sige. Kitakitz nalang mamaya."}

"Hmm..." At ibinaba ko na. Pumunta na ako sa banyo para maligo. Ilang minuto lang ang nakalipas at tapos na akong maligo. Nagbihis na ako at simple lang ang isinuot ko. Parang mga suot ng boyish.

Nag-ayos na ako at maya-maya lang ay tumunog na ang cellphone ko.

You have 1 message

From: Ellie qt

Nandito nako.

Agad akong nagmadali at lumabas na ng bahay. Habang lumalakad ako papuntang bus stop ay nag-reply muna ako kay Ellie.

To: Ellie qt

Papunta na'ko.

Napahinto nalang ako sa paglalakad ng biglang nabangga ako sa likod ng isang lalaki. Agad na lumingon itong nabangga ko at shocks...

ANG MAFIA KING!

Agad na lumaki ang mata ko nang makita ko ang mukha niya at siya naman ay masama ang tingin sakin pero nung namukhaan niya na ako, agad na binawi niya ang masama niyang tingin.

"S-sorry." Sabi ko at yumuko. "It's ok." Sabi niya kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.

"What are you doing here?" Tanong niya sakin. "Uhh.. Sasakay ng bus. Ikaw?" Balik kong tanong sa kanya. 

"Same. Nasiraan kase ako ng kotse." Sagot niya. Dumating na ang bus kaya sabay kaming sumakay at magkatabi pa talaga kami.

OA man pero hindi ako kumportableng kasama siya.

"May gusto lang akong itanong." Sabi niya kaya napalingon ako sa kanya. "Ano naman yun?" Tanong ko. 

"Si Maisie, binubully ka niya right?" Wow! Ano naman kaya ang nakain neto at ganito ngayon?

"Oo. Tapos kapag ibinabalik ko ang mga ginagawa niya sakin, galit na galit."

"But you know that she is my girlfriend?"

"Ayun na nga ehh. Girlfriend mo siya kaya ganon ang ginagawa."

"So ang sinasabi mo ginagamit niya pa yun para mangbully?"

"Parang ganon na nga." Sabi ko at tumingin sa kanya. "Kakaiba ka." Sabi niya habang titig na titig sakin. 

"Huh? Kakaiba?" Tanong ko. Sumandal muna siya bago sagutin ang tanong ko. "Ikaw palang ang lumaban sa kanya ng ganon."

Royal Blood (COMPLETE)Where stories live. Discover now