CHAPTER 29

325 6 0
                                    

Ash's Point of View

Yow! Thanks author may POV na naman ako hehehe. Nagpra-practice na kaming sumayaw dito sa terrace nila Ellie. Hanggang ngayon ay wala parin si Zarmaine. 11:22 na nang tinignan ko ang aking relo.

Ang tagal naman nun.

"Bakit wala parin si Maine hanggang ngayon?" Tanong ni Shawn habang umiinom ng juice. "Oo nga. 11:22 na ohh." Sabi naman ni Maisie. "Antay-antay lang tayo, baka parating na yun." Sabi naman ni Ellie habang sinasayaw yung steps ng sayaw nila. 

"Baka hindi alam ni Maine ang papunta rito?"

Agad na nakatanggap ng batok si Shawn kay Ellie. "Sira! Ilang beses nayun nakakapunta rito kaya imposibleng hindi niya alam papunta rito." Mataray na sabi ni Ellie. Biglang nag-ring ang phone ko kaya kinuha ko ito at sinagot.

"Li'l bro! Napatawag ka?"

{"Kuys, pumunta kayong lahat ngayon sa bahay ni Zarmaine."}

"Ehh?! Bakit? May nangyari ba? At bakit mo kilala si Zarmaine?"

{"Tsk! Basta pumunta nalang kayo!"}

"Aba't! Oo na!"

Pinatay ko na ang tawag at tumingin sa kanila. Silang lahat ay nakatingin sa akin habang ang iba ay umiinom pa nang juice.

"Kailangan nating bumalik sa bahay nila Maine." Seryoso kong sabi. "Bakit? May nangyari ba?" Tanong ni Razzel. 

"Wane called me and said 'Go to Zarmaine's house.' Tinanong ko siya kung may nangyari pero ang sabi niya basta pumunta nalang kayo." Mahaba kong sabi sa kanila.

"Let's go." Sabi ni Axton at sumunod kaming lahat na bumaba. Nagpaalam muna kami sa mommy ni Ellie at umalis na kami. Nung nasa bahay na nila kami ay kumatok muna kami at bumungad samin ang kapatid ko.

Langya! Kailan pa nakauwi 'to?

"Pasok." Cold niyang sabi. Pumasok kaming lahat at nakita namin si Zarmaine na nakaupo sa sofa at si ate Angel din ay nandito? Si ate Angel ay nakaupo din sa sofa habang nagse-cellphone.

"A-ate?!" Gulat na sabi ni Shawn. "Ohh, buti naman at nandito na kayo. Kanina pa namin kayo inaantay nila queen." Sagot naman ng ate niya at nag-unat pa.

Q-queen?! Hindi kaya?

"Kuya... Bakit hindi mo sinabi sakin?" Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Maine at yumakap kay Razzel ng mahigpit.

Kahit si Razzel ay nagulat din pero yumakap din pabalik sa kanyang kapatid at nagu-umpisa nang umiyak.

"S-sorry princess. Sorry kung hindi sinabi ni kuya sayo. Naghihintay lang kami ng tamang panahon para sabihin ssayo ang tungkol dun." Sabi ni Razzel habang umiiyak. "K-kuya..." Sambit ni Maine at humagulgol ng sobra.

Napatingin ako kila ate Angel at nakita ko na nakatingin sila sa magkapatid habang nakangiti. "Wane, magusap tayo sa kusina." Agad na tumango ang kapatid ko at pumunta na kami sa kusina.

"Sinabi niyo sa kanya, tama?"

"Yes kuys. Kami na mismo ni ate Angel ang nagsabi dahil dapat malaman niya na ngayon ang totoo."

"Kwinento niyo?"

"Yup. Kuys, she needs to know the truth. She needs to back being a mafia queen."

"Sabagay. Ayy teka nga lang, kailan kapa nakauwi huh?!"

At pabirong pinagsusuntok ko ang braso niya. "Aray kuya! Kahapon lang ok?! Sabay kami ni ate Angel umuwi!" Sabi niya habang iniiwasan ang suntok ko. Tumigil na ako at niyaya siya na bumalik na kami sa sala.

Royal Blood (COMPLETE)Where stories live. Discover now