CHAPTER 12

519 13 0
                                    

Zarmaine's Point of View

It's monday at pasukan na naman. 6:26 palangnang umaga ay gising na ako. Naligo na ako, at nagbihis ng uniform.

Pagkalabas ko ng kwarto ko ay nakita ko si tita na naghahain. Tumawag kase kaninang 6:10 si tita dahil pauwi na raw siya.

"Good morning Maine, kumain kana."  Sabi ni tita at humikab siya dahil sa kakauwi niya lang. 

"Opo tita. Matulog kana tita, kaya ko na po."  Sabi ko bago umupo at sumandok ng kanin. 

"Sige. Matutulog na ako. Mag-iingat ka ah." Sabi sakin ni tita at tumango nalang ako dahil puno ng pagkain ang bibig ko.

Pumasok na si tita sa kwarto niya at maya-maya ay tapos na akong kumain.

Sinuot ko muna ang sapatos ko at kinuha ang bag ko bago kumatok sa pintuan ng kwarto ni tita.

"Tita, papasok na po ako." Sabi ko at narinig ko naman ang pagpapaalam sakin ni tita.

Pumunta na ako sa bus stop at sinuot ang headset ko. Napatingin ako sa van na kulay itim na nakahinto sa tapat ko mismo.

Hala! Baka kidnapper toh!

Agad kong tinanggal ang isang headset ko sa tenga ko at tinignan ng mabuti ang van. Nagulat nalang ako nang biglang bumaba ang bintana ng van at nakita ko ang mga mafia-sila Alliah at ang iba pa.

Kumunot ang noo ko ng biglang kumaway ang isa sa kanila. "Hi Zarmaine." Nakangiting bati sakin ni Alliah.

Ngumiti naman ako ng halong may pagtataka at bumati rin pabalik. "H-hi...?" Sabay kaway pa ng bahagya sa kanila.

"Good morning 'bebegirl'." Sabi ng isa sa kanila with matching kindat at kaway pa. Ako naman ay laglag ang panga sa sinabi niya.

Hano raw?

Bigla siyang binatukan ng katabi niyang lalaki na mukhang laging seryoso at ito namang nagsabi ng 'bebegirl' ay hinihimas ang batok niya.

"Siraulo ka." Sabi ng bumatok sa kanya.

Hindi ko pa kase kabisado mga names nila kahit na sinabi na sakin ni Alliah.

"Ikaw, huwag mo ngang isama yan sa mga target mo mr. playboy." Mataray na sabi naman ni Alliah rito.

Ay kilala ko na kung sino toh!

Si Shawn! Ang playboy sa kanila.

Tumingin naman sakin si Alliah at ngumiti. "Good morning." Masiglang bati nito sa akin.

Ngumiti rin ako sa kanya ng matamis. "Good morning den Alliah." Masiglang bati ko sa kanya.

"Kami? Dimo rin ba kami babatiin?"

Lumaki ang mata ko sa lalaking kulay brown ang buhok dahil sa sinabi niya.

Oo nga naman! Ang sama ko naman kung hindi ko rin sila babatiin.

Ngumiti ako sa kanila na halatang naiilang at binati na sila. 

"U-uhm... Good morning."

Agad na ngumiti ng malapad itong tatlo habang ang mafia king ay naka-poker face na nakatingin sakin at ang mafia prince naman simpleng ngiti lamang ang ibinigay habang nakatingin sakin.

"Hindi kapa ba papasok?"

Agad na lumipat ang tingin ko sa mafia king. Ito namang kasama niya ang napatingin din sa kanya. Salubong ang kilay nito habang nakatingin sakin na para bang naiirita na makita o makausap ako.

Royal Blood (COMPLETE)Where stories live. Discover now