CHAPTER 16

475 11 1
                                    

Maisie's Point of View

Suntok dito, suntok don. Sipa dito, sipa don. Baril dito, baril don. Ganito ang nangyayari ngayon.

Nang onti nalang ang mga kalaban, pinuntahan na namin ni Alliah si Zarmaine na nakatali sa upuan. Pinagtatanggal namin ang mga tali at tinulungan siyang tumayo.

"Ok ka lang ba? Hindi ka ba nila sinaktan? May masakit ba sayo?" Sunos-sunod na tanong ni Alliah.

"O-ok lang a-ako. N-namamanhid lang ang pisngi ko." Sabi ni Zarmaine sabay himas sa pisngi.

Pinaharap ko siya sakin at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Hinawakan ko rin ang pisngi niya at nakita ko na sa gilid ng labi niya ay may dugo.

"Sinuntok ka ba nila?!"

Nagulat siya sa sigaw ko. "Sabihin mo. Sinuntok kaba nila?" Tanong ko ng mahinahon ngunit may halong galit ang aking tono.

"H-hindi... S-sinampal lang nila--" Hindi na siya pinatapos ni Alliah sa pagsasalita nang galit na tinanong siya.

"SINONG SUMAMPAL SAYO?!"

Gulat kaming napatingin kay Alliah at kitang-kita mo ang galit sa kanyang mata.

"T-teka lang. K-kilala ko ba k-kayo?" Tanong ni Zarmaine habang palipat-lipat ang tingin sa amin.

Nakalimutan ko pala na naka-maskara nga pala kami. Tinanggal ko ang suot-suot kong maskara at tumingin sa kanya ng seryoso.

"M-m-maisie?!"

"Oo. Kami 'to Zarmaine. Sabihin mo sino ang sumampal sayo?" Seryoso kong tanong sa kanya. Napalunok muna siya at halata mo sa kanyang mata ang takot pero sinagot niya parin ang tanong ko.

"S-si... S-si... Si S-sapphire..." Agad na lumakad palapit kay Sapphire si Alliah at tinadyakan niya ito ng malakas sa may binti at sinampal din niya ng sobrang lakas.

Hinawakan ko ang braso ni Zarmaine ng may sumugod sa kanya at agad kong hinila si Zarmaine at pinaputukan ng baril banda sa may dibdib niya kaya bumulagta siya sa sahig.

"Ok kalang?"

"Oo. Ok lang ako."

Natapos na ang lahat sa pakikipaglaban at ang natitirang buhay nalang ay si Sapphire na hawak-hawak ni Alliah sa balikat. Lumapit ang lahat sa aming dalawa kaya ibinalik kong sinuot ang maskara.

Mahirap na, baka makilala pa nang kalaban.

"Anong kailangan niyo sa kanya? Bakit niyo sa kinuha?" Axton said in a cold tone.

"Hah! Akala niyo sasabihin ko sa inyo? Pwes, nagkakamali kayo!" Agad na sinikmuraan ni Axton si Sapphire na agad ding itinayo ni Alliah.

"Ano ang kailangan niyo sa kanya?!" Galit na sigaw ni Axton kay Sapphire at napahawak naman ng mahigpit sa akin si Zarmaine.

Natakot siguro siya.

"A-alam na n-namin na s-siya ang m-mafia queen..." Nanghihinang sabi niya at napakunot naman ang noo namin.

"Paano niyo nalaman?" Seryosong tanong ni Razzel. "H-hindi a-ako... H-hindi ako s-si S-sapphire... Nililinlang n-niya lang k-kayo." Agad na binaril siya Razzel at napatili naman si Zarmaine.

Agad ko siyang hinawakan sa magkabila niyang balikat at pinatahan.

Lumapit narin si Axton at niyakap niya nang mahigpit si Zarmaine.

"Hshshs... It's ok. Don't cry." Sabi niya habang pinapatahan niya si Zarmaine.

"Mas mabuting umalis na tayo rito." Sinang-ayunan namin si Alliah at agad na pumunta sa mga sasakyan na sinakyan namin.

Royal Blood (COMPLETE)Where stories live. Discover now