CHAPTER 33

300 5 0
                                    

Zarmaine's Point of View

Pagkatapos ng pagpapakilala ko bilang isang mafia queen ay bumalik na ang lahat sa classroom. Pagkapunta ko sa upuan ko ay nanlaki ang mata ko.

Tang*ina!

Anong nangyari sa upuan ko?!

Ba't may ganito?!

Pati narin ang mga ka-classmate ko ay napatigil din. "Anyare? Ba't 'di pa kayo umuupo?" Takang tanong ni Ash dahil nahuli sila saming pumasok.

"What the..."

"Sh*t!"

"B-bakit?!"

"A-anong nangyari?!"

Pati sila oppa ay nagulat sa nakita nila. Sino ba namang hindi magugulat kung yung upuan mo ay may mga dugo at sa armchair naman ay may nakasaksak na kutsilyo.

Lahat kami ay nakatayo lang sa harapan at nang may napansin ako na red na envelope ay lumapit ako.

"Anong gagawin mo, Maine?" Pagpigil sakin ni oppa. "Sandali lang oppa." Sabi ko at binawi ang kamay ko. Hahakbang na sana ako nang may humila na naman ng braso ko.

"Ano ba, Maine?!" Naiinis na sabi ni Axton. "Sandali nga lang kase!" Inis ko ring sabi sa kanya.

Lumapit ako dun sa upuan at kinuha ang envelope. Lumapit naman sila oppa sakin at tinignan din ang envelope. Kinuha ko iyon at binasa.

Mafia queen,

Sa wakas, nagpakita at nagpakilala kana na ikaw ang mafia queen. But, yun nga lang ay malapit kanang mamatay. Get ready your self, malapit na ang war at ako na ang magiging mafia queen.

                                                Sapphire.


Kinuha ni oppa ang papel na hawak-hawak ko at binasa din nila. Kinuyom ko ang kamao ko at huminga nang malalim.

Fvck!

"Ash, Shawn, pwedeng pakitabi na nitong upuan?" Mahinahon kong sabi. Sumunod naman sila.

Napatingin ako sa bintana at nakita ko sila Sapphira at Mark na nakatingin dito at naka-smirk. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba.

Hindi kaya....?

P-pero imposible...

"Classmates, magsi-upo na tayong lahat."

Sabi ni Alliah at sumunod naman sila. Naghanap ako ng bakanteng upuan ngunit wala. Sakto lang ang mga upuan. Naabutan pa ako ng teacher namin na nakatayo lang ako.

"Ms. Tri---Ms. Hudson, bakit nakatayo ka pa? Nasa'n ang upuan mo?" Tanong ni ma'am sakin. "A-ahh.... Ehh... M-ma'am... Ano po kase..." Paputol-putol kong sabi.

"Madumi po kase ang upuan niya po ma'am kaya nilabas po namin. Akala po kase namin may bakante pa pong upuan pero wala na pala po." Pagdadahilan ni Lux.

Tumingin ako kay Lux at nag mouth ng 'salamat'. Ngumiti lang siya. "Kung ganun, saan ka uupo Ms. Hudson?" Tanong sakin ni ma'am. "Sa sahig---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang may humila sa akin.

Nanlaki ang mata ko dahil naka-kandong ako kay Axton. Yung kanang kamay ko ay nakahawak sa leeg niya at yung kaliwa ko namang kamay ay ipapangtukod ko sana kung babagsak ako sa sahig. Yung dalawang braso niya ay nakapulupot sa bewang ko at sa harapan lang siya nakatingin.

Royal Blood (COMPLETE)Where stories live. Discover now