Hah! Akala mo naman ay puprihin k ni Leiro dahil diyan sa ngiti mo. Hindi mo alam na sa akin iyan nagmana.

"Yes, baby, girlfriend ako ni Zhyro. My name is Megan Fernandez," nakangiting pakilala ni Megan at pinisil ang pisnge ni Leiro na agad namang tinabig ng bata.

Ayaw niyang pinipisil ang pisnge niya kaya alam kong magsusungit ang batang 'to. Sa pisnge pa talaga, 'a.

"Huwag ka nga pong sumabat. Ikaw po ba tinatanong ko? Ikaw po ba si Tito Zhyro? Ang pangit mo po kaya," nakasimangot na sabi ni Leiro dahilan kung bakit biglang namula ang mukha ni Megan.

Nice one, pamangkin.

"Leiro!"

Hindi pinansin ni Leiro ang saway ko at basta na lang nanghila kung saan ang direksyon ng Jollibee. Naiwan si Zhyro at Megan na paniguradong namumula pa rin ang mukha dahil sa pagpapahiya ni Leiro. Grabe talaga ang bibig ng batang 'to, walang filter ang bibig.

Well, totoo naman kasi ang sinabi niya kaya support lang. Sinaway ko lang siya kanina at baka mas maging mukhang kawawa si Megan.

Pumunta na lang kami sa Jollibee at hindi na inantay pa ang dalawa. Hinihintay na lang namin ang order nang biglang pumasok si Zhyro, hindi niya kasama si Megan.

Nasaan naman kaya ang higad na iyon? Iniwan niya ba? Sus, mang-iiwan talaga ang gago na 'to.

"Tito Zhy? Hindi mo po kasama 'yong pangit mong gerlpren?" Tanong ni Leiro.

Lihim akong napangiti dahil sa sinabi ni Leiro. Walang duda, pamangkin ko talaga ang isang 'to.

"Leiro, tama na ang panlalait na 'yan."

"Hindi ko naman po siya nilalait, Tita, dinidescribe ko po lang siya," seryosong sabi ni Leiro kaya't napatawa na lang ako at ginulo ang kaniyang buhok at napangiti na rin siya.

Gusto niya kasing ginugulo ang kaniyang buhok. Parang pusa lang. Pero dapat ay sa mga kamag-anak niya lang, baka bigla itong mangagat kapag ibang tao ang nanggulo ng kaniyang buhok.

Hindi na pinansin ni Zhyro ang kulitan naming magtita at inantay na lang ang order. Pagkatapos kumain ay agad na rin kaming umuwi dahil pahapon na at baka kung ano pa ang mangyari sa amin dito sa labas lalo na at may nakaalam na nandito kami sa Pilipinas.

Agad naming hinatid si Leiro sa kanila at nakatikim pa ng sermon si Leiro kay Kuya Levi dahil sa pagtakas pero ang pasaway na bata ay tumawa lang at tumakbo papalapit kay Levian na naglalaro. Napahilot na nga lang si Kuya Levi dahil sa kakulitan ni Leiro. Pagkatapos noon ay ako naman ang hinatid ni Zhyro.

"At saan ka na naman pumuntang babae ka? Hindi mo ba alam na hindi safe sa labas kapag nakita ka ng mga fans mo? Paano kung dumugin ka? Paano kung masugatan ka? Paano kung magkaroon ng pasa iyang mukha mo? And worst mapatay ka pa? Paano? Hahhhh? Sagutin mo ako, Mac, at huwag mo ako bigyan ng titig na ganiyan! Hindi mo ako madadala sa titig na 'yan. Sa titig lang ni Jeicee ako madadala," iyan kaagad ang salubong sa akin ni Zac pagkapasok ko pa lang ng bahay.

Pagod na nga ako tapos magbibigay pa siya ng sermon? Nagpaalam naman ako kay Ate Sam. Kung makasermon naman siya ay wagas. Isumbong ko kaya siya kay Jeicee?

"Manahimik ka nga riyan, Zac. Hindi ikaw ang buntis kaya tumigil ka sa kakaputak mo dahil hindi ka naman naglilihi. Sinamahan ko lang maglaro si Leiro sa mall."

"Aba't!? Maglalaro na lang kailangan sa mall pa? Tibay naman ng batang 'yon," sabi niya.

Pagod akong napaupo sa sofa at itinaas ang paa sa table bago tinanggal ang facemask na suot.

Nakakapagod talaga ngayong araw dahil sobrang hyper ni Leiro, parang hindi nga siya napapagod.

"At kasama rin namin si Zhyro kanina."

"Huweehhhh? Date ba 'to Mac?" Tanong niya at parang tangang sinusundot ang tagiliran ko matapos kong sumagot sa kaniyang tanong. Sinapak ko naman ang panga niya. "Ouchhh naman, Mac, nagtatanong lang," nakasimangot niyang saad at hinihimas ang panga niyang sinapak ko.

"Tumigil ka, Zac. Pinabantayan lang kami ni Ate Sam kay Zhyro kaya kasama namin 'yong tao."

"Ehhh? Tsk, pangit naman," sabi niya.

"Mas pangit ka. Nga pala, Zac, nakilala ko girlfriend ni Zhyro kanina. Megan ang pangalan."

"Hala? Maganda ba? Sexy? May curves ba 'yan? Cute ba?" Tanong niya at parang kiti-kiti na tumabi ulit sa akin at inilapit ang mukha sa akin. Tinukod ko ang hintuturo sa kaniyang noo at inilayo sa akin.

"Tsk, pangit. Kuko ko lang ang girlfriend niya."

"Yabang din," natatawa niyang sabi.

"Hindi ako mayabang, nagsasabi ako ng totoo. Kahit nga si Leiro ay sinabihan ng pangit ang babaeng iyon."

"Nagtaka ka pa sa batang 'yon? Ikaw, si Ate, at si Levian lang naman ang maganda sa paningin ng batang 'yon," sabi niya.

"Duhh, maganda naman talaga kami kaya huwag kana magtaka."

"Oo na lang, bahala ka na nga riyan. Maiwan na kita at baka hinahanap na ako ng bebelabs ko," aniya at para siyang tangang naglalakad papunta sa kuwarto nila ni Jeicee.

Oo, magkasama na sila sa iisang kuwarto. May nabuo na, kailangan pa bang paghiwalayin? Baka umiyak si Zac kapag hindi sila pinagtabi ni Jeicee sa isang kuwarto.

Napabuntong-hininga na lang ako bago pumunta sa kuwarto ko at agad na humiga sa kama. Nakatulog ako at hindi na nakapagpalit ng damit dahil sa pagod.

*****

Hanse_Pen

Make The Boyish Fall In Love✓Onde histórias criam vida. Descubra agora