Chapter 37 : The bloodier , The better

Începe de la început
                                    

"Casper....what made you join the suicide pact?" hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong.

narinig kong napabuntong hininga siya...

"My parents.....Kapag pamilya ang problema , yan ang pinakamasakit sa lahat..... I was miserable. Tama yung sinasabi ng lahat , mayaman ka nga pero hindi ka masaya. I was prepared to kill myself. Gusto ko kasing ma-realize nila kung gaano nila ako ka-mahal and the only way to do that is to die....." Casper

bigla akong nakaramdam ng guilt...

bakit ko ba kasi tinanong...mukha tuloy naging malungkot si Casper.

"But you know what made me back out from the suicide pact?" biglang nagbalik ang ngiti sa mukha ni Casper. May kakaibang kislap akong nakikita sa mata niya... pakshet yung puso ko dumadagundong na naman. -_-

"Ano?" tanong ko sa kanya at agad na umiwas ng tingin.

"Hindi ano...sino...." bigla siyang ngumiti at tumingala sa langit..."Ikaw........Nakita kitang umiiyak sa rooftop ng school. Nag-uusap yata kayo ng mommy mo nun sa cellphone....I realized we were in the same position...were both in pain. I told myself that I would Live for you...I would make you happy......I always saw you as my bestfriend's cousin but it somehow changed...Days gone by I realized....I was falling for you." Casper

hindi ako makapaniwala sa narinig.

para bang nanunuyo ang lalamunan ko at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. 

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon.

bigla kong naramdaman na tumulo na pala ang luha ko.

Hinawakan ni Casper ang kamay ko.

"Pag-alis natin dito magsisimula tayo ulit. We will start over and forget about all the bad things that happened. I love you Alexis , sana hindi ka na umiyak ulit" Casper

ramdam ko ang sinseradad sa kanya.

Hindi ko lang alam kung kakayanin ko pang magsimula ulit. Ang salitang MOVE ON hindi yan madali sa sitwasyon ko. kung brokenhearted kakayanin ko pero hindi eh... Nasaksihan ko ang mismong mga mahal ko sa buhay na pinatay ng walang kalaban-laban. Hindi yun madaling kalimutan lalong lalo nat hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko.

"Hey stop crying kakasabi ko lang na wag ka ng umiyak. Tara na nga sa loob ang lamig na dito. Matulog ka na din dahil yung eyebags mo ang laki na" Casper

napangiti nalang ako at agad na pinunasan ang mga luha sa mata ko. 

 langya tong si Casper

- - - -- - - - - - - -

Our Deadly PactUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum