CHAPTER 1

45.6K 792 34
                                    

Hello po...sa lahat po ng readers thank you sa tiyaga to finish reading this story at sa magstastart po magbasa please po paumanhin dahil po sa gitna eh nagkagulo gulo ang chapter.  And this book is already completed yon nga lang po kailangan lang ng tiyaga sa paghanap ng kasunod na chapter. Try ko talaga ayusin kung paano i arrange yong chapter na magkasunod-sunod pero bumabalik po sa dati.

Thank you po for understanding....

*******************************

Mabilis na bumangon si Monique....malalate na sya pano kasi napuyat siya sa kapapanood ng korean drama kagabi.....

"Haay.... series pa more, pano naman kasi ang gaganda ng series ng mga ito kaka adik." bulong niya sa sarili...

Madalian lang yong paligong ginawa niya at nagbihis na.
Ng makalabas sa inuupahang apartment ay nag abang na siya ng padyak para magpahatid sa kanto kung hindi siya natanghali nungkang sasakay siya ng padyak.  Kailangan niyang magtipid  Nangungupahan siya sa Pasay city at nagtatrabaho naman siya sa isang Multinational Garment Factory sa Parañaque kaya di ganoong kalayo puwera lang kung matrapik.
Pagbaba ng padyak suwerte naman at  may dyip na agad na paparating dali dali syang sumakay rito.

Limang minuto bago mag alas otso ng marating niya ang factory.

"Hay salamat at di siya late, lagot na naman siya sa kanilang supervisor pagnagkataon." bulong niya sa sarili at dumeretso na ng second floor kung saan ang packaging Department, doon siya naka destino.

Andoon na ang lahat kanya kanya ng pwesto ng tumunog ang bell hudyat na magsisimula na ang trabaho.  Wala ng marinig kundi ang tunog ng sewing machine at tunog ng mga packing tapes.....Paminsan minsan may maririnig na bulong bulongan bawal kasi mag usap or makipaghuntahan pag oras ng trabaho ganoon kahigpit yong supervisor sa department nila.

Pagdating ng break time di na siya bumaba hindi naman kasi siya gutom kaya nag stay na  lang siya sa taas, mangilan ngilan na lang ang tao sa taas. After 15 minutes kanya kanya ng balik sa puwesto....

" Oh, nik di ka ba bumaba? tanong ni Mabel kasamahan niya at friend.

"Hindi." tugon niya sa kaibigan.

"Kaya pala di kita makita sa baba, may sasabihin sana ako sa sayo."

"May sasabihin o may isitsismis." biro niya sa kaibigan.

"Pano mo alam? kaw talaga kilalang kilala mo talaga ako,"  nakangiting bulong nito.

Napangiti na lang siya dito....kilala na kasi niya ito.  Naalala pa niya noong unang araw niya sa trabaho at ito ang unang kumausap sa kanya palakaibigan kasi ito at may pag ka jolly, kaya mabilis niyang nakasundo,  lagi nga siyang binibiro nito noon bakit di na lang siya sumali sa star strucks, mas maganda naman daw siya kaysa kay Jennelyn Mercado.

Dalawang taon na siya sa factory, suwerte naman na tumatanggap pa sila noon ng mag reregular kaya na regular agad siya bukod sa masipag at mabilis siyang magtrabaho kaya natuwa sa kanya si Ate Melody at nirefer agad siya nito sa supervisor nila para maregular, kaya laking pasalamat din niya dito.

May sasabihin pa sana ito ng mag bell na kaya naputol ang sasabihin nito.

"Ok mamaya na lang." mabilis na sabi nito at tumalikod na sa kanya at pumunta na sa puwesto nito.  Pareho silang nasa packaging naka destino. Tumango na lang siya dito. 

Tamang alas dose ng tumunog ang buzzer for lunch break...

Kanya kanya ng baba ang mga worker.  Siya inantay na niya si Mabel nakita niya itong nagmamadaling patungo sa kanya sabay na silang bumaba....As usual sa paboritong karenderya ni aling mareng sila pumunta, masarap kasi ang mga putahe dito at mukha ring malinis di naman niya sinasabi na marumi ang ibang karenderya yong kay aling Mareng kasi maganda yong lugar malinis at maluwag ika nga... at ito rin ang pinakamalapit sa pabrika walking distance lang...nakakasawa naman kasi ang pagkain sa canteen kaya ang ilang trabahador lumalabas din ng pabrika para kumain....Marami naman karenderyang pagpipilian malapit sa pabrika pero ito yong paborito nilang kainan ni Mabel.

"Magandang tanghali po aling mareng," sabay nilang bati sa matanda.

"Magandang tanghali din mga ineng, anong order ng dalawa kung magandang suki?" ngiti nito sa kanila.

"Aling Mareng wag mo na po kaming bolahin at mag-oorder na po kami." nakangiting sabi ni Mabel sa matanda.

"Kuuu... talaga namang maganda kayo mga ineng, heto nga't si Monique papasang artista, artistahin kasi ang mukha, di ba mga suki?"

Umayon naman ang mga naroroon sa sinabi ng matandang may-ari.

Napapahiyang napatawa na lang siya sa mga ito.

"Hello my loves, ano yong naririnig kung maganda ....saan?" birong tinig mula sa likuran nila,  at palinga-linga pa ito na parang may hinahanap at bigla na lang itong sumalampak ng upo sa pagitan nilang dalawa ni Mabel.

"My loves mong mukha mo," nakasimangot na tugon ni Mabel sa lalaki.

Ito si Rodel kasamahan din nila sa trabaho at matagal ng nanliligaw sa kanya pero deadma lang siya sabi niya ala siyang panahon sa love love pero kahit basted na ito hindi pa rin tumitigil sa panunuyo sa kanya handa raw itong mag antay kung kelan na siya ready..

"Pag sinagot na ako ni Monique, my loves ko na siya." nakangiting baling nito kay Mabel. Sabay tingin naman nito sa kanya..

"Di ba my loves?"

"Ikaw talaga Rodel puro ka kalokohan." hinampas niya ito sa balikat sabay ngiti.

Natapos ang lunch break na di nila namalayan dahil na rin sa dalawang kasama , masaya kasi ang mga itong kasama....Sabi nga niya sa sarili kung si Mabel lang niligawan ni Rodel ayos sana kasi batid niya na may crush si Mabel sa lalaki...Gwapo naman kasi ito at mabait.

Kinabukasan ay maaga siyang pumasok kaya may oras pa sila ni Mabel para maghuntahan.

"Alam mo nik?" bungad nito.

"Di pa, ang alin?" palokong tugon niya sa kaibigan.

"Nik naman eh seryoso to uy." parang batang sabi nito na ikinatuwa pa niya lalo.  Minsan kasi may pagkachildish din ito.

Sumeryoso na siya ng tumahimik na ang  dalaga.

"Ok sorry na, ano ba yon?" alo niya sa kaibigan.  Ngumiti naman ito at nag simula ng magsalita.

"Alam mo ba na yong anak na raw ni Mr. Sandoval yong mag mamanage nitong pabrika magreretire na kasi yong matanda at usap usapan na yong anak na lalaki galing ibang bansa ang mamamahala na dito." mahaba nitong sabi.

"And so?" walang interest na sabi niya.

"Diyos ko day di mo ba alam o wala ka talagang pakialam? nakangusong sabi nito.

"Sa totoo lang bel wala naman tayong pakialam kung sino mamahala nitong pabrika basta huwag lang magtanggal ng trabahador, di ba? and as long as safe trabaho natin," sabi niya dito.

"Oo alam ko,  hindi iyon ang ibig kung sabihin, kasi ang usap-usapan ang gwapo daw ng anak ni Mr. Sandoval sayang nga at di ko ma research wala kasing social media...at isa pa nik single."  Medyo kinilig pa ito.  "Kaya may pag-asa pa tayong maakit iyong gwapong milyonaryo."

"Ikaw siguro may pag-asa pa na mabingwit si Mr. mayaman, sa estado sa buhay noon, di yon papansin sa isang hiwalay at single mother na tulad ko no." biro na lang niya sa kaibigan.

"Ikaw naman dinadown mo lagi sarili mo, bakit kasi ayaw mo buksan yang puso mo, siguro umaasa ka pa rin sa tatay ng anak mo, di kaya? nakataas na ang kilay na tanong nito sa kanya.

Di lingid dito na hiwalay siya sa asawa wala naman siyang tinatago sa mga kasamahan kung baga open siya dito, yon nga lang di na niya kinuwento dito ang totoong nangyari kung bakit nagkahiwalay sila, sabi na lang niya mga bata pa kasi sila kaya maraming  hindi mapagkasunduan.  Sa huling sinabi ni Mabel di siya sure sa sarili paminsan- minsan naiisip pa rin niya ito. 

"Kumusta na kaya ito?" naibulong na lang niya sa sarili. 

A SECOND CHANCEWhere stories live. Discover now