CHAPTER 21

124 3 0
                                    





CHAPTER 21




"Mrs. Andrada, thank you." Kanina pa 'ko nag aabang ng tsempo para magpasalamat ng personal sa bago kong amo sa trabaho. "I didn't expect that you will hired even I have a issues that can effect your name and your company." palihim akong kumagat sa labi ko at kinabahan na baka mali-maling english ang aking sinasabi.

"Oh c'mon, Darling. I trust you, and I don't care what issue you've have right now. Caroline, ang kailangan ko ngayon ay ang kagaya mo at alam kong kailangan mo kami." Tumango ako ng bahagya. "Focus lang tayo sa trabaho mo ngayon, kung may maririnig ka sa mga sasabihin ng mga co-workers mo. Then, Tell me. You don't deserve that's comments." tinapik ni Mrs. Andrada ang balikat ko, ngumiti pa siya at pumasok sa kanyang opisina.

Huminga ako ng malalim, hinawakan ko ang kanang dibdib ko at lumakad papunta sa desk ko. Hindi ko nagawang tignan ang ibang nagtratrabaho dito at ayaw kong magkaroon ng gulo sa bago kong trabaho.

"Caroline, Welcome to our SBU company." Ngumiti lamang ako sa babaeng nakasuot ng white fitted dress. "'Wag kang matakot sa 'min, against kami kay Trish --- Charoot." napatawa ako para siguradong walang gulo. "If you need help, just call me baby char." Binatukan siya ng isa niyang kasamahan na  nakasuot ng sleeveless nude top and white pants.

"Pagpasensyahan mo si Yvone, nakalimutan niya lang uminom ng gamot." paghingi nito ng tawad. Now, kilala ko ang pangalan ng babaeng unang kumausap sa 'kin.

"Oy, grabe ka Nathalia. Akala ko ba friends tayo grabe ka talaga." Hinnanakit ni Yvone sa kaibigan, humawak siya sa kanyang ulo at inikot ang upuan at muli akong tinignan. "I have a question. Kailan ang kasal niyo ni Xavier." Para akong mabubulunan kahit wala akong kinakain dahil sa tanong niya.

"Sobra ka Yvone, hindi maganda yang tanong mo ha. Pinapaki-alaman mo ang private life niya." Pagsuway ni Nathalia. "Pero kailangan ang anniversary niyo ni Xavier, kapag kinasal kayo Invite mo kami ha. Promise hindi kami matakaw pero mahilig lang mag take out." Akala ko susuwayin naman ni Yvonne sa Nathalia ngunit mukhang nagkampihan pa sila at tuwang tuwa na nag-aapiran.

Ngumiti at naki-sabay ako sa kanilang tawanan. Pinaguusapan na nga kami ng iba pang kasama namin sa area dahil sa lakas ng aming tawanan.

"Kayo nga Yvonne at Nathalia, tigil-tigilan niyo ang pagiging maingay. Mahiya kayo kay Caroline at baka mag resign yan dahil sa ugali niyo." Suway ng lalaki na umiinom ng kape.

"You don't care, Sean. Inggit pikit tayo dito ha, kung gusto mong makipag close sa kanya, then gumawa ka ng paraan at 'wag mo kaming sisiraan." Matapang na pag-hahamon nilang dalawa.

"No thanks, 'di ako sipsip na kagaya niyo." Pagbabalik niya, napahawak sa mga bibig ang magkaibigan at nilapitan si Sean na binitawan ang kape sa kanyang desk. "You want fight?" Tanong niya.

"Gwapo ka sana eh, pero pumapatol ka sa babae. Bakla." Pang-aasar ni Nathalia, hinalikan pa niya ang pisngi ni Sean bago bumalik sa desk.

"Naunahan mo ako sisizy, pero Sean Bakla." Flying kiss ang ginawa ni Yvone at sinundan ang kaibigan na bumalik na sa kanilang desk.

Tinakpan ko ang aking ibibig upang 'di nila mahalata na tumatawa ako, mukhang galit na galit pa naman si Sean sa pag akusa ng dalawa na bakla daw siya.

"May nakakatawa ba?" galit niyang tanong sa 'kin.

Lumunok at umiling ako.

"Hindi naman kita inaano ha." Sagot ko, hindi na ito umimik at binalikan na lamang ang kapeng iniinom.

Binuksan ko na lang tablet ko sa desk, dito na ako nag sketch ng panibagong design na ipapakita ko kay Mrs. Andrada para masali ito sa susunod na fashion week.

THE SECRET, LOVE (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ