CHAPTER 3

137 5 0
                                    

CHAPTER 3


"Wala kang pasok ngayon 'di ba?"



Nakapangbahay akong lumabas sa kwarto ko, kahit day off ko may trabaho pa akong dapat gawin tulad no'ng gown na gustong suotin ni Trish.


"Kape, binagay yan ng Ate Tina mo." Nagbago bigla ang timpla ng boses ni pops nang banggitin niya ang kababata niyang si Ate Tina. "Pumunta pala dito si Valentina, hindi ka na raw nakakadalo sa mga lakad niyo." kababata ko na anak ng kapatid namin.


Dalawang beses akong tumanggi nang ayain niya akong pumunta sa mall malapit sa amin ngunit naging busy kasi ako nang panahon na nag aya sila.


"Puntahan ko na lang po mamaya."



Bumalik si Pops sa pagluto ng bacon, sunny side up egg at mangilan ngilan na piraso ng pancake. Niligay ko naman sa mahabang plato ang mga pandevara at tinabi ko doon ang mayonnaise para maging palaman.



Medyo na Miss ko ang mag almusal sa bahay dahil sa tuwing papasok ako ay laging sa mga fast food o kaya nagluluto ako ng pansarili nang kainin sa opisina. Tuwing day off ko ay minsan hindi ko sila naaabutan dahil late na ako kung magising.


"Tungkol saan ngayon ang project mo?" Pambasag ni Pops sa katahimikan.


"Wedding po, Pops."


"Sikat ba ang client mo?" Tipid ko siyang tinanguan. "Sino siya, anak? Baka sikat na sikat yan." Tinigil niya ang pagprito dahil excites siyang malaman kung sino ba ang client ko ngayon.


"Trish Benavides po, Pops."


Akala ko titigil na doon ang usapan ngunit nakarinig na Lang ako ng tunog na nalaglag na sandok, nakatulala ang pops ko ngayon at hindi siya nakaramdam ng init mula sa sandok na nasa paa niya mismo bumagsak.

"Pops—"


"SIKAT PALA ANG DADAMITAN MO!" Umatras ako sa gulat sa pagsigaw niya. "Pwede mo ba akong ihingi sa mommy niya ng autograph? Idol na idol ko kasi ang mommy niya no'ng binata pa ako." Hinawakan ni Pops ang magkabilaan kong braso habang niyuyugyog.

"Sige ho." Nahilo ako sa ginawa ni Pops.

Mag-aalas otso ng umaga nang sabay-sabay kaming kumain, pinagusapan namin ang trabaho ko. Na-miss, proud at natutuwa ang mga reaksyon na natanggap ko mula sa mga kapatid, tatay pati na din si Ate Tine na nakahabol pa bago kami natapos.

"After that project, Ate. Magpapahinga ka ba muna?" Nandito kami ngayon sa sala at nanonood sa tv. Kagat dila kong tinignan si Beatrice na kanina pa nakatitig sa akin. "Miss na kita, hindi ka na din nakakanood ng mga Laban ko." Isa siyang volleyball player sa kanilang eskwelahan ay ramdam ko ang tampo niya sa 'kin.


"Hindi ko na din natitikman ang baked cookies mo." Tampo din ng bunso kong kapatid na si Treylon.

Ipinatanong ko sa ulo nila ang palad ko, ginulo ko yun bago sila yakapin ng mahigpit. Kung Pwede Lang sana na hindi ko tanggapin ang malaking proyektong 'to gagawin ko ngunit nagsisimula pa lang ako kaya kailangan kong isakripisyo ang oras ko sa aking pamilya. Pangako ko, pagkatapos ng kasal nila Trish at Xavier, hindi na muna ako tatanggap at gusto kong makapagpahinga kasama sila.


"Hayaan niyo, mag oouting tayo pagkatapos nito," niyakap nila ako pabalik. "Beatrice, marami palang nagtatanong sa akin, after mo sa high school saang university ka raw papasok?" Tinutukoy ko dito ang volleyball, magaling kasi maglaro ang kapatid ko kaya maraming kukunan ang nag uunahan para mapapayag siyang makasama sa groupo nila.

THE SECRET, LOVE (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt