CHAPTER 15

88 4 0
                                    







CHAPTER 15




"Good morning." Matamis na halik ang ginawad ni Xavier sa 'kin, pagkamulat na pagkamulat ko ang aking mata. Kagigising ko lang at pareho kaming hubo't hubad ni Xavier. "How's your sleep?" Malambing niyang tanong.

"Okay naman." Naguguluhan kong sagot. "Weird mo ngayon, anong meron?" Tinayo ko ang aking sarili upang makaupo, takip-takip pa din ng comporter ang hubad kong katawan.

"Naninibago lang ako kasi katabi kitang natulog." Malanding banat ni Xavier sabay halik sa leeg ko.


"Ang aga-aga, nilalandi mo na ako." Suway ko habang nakataas ang isang kilay. "At kung akala mo ay madadaan mo ako dyan, pwes hindi. Masakit pa ang katawan ko sa ginawa natin kagabi." Ginabi na kaming umuwi mula sa pinakagawang bahay, sabi ko matutulog na 'ko pagdating na pagdating namin pero bigla siyang sumunod sa 'kin at ginawa niya kung ano ang ginagawa niya ngayon.

"KJ mo naman, babe."


"KJ ka dyan, baka gusto mong batukan kita." Mabilis itong umilag ng ambang babatukan ko siya. Pasalamat siya at mahal ko siya kung hindi tinuloy ko 'yon.


Ilang segundong naging tahimik ang kapaligiran. Tanging pagtitigan lang ang ginawa naming dalawa, halos lumuwa na ang aming mata sa tagal at walang katapusang titigan.


"You're so beautiful." Mahinang bigkas niya. "Mahal kita." Banat niya habang titig na titig pa din sa kagigising kong mukha.


"Bolero, gusto mo lang pasukin ako eh." yumuko ito at hindi mapigilan ang sarili na matawa. Inayos ko ang nakayakap na comporter sa 'kin at sinubukan kong gumalaw upang maabot ang buhok ni Xavier.


"To be honest, you are beatiful Caroline." Nawala ang hinala ko nang marinig ang seryosong boses ni Xavier. "Mahal kita." Ako na ang gumalaw para dampian ng halik ang labi niya.


Isang malaking ngiti ang binigay ko sa kanya habang ang isa kong palad ay hawak -hawak ang gwapo niyang pagmumukha. Ilang beses ko ng natitigan ang lalaking 'to ngunit ngayon gwapong-gwapo at husto akong nanghuhumaling.


Nanakawan sana niya ako ng halik nang sakupin ng aking palad ang kanyang mukha. Maayos na sana eh, pero malandi talaga siya.


"Bumaba na nga tayo, baka landiin mo pa ako." Tinulak tulak ko pa siya para makaalis sa kama at para makapag bihis na. "Labas." Pagturo ko sa pintuan.

"Bakit ako lalabas?" Pa-inosenteng tanong.

"Malamang magbibihis."


"Magbihis ka lang, hindi mo na kailangan na palabasin ako." Nakangisi habang nakasandal sa pinto.


"Talaga lang ha." Inabot ko sa sahig ang isang pares ng aking suot na tsinelas at sa unang bato ko sa kanya ay naka-ilang siya. "Ano lalabas ka o gusto mong paduguin ko mukha mo?" napabuntong hininga na lamang niyang sinunod ang utos ko at hindi na hinintay pang maibato sa mukha niya ang isa pang pares ng tsinelas ko.


Parang isang bata si Xavier kung maka atas. Binibinggatan niya ang paa papalabas ng kwarto upang iparinig sa 'kin na naiinis ito dahil sa mga ginagawa ko sa kanya.


Hindi ko namalayan na tinatawanan namin si Xavier dahil sa pangingulit niya sa mga pamangkin. Nasa salas kami ngayon at Halos pagod na ang mga bata sa kahahabol niya, meron pang nagsumbong sa magulang at kunwaring pinagalitan ang nakakatandang pamangkin Para tumigil na sa pag iyak ang bata.


"Loko ka talaga, tumigil ka na nga." Suway ko. "Umiiyak na si Sharmaine oh." Pagtukoy ko sa bata na walang tigil sa pag iyak.


"Tumatawa Lang yan." Kinuha pa nito si Sharmaine at hinagis hagis sa ere, napasapo ako sa aking ulo sa katarantaduhan na pinaggagawa niya.


THE SECRET, LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now