CHAPTER 20

108 4 0
                                    




CHAPTER 20



"BABE!" nangbubulabog ang tatlo kong kaibigan papasok sa bahay, tumingin ako sa kalendaryo na nakasabit sa pader. Tinignan ko kung wala ba silang pasok sa opisina o umabsent sila.


"Hindi mo ba kami na-miss, Caroline?" Nag-tatampong tanong ni Remi, binuksan nito ang laman ng paper bag na nakasabit sa kanyang braso at inabot ang laman.


"Para saan 'to?" Tinignan ko paikot ang kahon na binigay niya.


"Pinaabot lang din, aarburin ko nga sana pero nakakakonsensya." Malungkot nitong sagot, tumingin ako sa lamesa, walang gunting kaya binuksan ko na ang balot gamit ang mahaba kong kuko.



"Hay na 'ko, mamaya na mo na yan buksan kain na muna tayo masasaya yung mga binili namin." inagaw ni Crista ang kahon na hawak ko at tinabi muna 'to sa lamesa. "Meron kaming dalang pang mukhbang." Masayang pinakita nila ang mga nakabalot na pagkain.


"Oa kayo masyado, ang dami paano natin mauubos?" Naghihinayang ako habang titig na titig sa pagkain na inaalis na ang mga balot.


"Gaga, pwede niyo yang ulamin mamayang gabi." Paalala ni Crista, sinabunutan pa ako ng gaga bago nanguna maupo at kumuha ng malutong na balat ng lechon.


"Hindi na siguro tayo ma hi-highblood dito, ano?" halos mabusog na ako kakalunok ng sariling laway, may takot pa din sa dibdib ko na kapag sumobra kami dito ay pumutok ang aming mga batok.


"Ang dami mong tanong, kumain na lang tayo." Inis na reklamo ni Jane at ginaya na si Crista na nangungunang kumain. "Tito, tara na." Pag aya niya.



Nagpasa-pasahan kami ng plato, nangu-nguna pa si Jane at Crista sa kaingayan, may laman-laman pang karne ng lechon ang kanilang bibig.


Ako na ang nahihiya sa kanilang dalawa, kaming dalawa nga ni Remi ay 'di na namin maintindihan kung nakainom ba sila ng gamot o hindi.


Walang nag bukas ng usapan tungkol sa mga issue na pinataw sa 'kin at sa 'ming pamilya, ibang issue ang aming pinag-usapan. 


"Maiba tayo, nag-uusap pa ba kayo ni Xavier?" tumigil ang lahat, napatigil ako sa pagsasabon ng plato sa tanong ni Jane. "I think, mali ata tanong ko sige kain na lang tayo ng ice cream." Aabutan pa niya kami ng ice cream pero nakatitig lang sila Remi at Crista sa kanya. "Ang oa ng tingin niyo."


"Ang oa din kasi tanong mong bruha ka."


"Anong oa doon?"


"Tanga kang gago ka."  Magsasabunutan pa sana silang tatlo pero pinagpagpag ko ang kamay ko ng punong-puno ng sabon at tumama 'yon sa oa nilang mukha.


"Mga ina niyo! Ang o-oa niyo." Pag susungit ko.


"Aysus, Aysus'di mo bagay ang magsungit." sabi nila, gaganti din sila pero nakatakbo ako para maiwasan sila. "Pero seryoso, nag uusap pa ba kayo?" Balik na tanong..


Tinagalan ko muna ng saglit ang pagsagot, tinignan ko sila isa-isa.


"Hindi na." Pag iwas ko agad ng tingin at pinagpatuloy ang pagsasabon para matapos na ang hugasin. "Dalian na natin, gusto ko na matikman ang mga ice cream at baka malusaw na." Pag iiba ko ng pinag uusapan.


"Paano yung relasyon niyo?" Nag-aalalang tanong ni Remi. "Kayo nga, so, wala na o itutuloy niyo pa?" Umakbay sa 'kin si Jane.


"Alam ko ang totoo, saksi ako sa mga nangyari lalo na sa relasyon niyo ng pinsan ko pero ngayon, sa nakikita ko. Si Xavier na ata ang para sa'yo." Hinawakan pa niya ang kanang kamay ko at inilahad ito sa dibdib ko.

THE SECRET, LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now