CHAPTER 2

222 5 0
                                    



CHAPTER 2

"Ang gwapo niya, Jane."

Nakapatong ang baba ko sa palad ko habang iniisip pa din ang gwapong lalaking nakabangga sa akin.

"Sana siya na lang ang naging boyfriend ko." Kinikilig kong pangarap. "Kaysa kay Kenneth na puro sakit lang ng ulo ang naransan ko." Pagkukumpra ko sa walang ka kwenta-kwentang nobyo ko.

"Baliw kana Caroline, mali ang iniisip mo ha." Pagkampi kay Kenneth. "Kahit naman mas gwapo si kuyang pogi ay alam kong mas mahal mo si Kenneth." pinagkunutan ko siya ng noo.

"Masyado mong bini-build up si Kenneth." Reklamo ko sa kanya. "Baka naman type mo si Kuyang Pogi kaya kinakampihan mo yung walangya kong boyfriend." Umiling iling si Jane.

"Caroline Illustre, talaga bang sa gwapong lalaki tayo mag aaway. No'ng panahon na nagwapuhan ka kay Kenneth inagaw ko ba sayo?" Sa bagay. "Pero huwag kang gagawa ng hindi maganda na ikakasira ng relasyon niyo ni Kenneth."

Ngumuso ako at ininom ang coke float na nalulusaw na ang yelo sa talaga kong pagmumuni-muni.

"Hindi ako cheater at masyado ko namang mahal si Kenneth para magloko." Pangbawi ko.

"Ayon na pala eh."

"Pero kung ikukumpra ko kung sino ang mas gwapo, si Kuyang pogi talaga. Lamang siya ng isang--"

"Isang ligo lang pala, kaya na yon ni Kenneth." Pinitik ko ang noo niya sa hindi pagtatapos ng dapat kong sasabihin.

"Isang milyon na ligo gago, kulang ang isang ligo para magpantay sila." Nasapo niya ang kanyang noo sabay kain ng maraming fries.

"Kawawa naman ang pinsan ko."

Muntik-muntikan kong maibuga ang walang lasang coke float nang maalala kung anong relasyon meron sila ni Kenneth. Mag pinsan nga pala sila kaya oa na oa ang react niya sa dina-down ko ang boyfriend ko.

"Mas close tayo kaya hindi ko sasabihin sa kanya na muntik kang magkasala." pagkindat pa niya.

"Talaga ba? Chismosa ka kaya." Pag irap ko. "Sabihin mo na lang at paki-tanong kung kailan niya ako balak pakasalan nang hindi ko siya magawang ipagpalit." I flipped my hair.

Nakatitig lamang si Jane sa 'kin habang nasa bunganga ko ang maliit na piraso ng chicken fillet na nasa platic na tinidor. Wala naman akong balak gaguhin si Kenneth pero kapag nag celebrate na kami ng ikalimang taon bilang magnobya at nobyo baka mawala ako sa katinuan at maloko siya.

"Caroline, come to my office."

Madali kong binabit ang isang sketchbook na naglalaman ng iba't ibang disenyo para sa kasal nila Trish, nakatanggap ako ng mesaage mula sa kanya na gusto nitong makita ang mga gawa ko.

"Trish this is Caroline Illustre." Nanlaki ang mata ko sa gulat nang hindi lang si Madam ang nandito sa opisina niya dahil nandito si Trish.

Nakaipit ang kanyang mga hita habang inaayos ang mahahabang buhok na kulay ash grey.

"Magaling ba siya, Mama."

Gulat ako sa panghihinala niya sa akin. Napunta ang tingin ko sa kulay itim na dress na suot niya na maraming kung anu-anong beads. Hindi niya ba alam na ang damit na suot niya ay ako ang gumawa, hindi ko din alam kung bakit suot niya ang mga dress na ginamit sa fashion show nong nakaraang sabado.

"Of course, Hija. Hindi ko siya ipapakilala sa'yo kung hindi." Natatawa niyang tinuro ang kanyang itim na dress. "Yang suot mo yan, hindi ko nasabi na siya ang may gawa niya." Ipinunta niya ang ibang parte ng kanyang buhok na tumatakip sa kanyang suot at tinitigan ito.

THE SECRET, LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now