CHAPTER 17

74 3 0
                                    



CHAPTER 17



"Ang daya mo, planado na pala 'to." kinurot ko tenga ni Xavier habang patawa-tawa siyang naka-sandal sa upuang gawa sa kahoy.


"Ano garod ang gusto mo?" Kinunutan ko siya ng noo. Pabiro pa siyang pinangdilatan ako ng mata dahil iniisip ko ang isang salitang kanyang binaggit.


"Ano yung garod?" Tumawa pa siya ng malala habang gulong gulo ang isip ko. "Xavier, ano nga?" Pangungulit ko.


"Haluan mo."


"Para kasing tanga, sabihin mo na kasi." Sinubukan kong kilitiin ang leeg niya ngunit hindi 'yon tumabla.


"Kiss mo garod muna ako." humaba bigla ang nguso niya. Umikot ang mata ko sabay takip ng kanyang mukha gamit ang aking palad.

"Manyak." Tinaas ko ang aking middle finger sa ere.


"Paano ba 'yan? Dito tayo kakasal kapag kinasal tayo, tapos hindi mo alam ang salitang garod." pinag-krus ko ang aking braso at tinignan lang siya.


"Okay, hindi na lang ako titira dito." Panakot ko.


Mabilis siyang napaalis mula sa pag-kasandal at gago akong tinitigan. Akala niya ay nakikipag biruan ako sa kanya pero ang totoo inis na inis talaga ako.


"Sabihin mo na kasi." Pagpumilit ko.



"'Wag na." Napasinghap ako. "Samahan na natin sila Mikki." tatayo na sana siya pero hinila ko ang kwelyo ng suot-suot niyang polo shirt at tinaasan ko ng kilay.


"Sasabihin mo ba o hindi?" Binugahan ko siya ng malalim na hininga.


Pumikit-pikit pa ang gago na akala mo ay hahalikan ko dahil sa 'ming posisyon. Sinabayan ko na lang ang akala niya, pabiro kong nilapit ang aking mukha sa kanya at lalo kong hinigpitan ang pagkahawak sa kanyang kwelyo na naging dahilan kung bakit biglang napamulat mata siya.


"Ang sakit mahal ko." nagagawa pang lumandi ni Xavier kahit nahihirapan na. "Kalmahan muna natin, bitawan mo na." Paki-usap pa ni Xavier.


"Bibitawan ko kapag sinagot mo ang tanong ko." nilapit ko ang aking labi sa tenga nito. "Alam kong nasasaktan ka, kaya sabihin mo na." Dahan-dahan kong inaalis ang mahigpit na pagkahawak sa kanyang kwelyo para kahit papaano ay makahinga ito ng maayos.


Nangangawit na ako pero hindi pa nasasagot ni Xavier yung ibig sabihin ni garod, kanina ko pa nga 'yon iniisip at 'di ko talaga alam kung anong tinutukoy ng salitang garod.  Baka nga mamaya may ibang ibig sabihin 'yon na hindi maganda o ano.


"Sasabihin ko, Caroline kapag binitawan mo ang kwelyo ko." Malandi niyang sagot.

Ngumiti ako ngunit hindi sinunod ang kanyang paki-usap.

"Ano ang akala mo sa 'kin, Xavier? Uto-uto?" Malumanay kong tanong pero pinipigilan ko lang matawa dahil sa reaksyon ng boyfriend ko.


"Okay. . ." inilapit ni Xavier ang mukha sa aking mukhang, lapit na lapit ang aming mukha at para akong nahihirapan makahinga. Ano ba 'to, Ang landi Caroline ha. "Ito na. . ." Bakit ba para akong nakikiliti sa accent ng boses ni Xavier ngayon habang unti-unti pang nilapit ang mukha.

Hinayaan ko ang aking mata na mapapikit dahil ramdam ko ang susunod na mangyari pero mali ang akala ko at hindi ko namalayan na nakawala na sa kamay ko si Xavier at ngayon ay malayang malaya na.


THE SECRET, LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now