CHAPTER 9

104 4 0
                                    

CHAPTER 9


R - 18


"Caroline, ihahatid na lang daw kayo ni Xavier sa bahay. Mauuna na kami at kailangan kong maaga magising bukas dahil marami pa kamimg babalutin ni Tina." Paalam ni Pops at tuluyan ng umalis sa bahay nila Xavier kasama si Ate Tina. Naghihintay si Treylon sa kotse na naunang lumabas, nahihiya raw ito sa mga tao dito kaya ng malaman na uuwi na sila pops ay nagmadaling sumakay.

Dala-dala kong pumunta sa bakanteng upuan ang juice na kanina ko pa binabalik balikan para salinan uli ang aking baso. Sa totoo, nahihiya na 'ko. Wala si Beatrice, kasama niya ang iba nilang kaibigan sa ibang lamesa habang si Xavier ay bumalik muna sa kanyang kwarto at meron itong mahalagang kukunin.

Tanging paglibot libot at kilatis ang lahat na nakikita ng mata ko. Wala akong makapal na mukha upang makipag usap sa mayayamang tao.

"Hey." Dumating si Xavier. "Nahihiya ka ba?" Tumitig muna 'ko sa kanya sabay iling. "Don't worry, hindi sila kagaya ng iniisip mo." Tinutukoy niya ang hinala kong maarte ang mayayamang taong dumalo sa 'maliit' raw na selebrasyon.

"Siguro ka?" Kagat labi siyang napa-iling. "Gusto ko na nga sanang umuwi pero si Beatrice, pinababantayan sa 'kin ni Pops." Ang dahilan ni pops, wala siyang tiwala sa lalaking kasama nila sa table.

"She can stay here." Suhestyon niya.

"Hindi na, sinabi ko din sa kanya na mamayang eleven uuwi na kami." tumingin si Xavier sa suot na relo.

"Malapit na pala." Humawak siya sa table. "Before kayo umuwi, may gusto sana akong sabihin." Seryoso niyang ani.

Umusog ang aking ulo, nilapag sa lamesa ang juice at sinubaybayan ang susunod niyang gagawin.

"Tanong pala." Kinakabahan niyang pagbawi. "How I can know if my partner is cheating on me?" Umusog pa husto ang aking leeg sa hindi inaasahang tanong galing kay Xavier. "Sorry, I'm just curious because I never encounter a cheater so i didn't know." Depensa pa nito.

"Pinagduduhan mo si Trish?" Hindi siya umimik. "Why, do you not trust her?" Doon siya hindi nanatiling tahimik.

"I trust her."

"Then, bakit ganyan ang nasa isip mo?"

"No. . . I-- malakas kasi ang feeling ko na nagloloko siya sa 'kin." Ramdam kong pilit niyang tinatawid ang usapin na kanyang sinimulan. "Ilang ulit ko na siyang nahuli pero binabalewala ko lang, you know because i love her and i don't want to lose her because of that hinala." Tumango akong pinakikinggan ang mga hinnanain.

"How you said Trish is cheating on you?"

I want to know first before judging. Nakakahiyang mag react sa ibang bagay na hindi mo naman alam ang buong istorya. Mas nakakahiya kapag napagkalat mo, nasiraan mo na tapos mali naman pala ang nilalaman ng isip mo.

"First, Ayaw na niyang ipahawak sa 'kin lahat ng gadget niya." Umawang ang labi ko. "The next one is, every time I inviting her to a date she always said she was busy, she was tired and many more excuses." Bumaba ang paningin ko sa kanyang kamao kung paano 'yon dahan-dahan kumuyom.

"Kalmahan mo lang lods." Takot kong dinikit ang aking palad sa kanyang balikat. "Okay, I not sure but I think you're just paranoid."

"Paranoid?" Napa-atras talaga ako sa gulat sa naging reaksyon niya sa sinabi ko. "How you can Explain to me that i'm just a paranoid boyfriend?" Galit na nitong tanong.

"Xavier." hinila ko ang damit niya ng subukan niyang tumayo. "Tinatanong mo 'ko 'di ba? No'ng sinagot ko nagalit ka? So paano na?" pagtaas ko ng aking kilay. "Just chill and let's anwser your paranoid question." Pinanlakihan ko ng mata si Xavier ng subukan na naman mag react ng hindi maganda sa pagbanggit ng paranoid siya.

THE SECRET, LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now