CHAPTER 8

91 3 0
                                    




CHAPTER 8


Nilibot ko ang buong super market para makapili ng dapat kung bilhin na kakainin habang nasa byahe at may makain habang dalawang linggo kaming mananatili ni Xavier sa Isabela.

Kalahati na ang laman ng chart ko, hindi ko na maalala kung anu-ano ang pinaglalagay ko ang mahalaga ay may madala ako at meron makain. I-share ko din ito kay Xavier, hindi ako sakim at maimot.

"Nasaan ka ba nakalagay?" Pa-ikot ikot akong hinahanap ang paborito kong chips. "Ay, nagmahal na?" Literal na gulat ako matapos makita kung gaano lumaki ang presyo nitong chips na aking hawak-hawak dahil sa tagal kong hindi namimiloe ay hindi ko na alam ang laki ng presyo ng bawat laman ng chart ko.

"Caroline Illustre," pabato kong nailagay sa chart ang chips. "Oh my gosh, Sino ang mag aakala na dito ko makikita ang bagong sikat na fashion designer." Grabe ang pressure na tinawag sa aking ng babae habang maraming tao ang nakatingin sa kanya dahil sa lakas ng boses.

"Sino po kayo?"

Humalakhak siya.

"Mrs. Andrada, I'm the owner of one of the best clothing company here in the Philippines." Tumingin ako sa kisame, inalala ko kuma kung sino ang taong kaharap ko ngayon, nakakahiya magmukhang tanga. "hmm, mukhang hindi mo ata ako kilala." pagtawa niya.

Tinaggap ko ang kanyang kamay habang nanginginig ang aking kamay, merong siyang inabot na calling card. Gumagalaw ang kanyang kilay at parang pinapaalam na tawagan ko siya kapag gusto ko, tamavahyon o baka binigay nila to sa akin ng walang dahilan.

Umikot ako at pinanood si Mrs. Andrada na sinusundan ng maraming taong formal ang suot. Mas maarte ha, sosyal ng mga alalaylay naka-pang opisina ang suot.

Sinuksok ko sa bag ang calling card na kanyang inabot at tinulak ko na ang chart papunta sa ibang area para bumili naman na gulay at karne na magiging stock namin sa bahay habang wala ako.

Umabot ng mahigit limang libo ang binili ko, gustuhin ko man magreklamo ngunit wala akong magagawa dahil nagmamahal na talaga ang bilihin sa Pilipinas. Mas okay na bumili ng marami at ganoon kamahal kaysa walang makain.

Pagkauwi ko ng bahay, agad akong tinawagan nila Jane para tanungin tungkol sa project namin.

"Ano ba una naming gagawin?" Bakas sa boses niya ang pagod.

"Yung church wedding gown ni Trish and next niyo din yung kay Xavier." Nilagpag ko sa lamesa ang cellphone at sinimulan kong maglagay sa bag ng mga pagkain na binili ko. "After no'n, sunod niyo na yung dalawang wedding gowns and suits para sa receptation." Paalala ko.

"Hindi pa kami nagsisimula pero pagod na pagod kami." Pinigilan ni Jane ang pagsigaw dahil kasama niya siguro si Madam Celestine. "Si Madam, puro reklamo pa, pinapaalala na huwag daw namin sisirain ang ganda ng design mo."

Nagpigil ako ng tawa habang nakatakip sa 'king labi ang eco bag na walang laman. Ramdam ko na din ang inis niya sa 'kin, alam na alam ko na ang susunod niyang sasabihin. Bakit ko naman daw kasi ginandahan kung hindi naman madaling tahiin.

"Video Call tayo later, gusto kong maturo sa inyo ang gagawin para hindi magalit si Celestine ." sinadya kong hinain ang aking boses sa pagbanggit ng pangalan ni Madam dahil alam namin ni Jane kung gaano kalakas ang pangrinig no'n.

"Kahit Huwag na mamsh, rest kana lang." binabaan na lamang niya ako at hindi na hinintay ang dapat kong sasabihin. Kinuha ko sa lamesa ang cellphone at naupo sa paanan ng kama, merong iniwan na message si Jane na husto kong kina-inis.

THE SECRET, LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now