CHAPTER 5

107 4 0
                                    

CHAPTER 5

"Ate, pinangako namin ni Treylon na hinding hindi ka namin bibigyan ng sakit sa ulo."

Pagkauwi nila Pops ay sinabi niya sa akin ang dahilan kung bakit siya pinatawag sa eskwelahan ng dalawa kong kapatid. Si Beatrice ay marami daw universities and colleges ang gustong kunin siya bilang maging parte ng volleyball team. Samantala naman si Treylon ay ang may pinakataas na grado sa buong batch nila.

Halos hindi ako nakakain ng maayos sa nilibre ni Xavier dahil kakaisip ko tungkol sa ka oa-han ko tungkol sa pag aaral nila Beatrice at Treylon.

Hindi ko na din napansin si Xavier, ni-hindi ko na din naibigay sa kanya yung hinihingi niya. Kinuhanan ko ng isa-isang litrato ang sketch ng damit para sa kanyang magulang pati na sa magulang ni Trish.

Hinayaan ko munang tumunog tunog ang cellphone ko na hudyat kung saan na-reply na si Xavier. I don't mind what their reaction because today we need to celebrate. Ayaw namin maging malungkot habang kumakain.

Kinaumagahan, maaga kong nilisan ang bahay bagkus kagabi ay tinawagan kami ni Madam Celestine. Ngayong araw mismo, gusto na niyang malaman kung magkano ang perang magagamit para sa damit na tatahiniin.

Nagustuhan pala ng mga magulang ang sketch namin, pinasuyo ko rin kay Xavier kung pwedeng siya na ang magtanong sa jowa niya kung apporve na ba yung ilang beses kong inulitan na idesign na susuotin ni Trish sa Church. Laking pasalamat ko nang hindi niya na punaulit pa.

"So, Madam. Mapaparami tayo sa pearls kasi sa tatlong gown na gusto ni Trish ay lahat yun punong puno ng pearls." Pansin ko sa itsura ni Madam ang pagiging problemado. "Sa kids naman, pinaki-usapan ako ni Xavier kung maari ay simplehan lang kaya pagdating doon maliit lang na budget ang magagamit." paghinga ko ng malalim.

Putangina, nangangatog na 'ko sa kaba.

"Sa Three suits ni Xavier, kunting beads lang ang gusto but bumawi po sa pearls." inipit ko ang aking dila gamit ang ngipin ko. "This is the prize, Madam." Inabot ko kay Madam ang folder.

Nagkatinginan kaming apat, hindi maipinta ang aming pagmumukha sa pagiging tahimik ni Madam Celestine at kilala namin siyang sasabog kapag ganito katagal na hindi binubuka ang bibig.

"Start this project."

Nakaawang ang aming mga bibig sa gulat no'ng sumagot ang amo namin.

"Just make sure na walang masasayang, ayaw kong gumastos uli ng malaki kapag pumalpak kayo." Bigla siyang tumayo at tahimik siyang lumabas sa conference room.

Kami-kaming apat ang nagyakapan dahil ngayon lamang namin nailabas ang tuwang nararamdaman na akala namin ay mauudlot pa.

"Hindi ako yung nagpre-present pero yung kaba ko parang ikakamatay ko." Hindi makapaniwalang kwento ni Right.

"Ako nga, hindi ako makahinga ng maayos nang nakita na ni Madam yung presyo." Sagot naman ni Crista na stress na stress na kinagatan ang burger.

"To be honest, kay Caroline ako kinakabahan dahil baka sa 'tin niya ibuhos ang galit kung until now hindi gusto ni Madam yung design and yung materials na gagamitin." Pag-amin ni Remi at niyakap niya 'ko ng mahigpit.

So sweet, sana ganyan din jowa ko. . .

"Ako, Chill lang." Pagmamayabang ni Jane, maarte niyang hiniwa ang karne sabay pasok sa bunganga.

THE SECRET, LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now