CHAPTER 1

703 15 0
                                    






CHAPTER 1


"Caroline, congratulation."

Isa-isa nila akong binati matapos ang fashion show na ipinakita ang mga damit na aking dinisenyuhan. Ito ang kauna-unahan kong makapag design para sa isang sikat na fashion show.

"Hindi ako nagkamali na ikaw ang pinili ko sa project na 'to." Puri sa 'kin ng may ari ng isang bigating fashion design company.

"Thank you, Madam Celestine." Buong ngiti kong pagpapasalamat. "Hindi ko sinayang ang oppurtunity na binigay niyo for me."

"Very True, Madam. But 'di ba may good news ka para kay Caroline." Napahawak ako sa dibdib ko nang si Jane na ang sumingit sa pag-uusap namin ni Madam. "Maloloka ka sa news ni Madam." Na-eexcite niyang dagdag.

Tinakpan ko na ang bibig ni Jane dahil mukhang may balak siyang unahan ang amo namin na pagsasabi tungkol sa good news na tinutukoy niya.

"My daugther is getting Married."

Ilang saglit kaming hindi nakaimik, inisip ko ng husto ang sinabi ni Madam.

"May anak kayo Madam?"

Natawa siya sa gulat naming tanong na dalawa. Pareho naming alam na hanggang ngayon ay wala pang asawa o kaya anak siya. Sa mahigit na apat na taon kaming nagtra-trabaho sa kanya pero ni-isa walang siyang na kwento.

"Hindi ko tunay na anak at virgin pa ako, ano ba kayo." Sumabay kami sa kanya sa pagtawa at baka mawalan kami ng trabaho. "Anak-anakan kong Model, last night she called me para mag-design ng mga damit sa kasal niya."

Nagkatinginan kami ni Jane.

"She wants me o isa sa mga desinger ko ang gagawa ng mga susuotin niya sa kanilang kasal." She flipped her hair habang inabot ang folder. "Sign it if you want to be the designer of the wedding of Trish."

Pagkabuklat sa folder ay nakalagay doon ang lahat na dapat kong gawin.

"30? 30 outfits?!"

Ang daming Abay, ang daming flower girls and dalawang ring bearer?

"Malaki ang bayad ni Trish, matagal tagal pa ang kasal kaya mahaba haba pa ang preparation mo para matapos ang mga damit." Nakalagay sa folder na six months from now ang kasal. "Deal or No Deal?"

"Ate napanood namin yung fashion show sa TV, ang gaganda no'ng mga gown mo. Saan ikaw ang gagawa ng gown ko para sa kasal ko."

Napatigil ako sa pagguguhit ng mga bagong disenyo ng damit dahil sa pangarap niya.

"17 ka pa lang bakla ka, anong kasal pinagsasabi mo ha?" Pasalamat siya at hindi ko siya magawang pingunit dahil ang hawak hawak ko ang sketchbook at lapis. "Baka may jowa kana ha, lagot ka kay pops." Banta ko.

"Ate naman eh, sinasabi ko lang naman sa'yo para hindi ka na tumanggi sa araw ng kasal ko." Pangarap niya. "Eh, kayo ni Kuya Kenneth? May balak ba kayong magpakasal na din?"

Nabitawan ko na ang mga hawak-hawak ko no'ng binalik niya sa akin ang tanong ko.

"Five years na kayo."

THE SECRET, LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now