CHAPTER 13

83 2 0
                                    




CHAPTER 13



"Dito niyo ilagay ang sofa."


Nandito kami ni Xavier ngayon sa vacation house nilang mag-jowa dito sa Isabela. Kasama namin ang interior designer para makatulong sa tamang ayos ng mga gamit na binili.


"Inggatan niyo, wala tayong malaking pera para bayarin ito." Sigaw ni Alex sa mga tauhan. "Xavier, doon sa pool hindi na ba natin babaguhin yung biniling upuan para doon?" Umiling siya.


"Okay na 'yon, hindi naman kailangan na gumastos ng malaki dahil hindi din kami titira dito ng matagal." Tumango ang interior designer, binuksan niya ang iba pang display at iniisip kung saan pwedeng ilagay.

"Masyadong maganda ang vacation house niyo." Kumento ko nang wala ng kausap o ginagawa si Xavier. "Sayang naman kung once a year niyo lang 'to titirhan." ako pa ang naghihinayang kaysa sa kanila.


"Hindi 'yan, hindi din naman ako papayag na masayang ang pera na ginastos ko dito." Nakatingala siya ngayon sa lawak ng bahay.


"Matutuwa siguro siya kapag nakita niya kung gaano kaganda ang pinapangarap niyang vacation house pero mas maganda kung dito kayo titira kasama ang magiging anak ninyo." iwas gulo, iwas problema. Mas maganda dito kaysa sa Manila na puro gulo na lang at hindi na bagay sa mga bata.


"Yun lang kung siya ang magiging nanay ng mga anak ko." Lumiit ang aking mata, hinawakan ko ang kanyang baba upang tignan ako.


"Ano ang pinagsasabi mo? Akala ko ba sigurado kana siya na ang babae na papakasalan mo, pero bakit ngayon hindi na?" Si Xavier pa ba, mahal na mahal niya si Trish para hindi maging sigurado.


"Tatapusin ko na." Bumuntong hininga siya at hinawakan ang kamay ko na nakahawak sa baba niya. "Tatapusin kona ang relasyon namin." lumayo ako sa kanya.


Hindi ko maintindihan kung ano na ang nagiging desisyon ni Xavier, pero wala akong magagawa doon dahil niloko siya at nasaktan siya.


"Sapat na siguro ang mga malaman ko para hiwalayin ang manlolokong kagaya niya." Malambing niyang sagot.


"Paano yung mga ginastos niyo sa kasal? Itong bahay na pinagawa mo? Paano yung mga gowns?" Lalo na yung mga disenyo na pinaghirapan naming magkakaibigan, ilang gabi din kaming napuyat sa kaartehan ng nobya niya.


"Bayad na ang mga damit na susuotin namin, hindi niyo na kailangan tapusin kahit papaano may matatanggap kayo." napakamot na lamang ako sa 'king buhok, naupo sa sahig habang yakap-yakap ang tuhod.


Sayang din pala ang effort namin pero ano pa ba ang inaarte kung ganoon ay may pera pa din kaming makukuha kapalit sa hirap sa paggawa ng mga damit sa kasal nila.


Sana kasi sinigurado muna niya kung anong klase si Trish bago ayain na pakasalin ako. Ako, sigurado ng aayaw ako sa oras na si Kenneth ay ayain na akong magpakasal. Matalino na ako ngayon and
I will never be fooled again.


"Handa ka din bang hiwalayin si Kenneth?" hinilamos ko ang aking mukha gamit ang palad. "Handa ka din bang ako naman ang mahalin mo?" Naguluhan ako sa biglang tanong nito tungkol sa pagmamahal.


Tinaas ko ang aking palad, pinigilan ko siyang tumabi sa 'kin dahil ayaw kong maguluhan at baka masaktan lang siya sa mga masasabi ko.


Kaya kong mag mahal uli pero kung siya? Hindi ko ata kaya, magiging centro lang ako ng kaguluhan patungkol sa nasirang relasyon nilang dalawa lalo na sikat na sikat si Trish. Ayaw kong madamay, ayaw kong masira ang career ko.


THE SECRET, LOVE (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ