Chapter 34 : A brother's love

Start from the beginning
                                    

"Lex kailan ka pa naubusan ng gamot?! " Ako

lumapit ako sa kanya at agad kong hinawakan ang magkabilang pisngi niya.

"Lex sumagot ka kailan ka tumigil sa pag-inom nito?!" ako

hindi ko maiwasang mapaluha...

ang kinatatakutan ko ay baka mangyayari na..

"Bakit Red anong mangyayari kung titigil ako sa pag-inom niyan?.. Matagal ko ng gustong itanong kung bakit araw-araw niyo akong pinapainom ng pesteng gamot na yan!...Bakit Red? Dahil ba ayaw niyong maalala ko ang nangyari kay daddy? Ayaw niyo bang maalala ko na ako mismo ang naging dahilan sa pagkamatay niya?!!!!" pagwawala ni Lexi.

*Blag*

biglang bumukas ang pintuan.

"Anong nangyayari? bakit kayo nagsisigawan?" bulalas ni mommy na nag-aalala

humarap si Lexi kay Mommy...

"Alam ko na ngayon kung bakit hindi niyo ako magawang mahalin! Sana sinabi niyo una pa lang na ako pala ang naging dahilan sa pagkawala ni daddy para umpisa pa lang alam ko na kung bakit malamig ka sa akin!....I deserve to know the fvcking truth! I deserve to know that i am the very reason why he died!!! " Lexi

agad napaluha si Mommy at niyakap si Lexi.

"No! No! baby that's not true! No one blames you...It was never your fault! Listen to me your our baby we love you so much...hindi ka namin sinisi" iyak ni mommy habang hinahawakan ang magkabilang pisngi ni Lexi.

"Stop lying!!! " malakas na sigaw ni Lexi at agad na iwinaksi ang kamay ni mommy

hindi dapat siya yung sisihin dito..

ako...ako yung may kasalanan kung bakit nangyari yun.

"Get out! Get the hell out! " malakas na sigaw ni Lexi.

Awang-awa ako sa nangyayari ngayon sa pamilya namin.

akala namin naibaon na namin ang lahat sa limot ngunit sadyang hindi mo na talaga matatakasan ang nakaraan kahit na ilang ulit mo itong ibaon.

wala kaming nagawa ni Mommy kundi lumabas na lamang sa kwarto niya.

habang nasa labas kami ng kwarto niya ay napayakap nalang ako kay mommy.

hindi ko siya tunay na ina pero ni minsan ay hindi niya pinaramdam na iba ako. Tinuring niya akong tunay na anak kayat nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang ganito.

"Red she remembers.....my baby remembers" mommy

Our Deadly PactWhere stories live. Discover now