Wakas

16 0 0
                                    

Ang pangit sa school na ‘to! Hindi ko alam pero ayaw ko talaga dito sa school na ‘to. First day namin ngayon pero ewan, naiirita agad ako. Idagdag mo pang ang init-init dito sa pinipilahan ko.

Hindi ko alam kina Mommy Lola kung bakit dito pa ako trinansfer eh maganda naman doon sa school na pinapasukan ko kina Papa. Napalayo tuloy ako sa mga kaibigan ko, kaibigan lang talaga dahilan kung bakit ako nag-stay sa school ko noon eh bwhahahah.

Laro. Principal’s office. Klase. Gan‘yan lang ang daily routine ko doon. Kaya ata ako nilipat nina Lola dito kasi lagi akong sinusumbong ng principal, kasi naman, lagi nalang akong hinamon ni Red doon, bakla naman. Akala siguro nila magtitino ako dito, hays, hindi. Himala nalang siguro kung magtitino ako dito.

Napako ang tingin ko sa babaeng iritado rin, mukha siyang maarte. Ay hindi, maarte talaga.

“Pero kuya! Kuya Nico!” tawag niya doon sa lalaking mas matanda sa kaniya pero hindi siya nilingon nito.

Hanggang sa napansin kong kabado siya, nanginginig kasi tuhod niya, hahaha. Patingin-tingin siya sa mga pila na animo’y batang nawawala. Baka naman bago rin siya dito sa school? Tss.

Kumunot ang noo ko nang mapagtantong nakatingin siya sa ‘kin. Parang g‘wapong-g‘wapo pa sa ‘kin, tss, ako lang ‘to. Liningon ko siya pero agad din akong nag-iwas ng tingin. Nakaramdam ako ng ilang.

“The class will start today but before that, I want to introduce to you all your new classmate, he’s from U.S. that’s why he’s a late enrollee. Go ahead and introduce yourself, Cyan.”

Wtf? Sinabi talaga nina Mama na galing akong U.S.? Bwhahahah, joke lang ‘yon eh.

“G-good morning, I‘m Janssen Cyan V. Rodriguez, I‘m looking forward on being friends with you all, thank you,” ‘yon lang at umupo na ulit ako.

Lumipas ang ilang iraw at hindi na maalis sa isip ko ‘yong mga mukha no’ng babaeng maarte, lalo na ‘yong mga kilay niya, laging nakakunot. Natatawa akong nacucute-an sa kaniya, she seems so friendly kaya nga agad din kaming naging magkaibigan. I also befriend with some of our classmate para hindi ako magmukhang bias na kay Snow lang close. Mapaghahalataan nila ako, sheesh.

Recess na ngayon at hinahanap ko si Snow kasi nakita ko ‘yong baon niya kanina, mukhang masarap hehe. Mangbuburaot muna ako tutal magkaibigan naman na kami.

Nagulat nalang ako nang makita siyang kausap ‘yong Principal, maya-maya pa ay nagtago na ulit siya sa paso. Ewan ko kung anong ginagawa niya doon, para siyang may sinisilip na ewan kaya tinawag ko siya. Bigla siyang nataranta kaya napatayo siya nang wala sa oras tsaka humarap sa magkakaibigan sa kubo.

Tinanong ko kung bakit siya nagtatago doon pero sumama ang tingin niya sa ‘kin. Kumunot nanaman ang mga kilay niya, hahaha cute.

Kinawayan niya ‘yong magkakaibigan, kung hindi ako nagkakamali, sina Mira ‘yon. Nakaramdam ako ng kung ano nang makipag-usap siya doon sa mga lalaki.

“P‘wede ba tayong maglaro? Tulad ng habul-habulan?” tanong niya.

“Oo naman, ikaw Cyan? Sali ka?”

“Andito ka pa pala, chismosong ‘to.”

“Maka-chismoso ka parang hindi ka nanghingi ng chika sa ‘kin noong isang araw,” wika ko dahilan para magtawanan sila.

“Oh, shatap na, nagmumukha ka nanamang bakla, Cyan.”

Andaming nangyari sa mga sumunod na araw, nawalan ng pera si Muchichay tapos si Nyebe ang nakapulot. Ako pa ang tinakot ng mga kaklase namin na isusumbong ako kasi pinaiyak ko siya, samantalang nagkukunwari lang naman siya, hays.

Finding Mr. Walkie Talkie (Elementary Series #8)Where stories live. Discover now