Kabanata 8

36 9 19
                                    

“Nyebe! Tayo na!”

Aligaga akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon, alam kong siya ‘yon pero ‘yong sinigaw niya ang mas nakakuha ng atensiyon ko.

“T-Tayo na?” utal kong tanong habang may kung ano nanaman ang gumagalaw sa tiyan ko. Kakapurga ko lang no’ng isang araw, hindi maaaring may bulate sa tiyan ko.

Kahit medyo malayo siya sa akin ay nakita kong namula ang mukha niya. Waaaa! Agad siyang tumalikod sa ‘kin at parang may ginawang kung ano. Narinig ko namang nagsigawan sina Mirah at ang iba pa naming kalaro.
“AYIIIIIIEE!” sigaw nila dahilan para samaan ko sila ng tingin pero tumawa lang sila tsaka umiwas ng tingin.

“Ano ‘to, damo?”
“Uy Este, tignan mo may pakipot, charot.”
“Hahaha, ang ganda no’ng bato oh.”

Muling humarap sa direksiyon ko si Cyan, hindi na gasinong namumula ‘yong mukha niya pero pulang-pula na ‘yong tainga niya. Ano bang meaning no’n? Kumain ba siya ng mahalang?

“Crush ka niya,” wika ng babae na kasama ko dito sa kubo, si Yaya Inday pala.

“P-Po? C-Crush ako ni C-Cyan?” utal-utal kong tanong habang pinipigilan ang sarili sa pagngiti ngunit hindi ko kaya!

Nag-init bigla ‘yong pisngi ko at napapangiti ako na parang baliw. Kinakabahan akong ewan, hindi ko alam ‘tong nararamdaman ko ngayon, kyaaa! KINIKILIG AKOOOOOO!!

“T-Tayo na, maglalaro na tayo ng luksong tinik, m-malapit nang matapos ‘yong recess,” sabi niya dahilan para matawa nalang ako.

Nag-assume ako, hay nako Snow.

Lalapit na sana ako sa kanila nang marinig namin ang bell, napalitan ng lungkot ang mga mata ko. Hindi ko pa kasi nalalaro ‘yon, sana pala ‘yon nalang inuna naming laruin huhu.

Pumila na kaming lahat sa playground tsaka pinabalik sa kaniya-kaniyang classroom. Si Yaya Inday naman ‘di ko na rin nakausap. Napasulyap ako sa kaniya sa kubo, nakangiti siya sa ‘kin, ‘yong mga mata niya sobrang saya kahit wala namang nakakatuwa, hmm.

Pumasok na ‘ko sa room namin tsaka umupo sa upuan na katabi ng kay Mirah.

“Snow.”

“Mirah.”

“Ano ka ba, Snow? Mirah ka ng Mirah, eh Mira without H ang palayaw ko, jusko!”

“What?! All my life is a lie? How dare you author?!”

“Hayaan mo na nga. Gusto ko rin maranasan ‘yong parang kambal na puyod!” masigla niyang sabi tsaka parang nanggigil.

“Hmm, sige! Magpapa-Elsa na tirintas ako kay Mommy bukas tapos iyo naman ay ‘yong katulad ng kay Anna!” sambit ko tsaka pumalakpak sa tuwa.

“Yey, sige Snow! Thank you!” sabi niya tsaka ako yinakap.

Nagulat kaming lahat nang pumasok ang teacher namin sa EsP. Hindi pa ngayon ang time niya!

“Magandang umaga, students!” bati ni Teacher Madrigal.

“Good morninggg, Teacherrr,” matamlay na bati rin namin sa kaniya.

Edukasyon sa Pagpapakatao, ‘yan ang pinakagusto kong subject kahit noong nasa ibang school pa ‘ko. Tuwing EsP subject kasi, natutulog lang ako, hehe sorna.

“Okay, ngayon ang lesson natin ay tungkol sa mga Batang Ampon at Ulila sa Magulang. Students, may kilala ba kayo na ampon o kaya naman ay walang magulang?” tanong nito habang nag-iikot-ikot sa room. “Yes, Luna?”

“Teacher, si Kuya Marvin ko po, wala na siyang parents kaya napa-early ang pagtatrabaho niya sa hacienda namin,” sagot ni Luna habang may malaking ngiti sa mukha kahit bungi.

Agad namang tumutol si Jeffrey, “Anong hacienda? Palayan naman ‘yong inyo!”

“Gano’n na rin ‘yon! Gusto ko hacieda para sosyal to hear ‘no, ba’t ba nakikialam you?” conyo namang tanong ni Luna.

“Oh, tigil na. ‘Yong mga bata o tanong gano’n, ‘yong ampon o kaya ay walang magulang, sila ‘yong mga pinakahirap mabuhay. Bakit? Kasi wala silang matatakbuhan kapag malungkot sila kasi hindi rin sila komportable sa ibang tao. Iba kasi ‘yong pakiramdam kapag sa pamilya mo talaga ikaw nagsabi ng problema. Lagi silang nabubully kasi kulang sila sa pamilya,” wika nito tsaka napatingin sa ‘kin at ngumiti ng bahagya. “‘Yong mga ampon at ulila, sila ‘yong mostly na kinulang sa pagmamahal ng isang pamilya kaya ‘wag kayong magtataka kung magbago ang ugali nila.”

May mga diniscuss pa si Teacher na batas, salik at kung ano-ano pang tungkol sa mga batang kinupkop ng ‘di nila totoong pamilya at mga batang nawalan ng pamilya ngunit sa lahat ng sinabi niyang iyon ay wala akong naintindihan. Basta ang alam ko lang, inaantok ako.

“End of discussion! Ngayon, maglalaro tayo!” nang dahil sa sinabing iyon ni Teacher Madrigal ay napamulat nang mas malaki ang mga mata ko. “Ipapasa niyo itong bote ng coke sa katabi niyo habang kumakanta ako ng leron-leron sinta at kapag pumalakpak ako, bawal niyo na itong ipasa, ibig sabihin titigil ang pagpapasa ng bote at kung sino ang matapatan na may hawak ng bote, siya ang tatanungin ko, okay ba mga bata?”

Agad na namuo ‘yong mga kung ano sa tiyan ko, kumabog ‘yong dibdib ko at higit sa lahat, nanlalamig ako kasi HINDI AKO NAKINIG SA DISCUSSION! Oh no Snow, end of your world na huhu.

“Ahm, Teacher!” agad kong tawag dito tsaka hinawakan ang tiyan na kunwari ay sumakit.

“Bakit Elniesha?”

Napalingon naman ang iba sa mga kaklase ko. “Sumakit po kasi ‘yong tiyan ko, p‘wede po ba muna akong pumunta sa clinic? Sobrang sakit po kasi talaga,” sabi ko tsaka umaktong nasasaktan ang tiyan.

“Baka naman natatae ka?” tanong ni Teacher dahilan para magtawanan ang mga kaklase ko, napasulyap naman ako kay Cyan, seryoso lang siyang nakatingin sa ‘kin. Baka naman tinatawanan na ako nito sa isip niya? Oh, no!

Napatigil ang pag-iisip ko nang magsalita siya. “Sasamahan ko nalang po siyang pumunta sa clinic, Teacher.”

Nang dahil sa sinabi niyang iyon ay agad na nagwala ang mga kung ano ko sa tiyan! Para akong nyeba na sa sobrang lamig ay naging yelo at estatwa.

Pinayagan ni Teacher na sumama si Cyan sa ‘kin kaya wala akong takas ngayon kundi ang pumunta talaga ng clinic kahit na ang balak ko ay sa canteen dumiretso.

“Bumili ka na sa canteen, ‘di kita isusumbong,” wika niya sa tabi ko habang naglalakad kami.

“H-Ha?” nababasa niya ba ‘yong mga nasa isip ko? Omg siya.

“Alam ko namang ‘di talaga masakit ang tiyan mo, gusto mo lang makalusot sa palaro ni Ma‘am,” sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. “By the way, ako rin. Hahaha, tara na,” dagdag niya pa kaya natawa nalang rin ako.

Crush is paghanga sa taong ul4ga.

Matapos bumili ng pancake at palamig ay agad rin namin iyong inubos habang naglalakad pabalik sa room namin. Itatapon ko na sana ‘yong hawak kong plastic ng palamig nang bigla niyang kunin ‘yong kamay ko.

Literal na nanginig ang buo kong katawan dahil sa paghawak niyang iyon, nagtindigan ang mga balahibo ko.

“Nyebe, crush mo ba ako?”

WAAAAAAAAAAAAAAAAA!!! LUPA KAININ MO ‘KO NOW NAAAAAA!!

Kung kaninang nanlamig ako dahil sa palaro ni Ma‘am, mas lalo akong nanlamig ngayon! Feeling ko ako ngayon si Anna sa bandang huli ng Frozen, ‘yong naging yelo siya dahil sobrang lamig ko ngayon at para akong naestatwa! As in hindi ako makagalaw!! Bakit niya ba kasi tinanong ‘yon?!?

Mas lalo akong naestatwa nang marinig ang sinabi niya pa! ‘Yong kanina parang paru-paro ‘yong mga nasa tiyan ko, ngayon feeling ko buong zoo na! PAKIRAMDAM KO SASABOG AKO SA KILIG!!!

“Kasi ako, crush kita.”

Finding Mr. Walkie Talkie (Elementary Series #8)Where stories live. Discover now