Kabanata 7

33 8 20
                                    

“Mommy, paano mo malalaman if gusto mo talaga ‘yong isang tao?” tanong ko kay Mommy habang naglalaro kami pareho ng Barbie sa k‘warto ko.

Hanggang ngayon ay hindi ko na ulit nakakausap pa ‘yong bata sa walkie talkie. Nagtataka nga rin ako bakit ‘di na ulit siya nagparamdam. Baka busy, hmm. Miss ko na siya.
“Bakit? May hinahangaan na ba ang Bebe Snow ko?”

“Mommyyyy! Wala po!” agad kong angal pero maya-maya rin ay tumawa siya kaya napatawa rin ako at walang nagawa kundi ang umamin. “Fine, meron po.”

“Hmm... How do you see him? Nagwagwapuhan ka lang ba sa kaniya? Do you see him as a friend or a friend with feelings?” nakangiti niyang tanong habang nakatingin sa akin.

“Lahat naman po may nararamdaman sa isang tao eh. So, both?” patanong kong sagot habang nakakunot ang noo, naguguluhan.

Tumawa siya, “Ang ibig kong sabihin, ‘yong pagtingin mo ba sa kaniya ay may halong kakaibang pakiramdam? Parang kapag nakikita or nakakausap mo siya bigla ka nalang kakabahan na parang may kung ano sa tiyan mo?”

Tumango ako kahit hindi ko pa rin maintindihan.

“How do you see me? With feelings ba?” tanong niya habang nakaturo sa sarili.

Napaisip naman ako, “S‘yempre with feelings po ‘My, Mommy at mahal kita eh.”

“Oh, ayon. Ngayon, anong nararamdaman mo para sa taong ‘yon? Do you see him as a friend?”

“Opo, kaso tuwing napapatingin ako sa kaniya para ako laging kinakabahan po, hindi ko naman alam po kung bakit.”

“Confirmed, gusto mo siya,” sagot ni Mommy dahilan para magulat ako at mabitawan si Barbie.

“Paano mo nasabe?” pamimilosopo ko habang ginagaya ang boses ni bata sa walkie talkie.

“Bakit? Si Rence ba na childhood friend mo, naramdaman mo rin ba ‘yan sa kaniya noon?”

“Hindi po.”

“Oh, edi gusto mo nga ‘yong taong kanina mo pang sinasabi... Teka nga, sino ba ‘yan? Baka pangit ‘yan? Charot,” pag-usisa ni Mommy tsaka sinuklayan ‘yong isa ko pang Barbie.

Ngumisi ako. “Secret po, ‘My, hihi.”

Nginitian niya lang ako tsaka binigay sa akin ang hawak niyang Barbie. Pinahiga ako at nilagyan ng kumot. Pinatay niya na rin ang ilaw ko kaya napatingin ako sa kisame para tignan ‘yong mga stars ko na glow in the dark.

“Good night, Elniesha Snowette. Mommy loves you so much,” sabi niya tsaka nagflying kiss sa akin at isinarado ang pinto ng k‘warto ko.

So, gusto ko si Cyan? Waaaa!

---

“Sali ka ulit, Snow?” tanong sa akin ni Mirah pagkatapos kong inumin ‘yong Duch Mill ko.

“Anong lalaruin ninyo?” tanong ko tsaka pinagpagan ang palda at inayos ang pleats nito.

“Habol-habulan tsaka luksong tinik.”

Kinuha ko ang kamay niya tsaka tinignan ang oras. “Malalaro ba natin ‘yon pareho? 15 minutes lang free time natin ngayong recess.”

“Oo naman! Isang round lang sa habol-habulan tapos luksong tinik na tayo, kapag hindi natapos, mamayang tanghali naman hihi.”

“Sige, tara!” sagot ko tsaka dali-daling nagtungo sa bandang gitna ng playground kung saan andoon rin ang iba naming kalaro.

Pagkarating ko roon ay nakita ko agad si Cyan, andoon rin sina Chichay, Andeng, Zedong, Este, Bebang at Carding tsaka ‘yong iba pa naming kaklase.

Bumilog kaming lahat tsaka pinagpatong-patong ang mga kamay. “Maiba‘y taya!”

“Ah, taya si Carding! Hahaha!”

Nagtawanan kami nang malamang si Carding ang taya, hindi kasi siya ganoon kabilis tumakbo. Mabagal ako pero hindi rin siya ganoon kabagal. Ah basta mas mabilis tumakbo si Cyan, charot hehe.

Napatigil kaming lahat sa pagtatawanan at napalitan iyon ng kung ano-anong reaction nang magsalita si Bebang.

“Taya na rin ako. Tutulungan ko na si Carding, ang bagal pa naman nito.”

“Gusto mo lang akong makasama eh.”

“Eh? Asa ka.”

Nagsimula na kaming maglaro at dali-dali akong tumakbo habang lumilingon sa likuran ko, baka kasi bigla akong maabutan ni Carding o Bebang, hays kaloka.

Nang mapansin kong wala namang humahabol sa ‘kin ay naisipan kong bagalan ang takbo ko dahil pagod na agad ako. Hinihingal akong naglakad patungo sa isa sa mga kubo malapit sa playground.

Umupo ako sa loob tsaka pinagmasdan sila na pawisang nagtatatakbo sa playground. Maya-maya pa ay tumigil na sa pagtakbo si Este at Andeng, marahil ay pagod na. Agad silang tinaya ni Bebang tsaka hinihingal na napaupo sa damuhan.

Sa hindi inaasahan ay napasulyap ako sa gawi nina Carding, hinahabol niya si Cyan. Bakas sa mukha ni Carding ang pagkapagod, pawisang-pawisan na siya, ganoon din si Cyan, pero bakit ang gwapo niya pa rin?! Gwapo rin naman si Carding pero bakit wala akong nararamdaman sa kaniya? Shemay, kakanood ko ‘to ng Dora, huhu.

“Ikaw si Snow, hindi ba?” nagulat nalang ako nang may magtanong sa akin.

Napalingon ako sa kabilang bahagi ng kubo. May nakaupo doong pamilyar na babae. Siya ‘yong lagi kong nakikita, ‘yong laging may bitbit ng suman. Ang ganda niya, para siyang walang anak. Kaso kung wala siyang anak, ba’t lagi ko siyang nakikita dito? Hay nako, Snow.

“Snow?” tawag niya sa akin dahilan para maguluhan ako, ba’t alam niya ang pangalan ko?

“Ako nga po, bakit po?” tanong ko dito.

“Natatandaan mo pa ba ako?”

Napatingin ako sa kisame ng kubo tsaka naghanap doon ng maisasagot, “Opo... Kayo po yata ‘yong nakasalubong ko noon, ‘yong may bitbit na plastic na naglalaman ng suman?”

Napangiti siya, ‘yong ngiti niyang iyon, parang nakita ko na noon. Sino ba kasi talaga siya?

Waaa! Lagot ako kay Mommy, sabi niya nga pala, “Snow, don’t talk to strangers, okay?” Lagot talaga ako nito kay Mommy, huhu.

“Ako nga iyon, wala ka na bang naaalala bukod doon?” tanong niya nanaman.

Nagdalawang-isip tuloy ako kung sasagutin ko ‘yong tanong niya. Gusto kong sagutin kaso naaalala ko ‘yong paalala sa ‘kin ni Mommy, huhu, send help.

“May dala akong suman dito, gusto mo ba? Masarap ‘to, ako ang nagluto nito. Paborito ito no’ng anak ko,” pagkukuwento niya dahilan para matakam ako, why naman gano’n.

Sa huli ay napagpasiyahan ko nalang na manahimik at magkunwaring walang narinig. Bahala nang mapahiya basta ‘wag niya lang akong makausap. Sabi rin kasi ni Mommy, ‘yong mga strangers daw ay nangunguha ng bata, bibigyan sila ng mga kung ano-ano tapos biglang hihilahin papasok ng van huhu.

Maya-maya pa ay narinig ko siyang bumuntong-hininga, para bang nawalan siya ng pag-asa. Talaga! Hindi niya ako maiipasok sa van! Pero wala naman akong nakikitang van dito sa school. Baka naman mabait siyang stranger? Bigla tuloy akong nakaramdam ng lungkot para sa kaniya. Ang bait niya tapos ganito inaasta ko sa kaniya.

“Mukhang hindi mo na ako natatandaan. Ako ito, si Mama Ysabel.”

Ysabel? Wala naman akong kilalang Ysabel. Tsaka Mama? Si Mommy lang naman ang mama ko huhu.

“Kilala mo rin noon bilang Yaya Inday.”

Finding Mr. Walkie Talkie (Elementary Series #8)Where stories live. Discover now