Kabanata 14

11 0 0
                                    

“3...”

“2...”

“1...”

“Yey! Happy birthday, Ate!” bati sa akin ni Clyde tsaka naman ako binati ni Mama.

Hinintay talaga namin na mag-12:00 midnight para abangan ang birthday ko, November 11. And for me, this is the sweetest greet I ever had.

Pinatay na ni Mama ang ilaw ng kwarto tsaka kami humiga sa banig na lagi naming tinutulugan. Doon kasi sa kama ay hindi kami kasya. Sabi ni Mama, mamaya na raw siya maghahanda para sa birthday ko, matulog daw muna kami.

Pumikit ako na may ngiti sa aking labi. Ngayon ko lang naranasan ‘yong babatiin ako sa eksaktong birthday ko. The effort aghh, it’s melting my heart.

---

Nagising nalang ako nang tapikin ako ni Mama, senyas na dapat na akong bumangon para pumasok.

Itlog tsaka hotdog muna ang inulam ko dahil hindi pa tapos lutuin ni Mama ‘yong spaghetti tsaka pansit. Naligo na rin ako at nag-ayos ng uniporme. Huwebes ngayon, sayang nga at hindi Biyernes, edi sana nakapang-civillian ako ngayon. Ayan tuloy, naka-P.E. uniform ako, haist.

Umalis na ako ng bahay tsaka nagtungo kina Mad upang sumabay sa pagpasok. At dahil birthday ko, binati nila ako. Binigyan din ako ni Mad ng birthday card. First time ko makatanggap ng ganito, lagi kasing ako ang gumagawa ng mga gano’n. Sabi niya, may ibibigay daw sa ‘king regalo sina Tita, bigla tuloy akong na-excite, sana marami akong matanggap ngayon hehe, joke only.

Nagsimula na ang unang klase namin at s‘yempre, binati ako ni Teacher pati ng buong klase. Ito ang pinaka-favorite ko kapag birthday ko. ‘Yong kinakantahan nila ako ng happy birthday, wala lang, I feel special kasi hihi.

“Teacher, there’s something I want to wish for Nyebe,” boluntaryo ni Cyan pagkatapos nila akong kantahan.

Ngumiti naman si Ma’am. “Go ahead, hijo.”

“Hi Nyebe, stay what you are. Stay pandak,” panimula niya dahilan para magtawanan ang buong klase samantalang nakakunot ang noo ko.

“Biro lang. ‘Wag sana magbago ang ugali mo kasi ‘yon ‘yong pinaka-nagustuhan ko sa ‘yo, bonus lang ‘yang hitsura mo. Crush kita, Nyebe. Happy birthday ulit, enjoy your day.”

“Thank you, Cyan,” hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa sinabi niya, ahckkkk. Binati ako ni crush<333.

Nagkatuwaan kaming lahat, pagkatapos, nagklase na kaming muli, hays. 10 years pa pala bago ako mag-18, kaunting taon nalang.

9:20 na nang matapos kami sa Math, birthday na birthday ko nagpaquiz teacher namin, kaiyoc.

“Uy, Snow! Regalo ko sa ‘yo, oh,” napalingon ako sa kung sinong nagsabi noon, si Pernicita.

Tumingin ako sa hawak niya, maliit ‘yon na parihabang kahon. Tinanggap ko tsaka nagpasalamat kay Penny.

Pupunta na sana ako sa canteen kasi gutom na ako nang higitin ni Penny ang braso ko. “Buksan mo na hehe.”

Biglang nagtindigan ang mga balahibo ko. Unti-unti kong binuksan ang kahon at hindi na gaanong nagulat nang makakita ng Barbie na pencil case na may lamang lapis, bagong tasa ang mga iyon. Hala! Baka tusukin ako ni Penny!! Waaaaaa!

“Salamat,” iyon lang tsaka ako nagmamadaling umalis.

Nagulat nalang ako nang may pumigil sa ‘kin sa pagtakbo tsaka nilagyan ng piring ang mga mata ko. Malambot, mabango, maputi, si Cyan ‘to, hakhak.

Binitawan niya ako dahilan para muntik na ‘kong ma-out of balance ngunit agad niya ring hinawakan ang kanang kamay ko na para bang inaalalayan niya ako.

Unti-unti kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa parang isang bakanteng room. Wala akong naririnig na ingay, tanging hininga ko lang, mabibilis na tibok ng puso ko at nagsasayawang dahon.

Pagkatapos ng ilang hakbang ay tumigil siya sa paglalakad kaya tumigil din ako. Pumuwesto siya sa likod ko tsaka dahan-dahang tinanggal ang piring sa mga mata ko.

“HAPPY 8TH BIRTHDAY, ELNIESHA SNOWETTE!!”

Agad na naluha ang mga mata ko. Hindi ko ‘to inaasahan. Akala ko magtatapos lang sa simpleng batian ang birthday ko ngayon ngunit hindi.

Andito ang ilan sa mga teacher ko. Andito lahat ng mga kaklase ko tsaka mga kaclose ko na kaibigan na taga-ibang section. Andito si Mama Ysabel at Clyde. At higit sa lahat, andito ang pamilyang nagpalaki sa ‘kin, sina Mommy, Daddy at Kuya.

Naiiyak akong tumakbo patungo sa kanila. Kaagad ko silang yinakap at yinakap rin nila ako pabalik. Sabi ni Kuya, bakla lang daw ang umiiyak pero heto siya ngayon at umiiyak. So bakla si Kuya? Dejk bwhahahaha. Sobra ko silang namiss, akala ko hindi na ako masasaktan, akala ko lang pala. Kasi hanggang ngayon, andito pa rin ‘yong sugat na unti-unting naghilom dahil sa buhay ko sa bukid at dahil kay bata.

Bumitaw na ako sa yakap tsaka nakangiting tumingin sa kanila. “Maraming salamat po, ‘My, ‘Dy, at Kuya. Akala ko hindi ko na ulit kayo makikita.”

“‘Wag ka sa amin magpasalamat, kay Mama Ysabel mo ikaw magpasalamat. Hindi pa talaga dapat kami uuwi, balak namin na magpadala ng regalo sa ‘yo kaso nakiusap siya sa ‘min. Sino ba naman kami para hindi-an ang isang katulad mo ‘di ba? Mahal na mahal kita, sweetie,” naiiyak na wika ni Mommy kaya yinakap ko siyang ulit.

“Hi, Snow my darlin’ cutiepie. Happy birthday, we love you. Dadating na mamaya ‘yong inorder kong doll house kasi sabi mo gusto mo ‘yon,” sabat ni Daddy dahilan para mapatalon ako sa tuwa. Binuhat niya pa ako tsaka iniharap kay Kuya Nico.

“Snow...”

“Kuya...”

“Snow...”

“Ate Kai...”

“Hoy!”

“Biro lang po hahaha!” patawa-tawa kong sabi. Parang baliw naman kasi si Kuya.

“Hbd,” sambit ni Kuya para samaan ko siya ng tingin. Ang tino niya naman bumati, jusko.

Kumakain na silang lahat ngayon habang ang iba ay abala sa pagbabalot ng pagkain nila hahaha. Hinanap ng mga mata ko si Mama Ysabel at nakita ko naman siya sa gilid, pinapakain niya si Clyde.

“Ma...” panimula ko.

Lumingon naman siya, “Hmm?”

“Maraming salamat po,” naiiyak kong tugon kaya agad niya akong yinakap at hinaplos-haplos ang likod ko.

“Walang anuman, basta ikaw. Mahal na mahal kita, anak.”

“Mahal na mahal rin kita, Mama.”

“Tahan na, papangit ka, sige,” pagbibiro ni Mama tsaka pinunasan ang mukha ko. “‘Wag ka ng umiyak, magbloblow ka pa ng candle mo.”

“Sige po.”

“Ay! Bago pala iyon, kakausapin ka ata ni Mr. Walkie Talkie mo,” pahabol ni Mama tsaka kinuha sa bag ang walkie talkie ko.

Lumabas muna ako sandali ng room tsaka sinubukang magsalita. “Hello?”

“Hi, Snow. Happy birthday, stay jolly and pretty,” he said, making me feel that zoo again. Simple words but already drowned me to the sea of hearts.

“Thank you,” ayon lang at hindi ko na siya narinig pang nagsalita kaya bahagya akong nalungkot.

Binati niya lang ako, gano’n? Aish!

“Nyebe, tawag ka na nila Mama, este Tita,” tawag ni Cyan tsaka napakamot sa batok. May kuto ba siya sa batok? Jusko Cyan, ang dugyot.

Pumasok na ulit kami sa loob tsaka sila bumilog. Bale, nasa gitna ako ngayon tapos pinapalibutan nila ako. Dahan-dahang lumapit sa akin si Mama habang may dalang two-layer na cake, strawberry flavor.

“Make a wish, anak.”

“Sa edad na walo, hinihiling kong magkita at magkausap na tayo,” bulong ko sa sarili.

Finding Mr. Walkie Talkie (Elementary Series #8)Where stories live. Discover now