Kabanata 10

43 9 10
                                    

“Snow? Anak? Gising ka na...” minulat ko ang mga mata kong parang namamaga.

May nakita akong pigura ng isang babae, pamilyar siya. Sa tabi niya ay isang babae na nakasuot ng parang puting coat.

“Snow...” narinig kong sabi ng pamilyar na babae.

Pamilyar ang boses na ‘yon. Hindi ko alam pero, “Mama?”

“Anak...” narinig ko ulit siya, luminaw ang mga mata ko at nakita ko si Tita Ysabel. Mama?

Dali-dali kong nilibot ang buong paligid, nasa loob ako ng k‘warto na kulay puti, malamig at walang gasinong gamit. Asan ako? Nasa Hospital?

Napadaing ako nang sumakit ang ulo ko tsaka unti-unti kong naalala ang mga nangyari. Dumating si Tita Ysabel sa bahay namin, dumating sina Mommy, nag-away sila, at higit sa lahat, “May karapatan ako kasi ako, ang totoong ina ni Snow!”

Dahan-dahang kumunot ang noo ko nang maalala iyon. Siya ang tunay kong ina? No, si Mommy ang ina ko. She was just my yaya! She must be sick, iww!

“Anak, okay ka lang ba?” tanong niyang muli.

“Tita Ysabel? Bakit andito po ako? Asan si Mommy tsaka Daddy? Si Kuya Nico po, nasaan?” sunod-sunod kong tanong tsaka sinubukang bumaba ng kama kaso hindi ko abot ang sahig, mamaya nalang.

“Hmm, okay ka na ba? Gusto mo umuwi tayo? Miss ka na nina Mad!” sabi niya, pilit pinapasigla ang boses.

Lalong kumunot ang noo ko. “Sino po si Mad?”

“Mukhang limot mo na siya. Tara? Uwi na tayo sa atin, kwekwentuhan kita.”

“No po, kayo nalang po ang umuwi. Asan po ba sina Mommy?” tanong ko tsaka tumingin sa babaeng naka-coat ng white, siya ata si doctora. “Bakit po ako andito? Wala naman po akong sakit.”

Tumingin muna siya kay Tita Ysabel bago nag-aalinlangang humarap sa akin. “Andito ka kasi nawalan ka ng malay noong Friday, natatandaan mo ba?”

“Opo, anong araw na po ba ngayon?” tanong ko tsaka tumingin sa kisame, baka nandoon ang sagot.

“Lunes.”

Gulat akong napaharap sa kaniya. Lunes?? Tumingin ako sa kamay ko tsaka nagbilang. Biyernes, Sabado, Linggo, Lunes. Halos apat na araw akong walang malay?! Hala!!

“Gusto mo na bang umuwi?”

“Opo!!” halos pasigaw kong sagot habang patuloy na tumatango. “Asan po sina Mommy??”

“Umuwi muna kayo, tsaka ni Mama Ysabel sasagutin ang mga tanong mo, hmm?” sagot ni Doctora tsaka binigay sa ‘kin ang backpack kong Barbie.

---

“Snow, handa ka na ba?” tanong ni Tita Ysabel tsaka kumatok sa kwarto na binigay niya sa ‘kin ngayon dito sa bahay “daw” namin.

Huminga ako ng malalim tsaka nagpray kay God, Siya na muna ang bahala sa ‘kin ngayon.

“Handa na po ako,” handa na akong malaman ang katotohanan, handa na akong masaktan.

Pumasok siya sa kwarto tsaka umupo sa tabi ng higaan.

“Ako, at ang Mommy Jamie mo ay dating magbestfriend. Close na close kami, lagi kaming magkasama. Tinuring namin ang isa’t isa na parang magkapatid. Bata palang ako, wala na akong magulang, naging ulila ako not until dumating sina Jamie sa baryo namin. Alam ng mga magulang ni Jamie na close kami kaya naisipan nilang kupkopin ako, tutal wala ring kapatid si Jamie,” pagkwekwento niya habang naiiyak. “Kaso, dumating ‘yong panahon na nabuntis ako ng isang lalaki, takot na takot akong sabihin ‘yon sa pamilya nina Jamie sapagkat naghihirap rin sila noon dahil nalugi ang kumpanya nila. Wala silang maiipanggastos sa ‘tin, anak. Tsaka ko lang din nalaman na ang lalaki palang nakabuntis sa ‘kin ay ang lalaking ikakasal kay Jamie.”

Napatakip ako ng bibig dahil sa mga sinabi niya. Parang hindi ko kayang tanggapin. Ang sakit, sobrang sakit. “Si Daddy?” naitanong ko na lamang hanggang sa umagos na ang mga luha ko.

Tumango siya dahilan para lalo akong masaktan. “Napagdesisyunan ko na umalis nalang sa kanila dahil isang kahihiyan ang nagawa ko sa pamilya nila. Lumayo ako, napadpad ako dito, sa barangay natin. Dito kita pinanganak, dito ka pansamantalang lumaki. Umabot sa ‘kin ang balita na nakunan pala si Jamie ng anak at hindi na siya maaari pang magbuntis. Nalaman na rin niya ang kataksilang nagawa namin ni Anthony. Dala ng awa, naisip kong ibigay ka sa kanila.”

“P-Po? Hahaha. Gano’n mo ako kadaling pinamigay?!” hindi ko na napigilan ang sariling mapatayo at tumaas ang boses. Nasasaktan ako na nagagalit, parang may kung anong gustong magwala sa loob ko.

Sinubukan niya akong pakalmahin pero tinutulak ko lang siya habang umiiyak. “A-Anak, nagawa ko lang naman ‘yon kasi hirap na hirap na rin ako sa buhay, tatlong taong gulang ka noong nagbuntis ako kay Clyde noon, iyong ama niya, g-ginahasa ako,” pagtutuloy niya tsaka napaupo sa sahig. Bigla akong nakaramdam ng awa.

Sumasakit ‘yong dibdib ko ngayong nakikita ko ang kalagayan niya, hindi ko kaya.

“B-bakit po h-hindi ninyo sinabi??!” pasigaw kong tanong habang nag-aalab ang puso sa ‘di malamang dahilan.

Nasasaktan ako kasi sa edad na pito, ganito na agad ang mga nalaman ko. Bata pa ako, wala pa akong alam sa mga gan‘to kundi ang umiyak lamang kasi wala naman kaming magagawa upang baguhin ang nakaraan.

---

Pagkapasok na pagkapasok ko ng gate naming muli ay namiss ko agad ang buong bahay. Dito ako lumaki, dito ako komportable, ngunit noon na lang ‘yon. Masakit isipin na kailangan ko nang lumisan sa tirahan na aking kinalakihan.

Kung sino pa ‘yong mahal mo, sila pa ‘yong lumilisan at nawawala. Mas maganda pala siguro kapag lumisan nalang tapos magpapaturok ka no’ng turok na para ‘di mo maramdaman ‘yong sakit, charot anong konek?

“Sweetie, magpapakabait ka do’n, ah? H‘wag kang pasaway kay Mama Ysabel mo...” wika ni Mommy habang tumutulo ang mga luha niya kaya hindi ko maiwasang maiyak din. “Doon ka muna titira, ah? Pupunta muna kami sa ibang bansa para ayusin ang negosyo natin, isasama ko si Kuya mo kasi wala na siyang kasama dito. Magpakasaya ka do’n sa barangay ninyo nina Mama Ysabel mo, hmm? I-enjoy mo ang buhay na may sariwang hangin, marami doong halaman, you love plants, do you?” tanong niya na tinanguan ko naman.

Minsan, may mga bagay talagang dapat munang pakawalan para maayos ang problema.

“Bye-bye my Elniesha Snowette, mahal na mahal ka ni Mommy.”

Finding Mr. Walkie Talkie (Elementary Series #8)Where stories live. Discover now