Kabanata 2

67 15 17
                                    

"Mi, penge po akong juice, ah!" sigaw ko mula sa kusina at alam kong imposibleng marinig 'yon ni Mommy dahil nasa k'warto sa itaas pa sila at natutulog.

Binuksan ko ang ref at agad naman itong umilaw, bumungad rin sa akin ang malamig na hangin mula roon.

"Uwaa, ang lamig," banggit ko tsaka pinasok ang ulo at medyo inipit ito sa loob ng ref dahil ang lamig talaga ngunit agad ko ring inalis ang ulo ko nang mawala ang malamig na hangin mula rito.

Kinuha ko ang babasaging pitsel tsaka dahan-dahang nagsalin ng tubig. Ingat na ingat pa ako dahil baka mabagsak ko 'yung pitsel pero buti nalang hindi nangyari, baka si Nyebe 'to.

Tutal wala na akong gagawin bukod sa hintayin si Kuya na bumaba mula sa k'warto niya. Kaya naman naisipan kong bisitahin muna sina Leila, Faye at Marga, ang tatlo kong halaman na naging kaibigan ko rin.

"Omg, ba't natutuyot ang dahon mo Marga??" anas ko nang mapansing tuyo na ang ilan sa mga dahon ni Marga. "Lagot sa 'kin 'yang si Yaya Akie, mas inuuna pa ang pagharot kay Kuya Anthon kaysa alagaan kayo, hmpk."

"Snow? Asan ka na? Aalis na tayo!" narinig kong sigaw ni Kuya kaya dali-dali akong nagtungo sa kaniya. "Kung saan-saan ka pumupunta gusto mo bang itali kita?"

"Kuya naman..."

"Heh, tara na nga."

Pagkatapos noon ay uminom na ako ng juice at ini-ready na ang sarili para pumasok.

Tatlong araw na ang lumipas simula nung dumating 'yong kapwa ko transferee. At dahil dakilang maha-este mafriendly ako, madali ko siyang naging kaibigan, nakikihalubilo na rin siya sa mga classmates namin pero kami pinakaclose, uwu, joke lang 'di ko pa po alam, hays.

Nagtatakbo ako ngayon sa playground upang hanapin si Mira, isa na rin kasi siya sa bestfriends ko, si Este kasi hindi pa kami gasinong close, sadyang feeling close lang po ako, mwehehe.

Ilang segundo pa ay nakita ko siya sa may kubo malapit sa entablado kasama ang dalawang lalaki niyang kaibigan na kumakain ng tanghalian.

Medyo kinakabahan rin ako dahil may narinig ako noon na pinuri ako nang isa sa mga kaibigan niya, baka may crush sa 'kin 'yon, ang ganda ko talaga, mana kay Mommy. Kahit kinakabahan ay nagtungo parin ako sa direksiyon nila pero patago. Naglalakad ako habang nagtatago sa mga malalaking paso ng pandakaki.

"Snow? Anong ginagawa mo riyan? Bakit ka nagtatago?" sunod-sunod na tanong ng isang guro sa likuran ko kaya napalingon ako dito.

Napanganga nalang ako nang makita ang principal namin! Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? Baka ipatawag niya parents ko huhu.

Hindi ko alam pero agad akong lumuhod sa kanya at kumapit sa laylayan ng damit niya, "Parang awa mo na po Miss Principal, huwag mo pong ipapatawag ang parents ko, huhu" sabi ko habang umiiyak.

Nagulat ako nang tumawa ito, "Ano ka ba, hija? Nagtatanong lang ako, hindi ko ipapatawag ang parents mo," sagot niya dahilan para mahiya ako at tumayo na.

Sayang 'yung pagluhod ko! Nadumihan tuloy palda ko! Huhu, lagot ako kay Mommy.

"Anong ginagawa mo diyan? Ba't ka nagtatago?" tanong pa ni Miss Principal.

Napakamot nalang ako sa ulo ko, ano ang isasagot ko?! Huhu, bahala na si Bebang! Amen.

"Ahm, naglalaro po kami nina Bebang ng tagu-taguan! Tama! Naglalaro po kami hehe," palusot ko tsaka tinuro sina Bebang na naglalaro.

Sensiya na Bebang kung nadamay kita huhu.

"Ahh, sige, huwag ka lang magpapawis ah, mapapagalitan ka ng parents mo," bilin niya pa at tumango nalang ako, "Sige, mauna na ako at magtago ka na, baka makita ka nila".

Finding Mr. Walkie Talkie (Elementary Series #8)Where stories live. Discover now