Kabanata 3

77 14 12
                                    

A/N:
Most of the scenes in this chapter can be find on the Prologue.

"Sorry na, Chichay. Alam mo naman ako, mukhang pera. Hindi ko rin naman alam na sa 'yon, sorry na Chichay," pa-ulit-ulit na paghingi ko ng sorry kay Chichay kahit na sinasabi niya lagi na ayos lang.

"Ano ka ba, Snow, ayos lang, ang mahalaga ay binalik mo sa akin 'yong pera," sagot niya habang nakangiti.

Agad nanamang lumambot ang puso ko, hindi ko naman talaga 'yon ibibigay, kung hindi niya lang sana natandaan na 2014 ang nakalagay na taon dun sa bente pesos niya, hays. Bawi tayo next life.

"Tara na, Snow, sali ako sa laro niyo, hehe."

"Ay bakit? Friends ba tayo, Muchichay?" tanong ko.

Agad namang nalungkot ang mga mata niya. "Hindi pa ba? Pasensiya ka na."

"Nagbibiro lang ako, tara na, basta 'wag ka magkakagusto dun sa g'wapong lalaki na 'yon, uwu," bilin ko sa kaniya at napahagikgik naman siya.

"Tara, tagu-taguan!"

"Sali kami!"

Andaming nagsalihan sa laro namin kaya naman nahirapan kaming malaman kung sino ang taya, pero ang ending 'yong lalaking kaibigan ni Bebang ang naging taya.

Papunta na sana ako sa may likod ng classroom namin dahil doon ako madalas magtago, nang makita ko si Cyan na tumatakbo rin at naghahanap ng matataguan.

Ang dahil ako si Snow, balak ko sana na sa iisang lugar kami magtago tapos aasarin kami tapos magkakagusto siya sa 'kin, uwu.

"Asan na 'yon? Andito lang siya kanina, ah?"

"-Aahhh!" napairit nalang ako nang biglang sumulpot si crush pagharap ko sa likuran ko!

Nakakagulat siya!

Dahil sa takot na mamukhaan niya ako at makita ang hindi prepared kong mukha ay kaagad akong tumakbo palayo sa kanya! Nakakahiyaaaaaa!

Hingal na hingal ako nang makarating sa likod ng classroom namin. "Inhale, exhale..." paulit-ulit ko iyong ginawa hanggang sa mawala na ang kaba sa dibdib ko, umayos na rin ang paghinga ko.

Parang ayoko na magpakita sa kanya kahit kailan! Baka namukhaan niya ako tapos makita niya ako mamaya sa classroom! Ahhhh! Ayoko na, mommy!

*inhale* *exhale* *repeat*

Kapag raw naparami sa kape, magiging tensiyonado at kabado ako kaya siguro ako nagkakaganito. Babawas-bawasan ko na nga ang pagkakakape ko, 'yong juice naman sosobrahan ko, charot lang po, baka magka-UTI naman ako. Hays, baka tubig talaga ang para sa akin.

Kinapa ko ang bulsa ko at... Awiee, ang ganda talaga ni Barbie! Pagpasensiyahan niyo na po si ako, medyo baliw talaga ako. Parang kanina lang kabadong-kabado ako tapos ngayon biglang okay na ako hahsha.

Sobra talaga akong nagagandahan kay Barbie kaya kumuha ako ng isang sticker at dinikit iyon kay Lily, ang kaibigan kong halaman hehe.

Napalingon ako sa paligid nang may marinig akong mga yapak sa mga tuyong dahon patungo dito sa direksiyon ko.

Wala na siguro akong magagawa kung hindi ang magpahuli at umamin. Bata pa ako kaso maharot na agad ako? Ewan ko ba kay Author!

Finding Mr. Walkie Talkie (Elementary Series #8)Where stories live. Discover now