Kabanata 5

46 11 6
                                    

“Waa, Mira, anong mangyayari sa ngipin ko?” tanong ko kay Mira habang inuuga-uga ang ngipin ko sa may bandang baba.

Andito kami ngayon sa labas ng classroom namin habang hinihintay ang magbubukas ng room. Dapat talaga late na ako pumasok para hindi ako naghihintay ng ganito katagal.

“S‘yempre mabubungi, parang ito, ngii,” saad niya tsaka ngumiti ang pinakita ang bungi niyang ngipin sa taas.

“Masakit ba ‘yon?” kabadong tanong ko habang nakatingin sa kaniya, tumawa naman siya ng malakas.

May sakit ata sa utak si Mira? Kinakabahan kasi ako tapos tumatawa siya imbes na i-comfort o kaya ay damayan ako.

“H-Hindi mo pa ba... nararanasan ang mabungi?” tanong niya habang tumatawa.

Taka naman akong tumingin sa kaniya. “Naranasan...”

“Oh, bakit ka kinakabahan kung narana—”

“Pero tulog ako no’n,” putol ko sa sasabihin niya dahilan para lalo siyang tumawa. Ano ba kasing nakakatawa?

“Ewan ko sa ‘yo, Snow, tara na nga lang mamaya at makilaro kina Este, may bago silang kalaro, si Andeng ata ‘yon.”

“Sige,” sagot ko.

Maya-maya pa ay dumating na ang magbubukas ng room namin kaya dali-dali kong inilagay sa upuan ko ang barbie kong bag tsaka hinanap si Mira para makipaglaro, mwehehe.

Napatigil ako sa paglabas sa may pinto nang makasalubong ko si Cyan. Agad siyang nag-iwas ng tingin, nahihiya pa rin siguro sa nangyari kahapon kasi naki-ebaks siya sa bahay namin, ahihi.

Dadaan na sana ako sa bandang kanan ko kaso  doon din siya dadaan kaya lumipat ako sa kaliwa kaso doon din siya napadaan kaya napatigil rin kaming dalawa.

“A-Ano...” nahihiya niyang ani tsaka napakamot sa batok niya. May kuto ba siya sa batok? Pero ang alam ko sa ulo lang nagkakakuto.

“Hmm?”

Tumingin siya sa ‘kin, agad naman akong nailang. Nagmukha kasi siyang matangkad tapos ako ‘yong maliit, samantalang halos magkasing-heaight? Haight? Hate? Ah basta magkasing-tangkad kami, uWu.

“Oh...” sambit niya tsaka inilahad ang isang sandwich na nakabalot sa tissue. “Nalaman kasi ni Mommy na naki-ano ako sa inyo, basta alam mo na, bilang ano daw ‘yan, pasasalamat.”

Namula ang mga pisngi ko pero tumungo lang ako tsaka inabot ang sandwich, “Salamat din,” sagot ko tsaka masayang kumagat sa tinapay.

Pero napatigil ako nang magtama ang umuuga kong ngipin sa baba tsaka iyong ngipin ko sa taas.

“Waaaa!!” sigaw ko tsaka kinapa ang nabungi kong ngipin sa loob ng bibig ko, kinuha ko iyon tsaka dumiretso sa lababo ng classroom namin.

Nagmumog ako tsaka tinuyo ang bibig. Napatingin ako kay Cyan, nakasunod pala siya sa ‘kin. Shala, nakakahiya. Nakita niya ‘yong isa sa mga nakakahiyang moments ko.

“N-Nakita mo ba si M-Mira?” hiyang-hiya kong tanong habang nakatungo at pinaglalaruan ang ngipin sa mga daliri ko tsaka iyon nilagay sa isang baso na may lamang tubig.

“Hindi, bakit?”

“Alam mo ba kung anong sunod na gagawin kapag nabungi? Hehe,” tanong ko tsaka tumingin kay Cyan at ngumiti.

Napatawa siya ng bahagya.

“Agang-aga naghaharutan agad, wtf,” singit ni Megan kaya nawala ang ngiti sa labi ko.

Hindi ko siya kilala, at mas lalong hindi ko siya kaibigan. Siya ata ‘yong Miss Universe dati, si Megan Young, charot, ang corny huhu.

“Uy, Snow, ano ‘yan?” napakinggan ko ang boses ni Mira dahilan para gumaan ang pakiramdam ko.

“Kanina pa kita hinahanap,” sagot ko tsaka bumusangot.

“Weh? Hinahanap mo ba talaga ako?” nanunudyong tanong niya tsaka ngumisi.

“Ihhh. Nabungi na kasi ako, eto o’,” sagot ko tsaka humarap sa lababo para kunin ang nabungi kong ngipin pero wala iyon doon. “Shala, asan na ‘yon?”

Siniko ko si Cyan kaya napatingin siya sa akin, “Yung ngipin ko nasaan?”

Nagtaka pa siya nung una pero napatingin rin sa kamay niya. Kinuha niya pala ‘yong ngipin ko mula doon sa baso.

“Ano na gagawin ko dito, Mira? Wala namang dentist dito para magtabi ng ngipin ko.”

“Tara sa labas, ihahagis natin 'to sa bubong," sagot niya kaya napalingon naman ako sa kanya.

Bakit niya ihahagis? Ilalayo niya ako sa isang parte ng ngipin ko, ahh nooo wayyy! Remembrance ko pa 'yun ihh.

Agad kong kinuha mula kay Mira ‘yong ngipin ko at itinago iyon sa likod ko.

“Bakit Snow? May problema ba? Akin na ‘yan, ihahagis natin," sabi pa niya pero umiiling lang ako.

Napunta ang atensiyon ko kay Cyan nang tumawa siya. “Baliw ka, Nyebe, akala mo ba ilalayo sa ‘yo ‘yang ngipin mo?” paghula niya tsaka humagalpak ng tawa. Nakitawa narin 'yung ibang classmate namin na nandito na pala at nakikichismis samantalang nakakunot lang ang noo ko. “Ihahagis iyan sa bubong para kunin ng daga—”

“Ano? Daga?! Ibibigay niyo sa isang daga ang ngipin ko? Kadiri! Ayoko!!” reklamo ko sa kanila habang lalong tinatago ang ngipin sa mumunti kong kamay.

“Hindi kasi! Ihahagis ‘yan sa bubong tapos kukunin ng daga para mabilis na tumubo ‘yong ngipin mo na nabungi, diyan o’!” paliwanag ni Mira tsaka tinuro ‘yong parte ng gilagid ko na nabunutan ng ngipin.

“Ahhh,” nasagot ko nalang at hiyang-hiyang napakamot sa ulo kahit wala akong kuto.

“Akin na, Nyebe,” sambit ni Cyan habang inilalahad ang kamay sa akin kaya binigay ko na ito.

Tutubo naman raw agad ang ngipin ko e’, kaya ayos na ‘yon. Mabubunot rin ‘yong susunod na ngipin ko at ‘yon nalang ang gagawin kong pang-remembrance, yey!

Inihagis na ni Teacher ang ngipin ko sa bubong ng classroom namin at pumalakpak naman ako. First time ko makakita ng ganito.

Nakarinig naman ako ng ilang pagtawa mula sa likuran ko. Pinagtatawanan ako nila Bebang. Dapat yata isama ko siya sa ipapadala ko sa mental, nagpupugay kasi ako rito tapos tatawa siya, aish.

“Lasing na ako Pareng Penny!” pakinig ko namang sambit ng isang lalaki na sa tingin ko ay si Dodong habang pasuray-suray ang lakad. “Tagay pa nga.”

Dumako naman ang paningin ko sa kasama niya, si Penny, iyong natapunan ata ng pipino no‘ng isang araw na agad rin namang ipinagtanggol ni Bebang, kaso ang ending, parehas silang napunta sa Principal’s Office.

“Oh heto pa Pare, tagay pa more," sagot naman ni Penny tsaka nagkunwaring nagsalin ng alak sa kamay ni Dodong.

Buti pa si Dodong at Penny, nakikisama sa pagpupugay ko para sa ngipin ko, hindi katulad nung iba diyan na parang others.

“Hala, Snow, nabungi ka na pala,” napatingin ako kay Este nang sabihin niya ‘yon.

“Oo, e’, nakakahiya tuloy ngumiti,” malungkot na sambit ko tsaka tumingin sa bubong kung saan itinapon ni Cyan ‘yong ngipin ko.

“Ayos lang ‘yan. Gusto mo bang maglaro? Tara, jollibee-jollibee tayo, hihi. Kasama natin si Andeng!” masayang sambit ni Este kaya pumayag ako, may bago nanaman akong makikilala, uWu.

Nagtungo kami sa kubo malapit sa stage para daw kapag nagbell ay malapit lang kami sa pila.

“Jollibee, Jollibee, umutot si Jollibee, nagpalit ng panty, sabi ng driver, waw sexy!” pagkanta namin hanggang sa lahat na ng kamay namin ay magkakadugtong. “Halo-halo, walang gagalaw!” dagdag pa namin tsaka nag-aktong parang estatwa pero sa huli ay natalo rin ako kasi nabahing ako.

“Waaa, ansaya, hshaha! Isa paaaaa.”

Kung dati, snob ako, ngayon nakikisalamuha na ako at alam kong nag-eenjoy na akong kasama sila. Sana walang magbago, uWu.

Finding Mr. Walkie Talkie (Elementary Series #8)Where stories live. Discover now