Kabanata 4

55 12 6
                                    

“Sino ‘yon, ‘My?” nagtataka kong tanong kahit na parang pamilyar sa ‘kin ‘yong boses niya.

“Si... Wait, nakalimutan ko name niya. Ayun, si Cyan pala, inaayos daw kasi ‘yong banyo sa bahay nila malapit lang rin dito, e’ saktong nakita ko siyang palakad-lakad sa labas ng bahay nila habang tumitingin sa paligid kaya tinanong ko kung may problema ba, sabi niya, na-eebaks daw siya, hehe,” paliwanag niya tsaka kumuha ng isang rolyo ng tissue at pumasok sa banyo malapit rito sa dining room.

Pagkatapos kong kumain ay agad kong hinila si Yaya Elsa na nagdidilig ng halaman tsaka kami tumakas papunta sa may park malapit dito.

“Hiningal mo ako, Snow, jusko ka, bakit ba tayo   nandito?” tanong ni Yaya habang nakahawak sa dalawang tuhod niya at hinihingal.

“Hehe, wala lang po, tara sa Arcade, Yaya!” I exclaimed and giggles.

“Nako, hindi p‘wede, Snow. Tara, balik na tayo, mapapagalitan ako ng Mommy mo.”

Agad ko namang kinuha ang kamay niya at nag-puppy eyes. “Please, Yaya.”

“Hindi, p‘wede, blee,” pang-aasar ni Yaya habang hindi tumitingin sa akin.

Lumuhod ako dahilan para mapatingin siya, agad naman akong nagpa-awa look, “Pleaaasee?”

“Hays tara na nga,” sagot niya dahilan para mapalundag ako sa tuwa.

Kinuha niya naman ang cellphone sa bulsa, marahil ay tatawagan niya si Mommy at sasabihing, “Ma‘am Monica, kasama ko ang anak niyong si Snow, magbigay kayo ng tatlong gallon ng ice cream kung gusto niyo siyang mabawi.”

Maya-maya pa ay nagpunta na kami sa arcade. Nagtatakbo lang ako sa loob no’n, sumakay rin  kami ni Yaya sa mini-ferris wheel kaso bumaba rin kami agad kasi umikot daw paningin niya tsaka sumakit ang ulo, ewan ko ba kay Yaya, hindi naman siya nabagok kaya bakit sasakit ang ulo niya, hays.

Ang ending, sinundo rin ako nina Mommy at Daddy, si Yaya naman, pinanood muna nila ng movie, bilang bawi daw. Bakit kaya babawi e’ hindi naman sila nag-away? Gantihan?

“Hi, baby!” bati sa akin ni Mommy pagkapasok ko sa kotse tsaka ako binuhat patungo sa tabi niya. “Did you enjoy escaping with Yaya? Hmm?”

“Ihh, sorry na po Mommy...” sagot ko tsaka napatingin sa kaniya, nakatingin rin siya sa ‘kin na para bang may dapat pa akong sabihin. “Ahm, I enjoyed Mommy, it was fun po, nakipag-play ako kay Yaya tapos sumakay po kami do’n sa mini ferris wheel.”

“Halata nga, pawisan ka, e’ it’s great that natututo ka na ngayong makisalamuha, nakita kita kahapong nakikipaglaro sa mga kaklase mo, samantalang doon sa dati mong school, makairap ka abot hanggang China, hay nako, Snow,” sabi niya tsaka tumawa ng bahagya. My Mommy is lovely, lalo na kapag ngumingiti siya, kitang-kita kasi ‘yong dimple niya, tapos ako walang dimple, unfair.

Maya-maya pa ay umayos siya ng upo tsaka sumandal sa upuan at natulog. Habang nagda-drive si Daddy ay naisipan ko siyang tanungin dahil tulog na si Mommy sa tabi ko, si Kuya naman naka-earphones. Kaysa naman maburyo at kung ano-ano ang gawin ay tatanungin ko nalang si Daddy.

“‘Dy.”

“Yes, baby?” tanong niya habang nakatingin sa daan, mahirap na baka mabangga kami edi napaaga ang pagtatapos ng istorya.

Tumingin ako kay Mommy na mahimbing na natutulog tsaka umipod sa tabi niya at sumilip sa bintana.

“Be careful, Snow, baka magising mo ang Mommy mo,” paalala ni ‘Dy kaya hindi nalang ako naglikot.

Tumingin akong muli sa bintana tsaka humarap kay Daddy. “‘Dy, tanda mo pa po ba ‘yong kalaro ko dati noong bata pa ako?”

“Huh? Sinong kalaro? W-Wala ka namang kalaro noong bata ka pa, si Kuya mo lang,” sagot niya tsaka kabadong lumingon sa akin. “May nakikita ka bang hindi ko nakikita, Snow?”

Napahagikhik ako, kung ano-ano kasing sinasabi niya.

“Ilang taon ka ba noong nakalaro mo ‘siya’?” tanong niya pa.

Tiningnan ko ang kamay ko tsaka nagbilang ng tatlo tsaka iyon pinakita kay Daddy.

“Seryoso ka, Snow? Three?”

“Mukha po ba akong nagbibiro, ‘Dy? Hindi naman po ako clown, ih,” sagot ko tsaka muling tumingin sa bintana habang nakaupo parin sa tabi ni Mommy.

“May naaalala ka pa ba noong 3 ka?” seryosong tanong ni ‘Dy.

“Hmm, si Yaya Inday po ‘Dy, hahaha, ‘yong lagi ko pong pinagluluto noon ng pagkain gamit ‘yong clay tapos kapag hindi siya nakipaglaro sa ‘kin pinapahabol ko po siya kay, Myko, hahahaha!” sagot ko tsaka napatawa ng malakas dahilan para magising si Mommy.

“We‘re here,” ani Daddy kaya napahinga ako ng maluwag, buti nalang niligtas ako ni Daddy, kundi mapapagalitan ako ni Mommy dahil nagising ko siya.

Dali-dali akong tumakbo papasok sa bahay namin at sinalubong naman ako ni Yaya Celia, ang kapalit minsan ni Yaya Elsa sa pagbabantay sa ‘kin, pero mas matagal na dito si Yaya Elsa kaya siya talaga ang tunay kong Yaya, siya ang pumalit nang iwan ako ni Yaya Inday.

“Naku, ba’t pawisang-pawisan ka Snow, anong ginawa mo?” tanong niya sa akin habang inaamoy ang blouse ko.

“Tumae po, hahaha!” pagbibiro ko at agad namang lumayo si Yaya pero tinawanan ko lang siya. “Nagbibiro—”

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang mapakinggan kong nagsisigawan sina Mommy at Daddy sa labas.

“Hindi ‘yon maaari, Anthony! Ang tagal na no’n, masyadong imposible ‘yang sinasabi mo!”

“Umamin ka nga kasi kitang-kita na ng mga mata ko. Nakausap mo siya sa opisina no‘ng isang araw? Anong sinabi niya, Jamie?”

“Wala!”

“Jamie!”

“Bumalik siya!” sigaw ni Mommy kay Daddy tsaka pumasok na ng bahay. Napatingin siya sa ‘kin at agad namang umamo ang kaninang galit niyang mukha. Nadurog ang puso ko nang may tumulong luha sa kaliwang mata niya.

Isa lang ang alam ko ngayon, kailangan kong yakapin si Mommy.

Ngunit bago ko magawa ‘yon ay nagsalita si Daddy.

“Yaya Celia, ipasok niyo po muna si Nico at Snow sa kuwarto nila, mag-uusap lang kami ni Jamie.”

Hindi na ako nakapagsalita nang buhatin ako ni Yaya papasok sa k‘warto ko at iniwan ako doon. Sinubukan kong buksan ang pinto kaso hindi ko ito mabuksan.

Napaiyak nalang ako sa dulo ng kama ko habang yakap-yakap si Piggy.

Naririnig kong nagsisigawan sina Mommy at Daddy pero hindi ko maintindihan ang mga pinag-uusapan nila.

Napatigil ako sa pag-iyak nang may marinig akong tumatawa, parang galing sa cellphone kaso wala naman akong cellphone. Hala, may multo sa k‘warto ko? Waaaa!

“Hoy!”

Waaaa! May multoooo!

“Ibalik mo sa ‘kin ‘yang walkie talkie ko!”

Walkie talkie? Ano ‘yon? Laruan ba ‘yon? Naglalaro pala ang multo?

“S-Sino ka?” kinakabahan kong tanong tsaka tumayo.

“Secret, p‘wet ni Ryan may rocket”

“Gsgo!”

“Hoy! Bawal magmura!”

Natawa nalang ako sa hindi malamang dahilan habang pinapakinggan ang boses niya tsaka hinanap kung saan iyon nanggagaling.

“Hello? Pakibalik ‘yang walkie talkie ko, please.”

Napatingin ako sa Dora ko na bag nang marinig ko doon ang boses niya.

Nakita ko doon ‘yong laruan na nakita ko no‘ng isang araw sa paso sa may likod ng clasroom.

“H-Hi?” sabi ko habang nakatapat ang tainga sa parang speaker.

“Oh? Ba’t parang ang lungkot ng boses mo?” seryosong tanong nito.

“H-Ha? W-Wala.”

“Kung ano man ‘yang problema mo, ‘wag kang mag-alala, malalampasan mo rin ‘yan kasi walang Siyang ginawang problema na hindi kayang masolusyonan.”

Nang dahil sa sinabi niyang iyon, gumaan ang pakiramdam ko, pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang tanong na, “Sino ‘yong bumalik?”

Finding Mr. Walkie Talkie (Elementary Series #8)Where stories live. Discover now