Kabanata 11

64 12 11
                                    

Nagising ako dahil sa ingay ng manok at liwanag na nagmumula sa bintana. Minulat ko ang aking mga mata at bumungad sa 'kin ang magandang tanawin. Malawak na palayan ang  kaharap ng bahay namin dito kina Mama Ysabel. Sariwa ang hangin at nakakagaan ng kalooban.

Kaso bumalik ulit ang mga ala-ala ko bago tuluyang umalis sina Mommy noong isang araw. Nawalan na ako ng koneksiyon kina Mommy kasi mahina lang daw ang signal sa bukid. Nalaman ko rin na lumipat na ng bahay sina Cyan, doon na sila kila Lola niya titira dahil naghiwalay ang parents niya. Kawawa naman siya, parang ako, kaso ako ang nahiwalay kina Mommy.

Maya-maya pa ay may narinig akong mga bata na parang naglalaro. Bumaba na ako sa kamang tinulugan ko tsaka lumabas ng kwarto. Simple lang ang bahay nila este namin nina Mama Ysabel. May isang kwarto, kung saan tabi-tabi kami nina Mama at Clyde na natulog kagabi. Maliit lang ang bahay namin dito pero hindi mo mararamdamang mag-isa ka, hindi katulad ng bahay namin nina Mommy na malaki at maganda pero parang may kulang.

“Oh anak, gising ka na pala, ‘lika dito, kain na tayo,” aya sa ‘kin ni Mama nang makita akong nakatayo sa hapag-kainan.

Bigla akong may naamoy, parang mabaho pero nakakatakam, ewan ko ba kung ano ‘yon. Hindi ko alam kung kanina ko pa ‘yong naaamoy dahil kung ano-anong chinichika ko sa inyo.

“Anong amoy po ‘yon?” tanong ko kay Mama tsaka umupo sa tabi ni Clyde na kumakain ng gulay. I don’t know what gulay is that because hindi ako kumakain no’n, nakikita ko lang na kinakain siya nina Manang.

“Alin? Ito ba?” tanong ni Mama tsaka tinanggal ang taklob sa lamesa.

Bumungad sa ‘kin ang amoy no’n. Ang bahooooo!! “Eww, ano po ‘yan??”

“Tuyo,” nakangiting sagot ni Mama tsaka tumawa, nakitawa rin si Clyde habang ako ay nandidiri. Ba’t gano’n ‘yong amoy? Eww.

Hindi naman ako ganoon kaarte pero ewan ko kung bakit ang arte-arte ko ngayon. Bakit nga ba author?!

Maya-maya pa ay kumuha si Mama ng plato tsaka nilagyan ng kanin. Kumuha siya ng isang tuyo tsaka iyon hinimay, ang daming tinik. Pagkatapos maghimay ay kumuha siya ng platito at suka. Pinagpalit niya kami ni Clyde ng p‘westo tsaka ako sinubuan. Ayoko pang kainin no’ng una kasi baka may tinik pa pero wala pala. Mabaho siya pero masarap. Eww, ba’t tae naiisip ko? Hahaha charot.

Pagkatapos kumain ay tumulong ako kay Mama na magligpit ng tinulugan namin. Nakabonding ko rin si Cylde sa simpleng pagtutupi ng kumot. Gano’n palang ang ginagawa namin pero sumaya na ako, ganito ba talaga o sadyang mababaw lang talaga kasiyahan ko?

“Tita Inday!” narinig kong tawag ng mga bata mula sa labas ng bintana namin.

“Ano ‘yon?” wika naman ni Mama. Tita Inday pala tawag sa kaniya dito. Naalala ko tuloy no’ng mga panahong Yaya Inday ang tawag ko sa kaniya, hays.

Nagulat nalang ako dahil sa sinabi no’ng bata kay Mama. “P‘wede po ba naming makalaro si Clyde? Tsaka na rin po si Snow?”

“Sige, laro daw kayo Clyde,” wika ni Mama tsaka tumingin sa ‘kin. “Ikaw ba Snow? Gusto mo bang makipaglaro sa kanila? Ayun si Mad oh, tanda mo pa ba? Siya ‘yong lagi mong kalaro noon,” aniya tsaka tinuro ang isang mataba ngunit magandang bata. Pamilyar siya, parang nakita ko na noon sa school.

Tumango ako kay Mama dahilan para mapangiti siya. “Sige, pupunta muna ako sa bahay nina Aling Mercedes upang maglaba.”

Nahihiya akong lumaba ng bahay namin, bakit kasi naunang lumabas si Clyde? Wala tuloy akong kasama. Nakasunod lang ako sa apat na babae sa harapan ko, kasama na doon ‘yong babae na mataba pero maganda. Nagtungo sila  sa may buhanginan, parang may gagawing bahay dito kaya gano’n.

“Tara piko tayo,” aya ng babae na kayumanggi at may mahabang buhok.

Sumang-ayon kaming lahat sa kaniya pero naiilang pa rin ako kasi hindi ko naman sila kilala.

“Ano pala pangalan mo?” tanong sa ‘kin ng isang babae na parang chinita.

“Elniesha Snowette, pero p‘wedeng Snow nalang.”

“Ang ganda ng pangalan mo. Ako si Kiwi hehe. Kin Winslette talaga name ko, ginawa lang nilang Kiwi,” saad ni babaeng chinita na si Kiwi.

“Hi Snow, I‘m Bernadette, Berns tawag nila sa ‘kin hihi,” pakilala sa ‘kin ni morena girl.

“Ako naman si Cora,” sabi naman ni babaeng naka-Hello Kitty na T-shirt.

Napatingin naman ako kay babaeng mataba pero maganda, siya nalang ang hindi ko pa nakikilala.

“Hindi ko alam kung natatandaan mo pa ako pero ako si Mad. Madeleine Astrid,” pakilala niya.

Right! She’s Mad! Nakita ko siya noon sa isang room, nakikipag-agawan ng baon hahaha!

Nagsimula na kaming maglaro ng piko. Hirap na hirap akong tumalon kasi hindi naman ako sanay sa gano’n, habul-habulan lang naman kasi nilalaro namin. Na-out-of-balance pa ako nang parang makita ang pigura ni Cyan, ngunit namalik-mata lang yata ako. Ayun, nagkagasgas tuloy ako sa tuhod kaya tumigil muna ako sa paglalaro.

Tanghali na at pawisang-pawisan na ako kaya naisipan ko munang umuwi sa bahay. Isasama ko na dapat si Clyde kaso nakikipaglaro pa siya ng patintero kaya nauna na ako, hindi pa naman pati kami close.

Nagulat pa ako nang makita ang walkie talkie sa loob ng backpack ko na Barbie. Lumabas ako ng bahay tsaka nagtungo sa taniman ni Mama. Bigla ko tuloy namiss sina Lily pero bahala na, madami rin namang halaman dito si Mama.

Nagbabakasakali pa ako kung magsasalita ako sa walkie talkie dahil mahina ang signal dito, baka hindi rin ako marinig ni bata. Pero dahil makulit ako sinubukan ko pa rin at laking gulat ko nang marinig kong tumikhim si bata!

“Uy bata! Namiss kita!”

“Hi, I miss you too,” malungkot niyang saad.

Nalungkot rin tuloy ako, namimiss ko na mga kaklase ko, halos 1 week na akong hindi pumapasok, sabi ni Mama sa Lunes daw ay p‘wede na akong pumasok, nagpaalam na rin siya sa mga teacher ko. Hindi ko rin alam kung lumipat na ba ng school si Cyan kasi lumipat na sila ng tirahan, hays.

“May problema ka ba, bata?” tanong ko dito.

Narinig ko siyang bumuntong-hininga. “Hmm, hindi ko alam. I‘m missing someone.”

“Sino??”

“You.”

ANO RAW??? YOU? AKO?? BINGI BA AKO O AKO TALAGA??

“Namiss kita, bata. Ang tagal na no’ng huli tayong nag-usap,” hindi ko alam pero biglang nagtindigan ang mga balahibo ko. I‘m not expecting this!! Wow, English yarns?

“A-Ako? B-Bakit ako?” nauutal kong tanong sa kaniya.

“Hindi ko rin alam, maybe I‘m seeing the girl I like inside of you, parehas na parehas kasi kayo,” aniya tsaka narinig kong huminga ng malalim.

Ba’t medyo nasaktan ako? Nakikita niya lang sa ‘kin ‘yong taong gusto niya kaya niya ako namiss, hays.

Kahit medyo nahurt ay tinanong ko pa rin. “Sino ba crush mo?”

“Ikaw.”

Finding Mr. Walkie Talkie (Elementary Series #8)Where stories live. Discover now