Panimula

176 28 39
                                    

“Asan na 'yon? Andito lang siya kanina, ah?”

Ang alam ko talaga andito siya kanina eh. Saan na ba siya nagpunta? Baka naman kaya niyang mag-teleport? Tapos nakakarating siya kung saan-saan? Oh baka naman isa siyang superhero? At iyon ang ultimate secret niya kaya siya biglang nawala? Dapat rin ba akong sumigaw ng "tulong" para puntahan niya ako? Kyaa—

“—Aahhh!” napairit nalang ako nang biglang sumulpot si crush pagharap ko sa likuran ko!

Nakakagulat siya! Parang gan'to oh, bogala!

Dahil sa takot na mamukhaan niya ako at makita ang hindi prepared kong mukha ay kaagad akong tumakbo palayo sa kanya! Nakakahiyaaaaaa!

Hingal na hingal ako nang makarating sa likod ng classroom namin. “Inhale, exhale...” paulit-ulit ko iyong ginawa hanggang sa mawala na ang kaba sa dibdib ko, umayos na rin ang paghinga ko.

Parang ayoko na magpakita sa kanya kahit kailan! Baka namukhaan niya ako tapos makita niya ako mamaya sa classroom! Ahhhh! Ayoko na, mommy!

*inhale* *exhale* *repeat*

‘Yon ang turo ni Mommy, kapag kinakabahan ako at nahihirapan huminga, iutot ko lang daw, joke!

Sabi rin kasi ni Mommy, kapag nasobrahan sa kape, sasakit ang tiyan at matatae, joke. Kapag raw naparami sa kape, magiging tensiyonado at kabado ako kaya siguro ako nagkakaganito. Babawas-bawasan ko na nga ang pagkakakape ko, ‘yong juice naman sosobrahan ko, charot lang po, baka magka-UTI naman ako. Hays, baka tubig talaga ang para sa akin.

Kinapa ko ang bulsa ko at... Awiee, ang ganda talaga ni Barbie! Pagpasensiyahan niyo na po si ako, medyo baliw talaga ako. Parang kanina lang kabadong-kabado ako tapos ngayon biglang okay na ako hahsha.

Sobra talaga akong nagagandahan kay Barbie kaya kumuha ako ng isang sticker at dinikit iyon kay Lily, ang kaibigan kong halaman hehe. Pagkadikit ko ng sticker sa dahon niya ay bigla akong nanghinayang, kakabili ko lang kasi nito kay Ate Ruby, bagong-bago pa siya tapos nabawasan ng isa huhu.

Napalingon ako sa paligid nang may marinig akong mga yapak sa mga tuyong dahon patungo dito sa direksiyon ko.

Anong gagawin ko? Sisilipin ko ba kung sino 'yon? Kaso baka si crush 'yon, mahuhuli niya ako! Manatili nalang kaya ako dito? Kaso ganoon pa rin, mahuhuli niya pa rin ako.

Wala na siguro akong magagawa kung hindi ang magpahuli at umamin. Bata pa ako kaso maharot na agad ako? Ewan ko ba kay Author!

Dear Lord, ikaw na po ang bahala sa akin kung sakaling mahuli niya ako pero sana talaga may powers po ako nung parang hindi nakikita, 'yung inbisibol ba? Para hindi niya ako makita. Magpapakabait na po ako, basta huwag niyo lang ako ipahuli sa kanya huhu. Hindi ko na po aawayin si Sonya, hindi ko na sasabihin sa isip ko na pipe si Chichay, hindi ko na rin sasabihing baboy si Bebang, hindi ko na hihiramin 'yung matutulis na lapit na Penny, hindi ko na sasabihing kulot si Andeng, hindi ko na po pagtatawanan 'yung dalwang kaibigan ni Mira na parang bakla, hindi ko na po pagtatawanan 'yung sakit ni Este, hindi na ako maiinggit kay Mad kung mayroon siyang Sky. Basta 'wag lang akong ireject ni crush! Char! Amen.

Si crush ba 'to?! Huhu.

Papalapit na siya sa posisyon ko dahil mas napapakinggan ko ang mga yapak ng sapatos niya.

Finding Mr. Walkie Talkie (Elementary Series #8)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora