Kabanata 1

93 19 39
                                    

“Elniesha Snowette, would you promise to behave today at school?” pormal na tanong ni Mommy sa hapag-kainan.

Ito ang daily routine ni Mommy habang kumakain kami, chichikahin niya ako nang chichikahin hanggang sa maiwan ako sa mesa tapos papagalitan nila ako kapag naunahan nila akong kumain at sasabihing ang bagal-bagal ko, lagi nalang kasing dumaldal. Ang gulo nila kausap.

Ngunit kahit ganoon, humarap ako kay Mommy tsaka sumagot, “Yes, Mommy. I promise.”

Pagkatapos kumain at maghanda ay sumakay na kami sa kotse patungo sa bagong school ko. Sabi kasi ni Kuya, mas maganda raw dito, hindi toxic ang mga tao, ‘di katulad doon sa isa kong school.

“We‘ll be leaving na. Anak, Nico, ihatid mo si Snow si Grade 3, Section Gold, ah? And Snow, behave just like how you promise,” sabi ni Mommy tsaka sila ni Daddy umalis.

Lumingon ako kay Kuya ngunit nakasulyap lang ito sa isang classroom, kung hindi ako nagkakamali, iyon ang Grade 6 base dun sa mapang nakalagay sa manual noong nag-enroll kami.

Kinulbit ko ang braso niya. “Ano??” inis niyang tanong habang hindi pa rin lumilingon sa akin.

“Ihatid mo daw ako, Kuya.”

Inis siyang lumingon sa akin tsaka humawak sa sentido niya, “Malaki ka na, tsaka nakita mo na ‘yong mapa ng school na ‘to ‘di ba? Puntahan mo lang ‘yon. Bye,” sagot nito tsaka naglakad palayo.

“Pero kuya! Kuya Nico!” tinawag ko pa siya ngunit hindi na siya lumingon pa at dire-diretsong nagtungo sa classroom ng mga Grade 6.

Ang sama talaga ng Kuya ko. Suggest new Kuya po please, sana machoose.

Kapag talaga siya nasumbong ko kay Mommy, naku, papatanggalan ko siya ng allowance at ipapakurot pa, tsk, matitikman niya ang ganti ng isang aping tulad ko, pero tsaka na ‘yon, sa ngayon, hahanapin ko muna kung saan ang line namin dahil may flag ceremony daw.

Kabadong-kabado ako habang naglalakad patungo sa gym, pero mas kinabahan ako kasi hindi ko talaga alam kung nasaan ‘yong line namin. Kapit-kapit ko nang mahigpit nag barbie kong backpack. Tuwing may napapalingon na estudyante sa akin ay napapayuko ako, nahihiya nga kasi ako huhu kahit na makapal ang mukha ko. Bakit ba kasi hindi ako sinamahan ni Kuya. Nang makita ko si Estella, iyong babaeng palaging nagkakamot ay agad akong nagtungo sa puwesto niya para sumingit.

“Estella, ang ganda mo, pasingit sa pila, ah? Hehe.”

“Hala, ikaw talaga Snow, nagpaalam ka pa eh nakasingit ka na nga,” sagot niya tsaka mahinang tumawa, nginitian ko nalang siya.

Sa hindi inaasahan ay napasulyap ako sa may bandang likuran niya, napanganga ako nang makita kung sino ito. Nakita ko si Jacob sa Dora The Explorer! Charot.

Nasa may dulo siyang linya ng mga lalaki dahil matangkad siya, medyo naaawa nga ako kasi mukhang transferee rin siya tapos kahit may mas matangkad sa kaniya, siya ‘yong napunta sa dulo. Ang init pa naman do’n. Buti nalang talaga andito ako sa may mga matatangkad, hindi ako naiinitan kasi nasasalo nila ‘yong sinag ng araw tapos ako nasa lilim nila, mwehehe.

Pero ahck, ang pogi talaga ni lalaking classmate. Hindi siya kaputian, sakto lang! Para siyang si Isko, ‘yong Mayor sa Manila, si Isko Moreno, hakhak.

Napatigil ako sa pagsulyap sa kanya nang humarap siya sa gawi ko at sinabing, “Hoy, ang ganda mo, crush na ata kita.” Char, ang speed, lumingon lang talaga siya sa gawi ko tapos tumingin na ulit sa unahan. Sana talaga sinabi niya, nang-crucrushback naman ako eh, char ulit.

Shut up Snow! Chapter 1 pa lang, huwag ka muna humarot!

Inayos ko ang sarili tsaka dali-daling humarap sa teacher na nakatayo sa may stage, ito yata ang kukumpas ng Bayang Magiliw, este Lupang Hinirang.

Pagkatapos umawit ay pinapasok na rin kami agad sa classroom namin, ang bilis ‘no? Singbilis ng pag-ubos nila ng ulam at wala nang tinira sa ‘yo, dahil sa kakacellphone mo, baklang ‘to, gora na po at maghugas ng plato!

“Good morning, class. What day is it today?” tanong ni Ma‘am habang nakangiti sa unahan.

“Monday, Ma‘am,” sagot namin.

“The class will start today but before that, I want to introduce to you all your new classmate, he’s from U.S. that’s why he’s a late enrollee. Go ahead and introduce yourself, Cyan.”

Taka naman akong tumingin sa mga kaklase ko, hinahanap ‘yong sinasabi ni Ma‘am na transferee daw.

“G-good morning, I‘m Janssen Cyan V. Rodriguez, I‘m looking forward on being friends with you all, thank you,” sagot ni lalaking moreno kanina dun sa pila! ‘Yong nagsabing “Hoy ang ganda mo, crush na ata kita,” kaso sa imagination ko lang, hehe.

Nagsimula nang magturo si Teacher pero wala sa kaniya ang atensiyon ko kundi na kay Cyan, wala lang, ang sarap niya lang pagmasdan. Ang hirap pala maging pogi ‘no? Lagi kang pagmamasdan ng mga kaklase mo. Buti nalang babae ako, kagandahan at kaharutan ang mapagmamasdan nila sa akin. Hindi ko nga rin alam kung kanino ako nagmana sa pagiging maharot ko, matanong ko nga mamaya kay Mommy, baka nagmana ako dun sa Yaya ko dati na asawa na ngayon ng driver namin. Astig ‘no? Naging Yaya ka lang, nagka-asawa ka na, kaloka.

“Okay, class. Sagutan ang pahina 3, letrang A, kopyahin ang mga pangungusap at salungguhitan ang mga salitang pandiwa. May kukunin lang ako sa office,” biglang saad ni Ma‘am kaya medyo nataranta ako kasi ‘di ako nakinig pero naalala ko na nag-advance reading nga pala kami ni Daddy kagabi kaya ayos lang.

“Sino kumuha ng pambura ko?!” malakas kong sigaw sa kanila nang nagkamali ako ng sulat sa notebook ko.

Lumingon ako kay Este tsaka ito kinalabit, “Estella, nakita mo ba pambura ko?”

Inosente itong umiling, “Hala! Hindi...”

“Hoy, Bebang! Siguro ikaw ang kumuha ‘no?” pag-aakusa ko kay Bebang dahil nakatingin siya sa amin ngayon, siya naman ‘yong para sa akin ay si Queen Bebang kasi kahit mataba siya, pinagtatanggol niya mga nabubully, pero mangho-hoy muna ako, hehe.

Nagulat nalang ako sa sinagot niya, “Hoy ka rin. Hindj ako ang kumuha ng pambura mong bago kaya h‘wag mo ako maturo-turo d‘yan...” lumingon ito sa lalaki sa likuran niya. “Baka si Carding ang kumuha.”

Nagbulong-bulongan pa sila nung lalaking kaibigan niya ngunit hindi ko na sila pinakinggan kasi hindi naman ako chismosa.

“Ilabas niyo na kasi! Isusumbong ko kayo kay Mommy!” pagbabanta ko pa pero tinawanan lang nila ako

“Snow, ano bang sinisigaw mo d‘yan? Ako ang nanghiram ng pambura mo,” sabi ni Mira tsaka iyon binato sa akin at agad ko namang sinalo. Hay nako, siya naman si Mira iyong mahina ang boses pero malakas pagdating sa daldalan, charot!

“Salamat,” medyo napayuko ako dahil sa hiya dahil nanigaw kaagad ako, bawas kagandahan tuloy, biro lang.

Finding Mr. Walkie Talkie (Elementary Series #8)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora