Kabanata 6

41 12 13
                                    

“Hello, bata!” bati ko sa lalaking nakakausap ko sa walkie talkie.

Nahirapan pa akong malaman kung ano ba talaga ang meaning ng walkie talkie, buti natanong ko kay Kuya. Nalaman ko nga kaso binigay ko naman sa kaniya ‘yong baon ko, awit.

Halos isang linggo na rin ang nakalipas simula nang makilala ko ang lalaki sa walkie talkie. Dapat nga Spencer ipapangalan ko sa kaniya, ‘yong kalaban ni Dora, kaso ang pangit raw. Gusto niya raw ‘yong g‘wapo sa pandinig kaya Mr. Walkie Talkie minsan tinatawag ko sa kaniya kaso mukha siyang matanda kaya ang ending, bata rin tawag ko sa kaniya.

Maya-maya pa ay sumagot na siya, “Hello, kumusta ka na?”

“Ayos naman, sumakit ‘yong ulo ko do’n sa division, sabi kasi no’ng teacher ko, ano raw ang sagot kapag hinati ang siyam na bata sa tatlo,” pagkukuwento ko habang nagdo-drawing sa papel ko ng mga damit.

Narinig ko siyang tumawa ng bahagya sa kabilang linya. “Anong sinagot mo?”

“Wala. Hindi naman kasi nahahati ang bata.”

Pagkatapos kong isagot ‘yon ay tumawa na siya nang malakas. Ano bang nakakatawa? Tama naman sagot ko. Si Teacher lang ang mali.

“Kulang ka sa aral, bata,” sagot niya dahilan para kumunot ang noo ko.

“Pa‘no mo nasabe?”

“Kasi may bibig ako.”

“Aish! Umayos ka nga.”

“Aba, ikaw nga ‘tong naunang namilosopo riyan eh.”

“Ay gano’n ba? Hehe,” sabi ko tsaka napangiti at napakamot sa ulo, makati eh, may kuto yata ako dahil do’n sa asong nakasalubong ko kanina.

“Hindi ka nag-aral, ‘no? Tuwing nagkakausap tayo para ka laging wala sa tamang pag-iisip. Tapatin mo nga ako, Snow,” sabi niya dahilan para medyo kabahan ako, ang seryoso kasi ng boses niya.

“A-Ano?”

“Dati ka bang baliw?”

“Bataaa!!”

“Joke lang. Pero seryoso, ayos ka lang ba? Anong nangyayari sa ‘yo?”

Nang dahil sa tanong niyang ‘yon ay bigla akong nakaramdam ng pagod at lungkot. ‘Yong kaninang ngiti sa labi ko biglang naglaho. ‘Yong kaninang masaya kong puso, biglang nanghina.

Pero sino ba naman ako? Mahina naman talaga ako. Hindi dapat ako nakakaabala sa kaniya.

Hindi ako ayos. “Ayos lang ako, salamat.”

“Sige, magsabi ka lang kung may problema ka. Babye na, hindi pa ako nakakapagrecess eh, hehe.”

Hindi na ako umimik pa at tinago nalang sa bulsa ‘yong walkie talkie. Nagugutom ako pero tinatamad akong kumain. Hindi ko alam kung bakit.

Nagtungo ako sa likod ng classroom tsaka naupo sa tabi ni Lily at Ginna.

“Sana halaman nalang rin ako—”

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang may magsalita sa gilid ng dingding ng room.

“Bakit naman halaman?” tanong ni Cyan habang umiinom ng chuckie.

Bigla akong namula, ang pogi kasi, waaaa! T^T

“Hindi ko rin alam. Sila kasi tamang grow lang, tapos ako hindi pa rin tumatangkad. Oh ‘di ba walang konek.”

“Pfft—”

“Sige, tawa,” putol ko sa sasabihin niya at ang loko, tinuloy ang pagtawa. Sarap niyang gawing palaka tulad no’ng isang lalaki na napanood ko sa episodes ni Barbie.

Tinignan ko ang mga dahon ni Lily at nagulat nang may makitang butas or parang nginatngat. May daga ba dito? Or taong nangangain ng dahon? Alagang-alaga ko si Lily tapos ngangatngatin lang nila, ano sila chicks paglaki manok?

Hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit mali ang sabi ng Teacher ko kanina do’n sa sagot ko sa Math, pati doon sa EsP.

Dami ko nang ino-overthink dumagdag pa ‘yong dalawang ‘yon. Kasi naman do’n sa EsP, ano raw ang gagawin mo kapag may nakita kang bata na nadapa? Magpakatotoo raw kaya ang sinagot ko ay tatawanan muna bago tulungan. Tapos mali daw, tsk, tama naman ako eh.

Ang ending, bagsak ako sa quiz namin kanina sa Math at EsP. Nagreview naman ako kaso wala yatang pumasok sa isip ko.

Hindi ko na rin alam ang nangyayari sa ‘kin, hindi naman ako ganito dati. Dati kasi alien pa ako, eh.

Basta ang alam ko nasasaktan ako sa hindi malamang dahilan. Hindi ko na alam ang nangyayari sa pamilya namin. Sana pala nilunod ko nalang ‘yong petchay ni Mommy sa garden niya kaysa tapakan ko ‘yong mustasa niya, edi sana medyo nabawasan galit niya.

Sino ba kasi ‘yong bumalik? Sana hindi nalang siya bumalik. Nang dahil sa kaniya napadalas tuloy ang pag-aaway ni Mommy at Daddy. Pansin ko nga rin pati si Kuya naiyak tuwing nagsisigawan sila ‘My at ‘Dy, naiyak siguro siya kasi nabingi na siya, hahaha desurb!

“Hoy, ayos ka lang?” napabalik ako sa ulirat ko at napatingin kay Cyan nang tinanong niya ‘yon. Bumalik ‘yong lungkot ko.

Nagulat nalang ako nang marinig ko siyang kumanta.

Now playing: Fix You by Coldplay

“When you try your best, but you don’t succeed.
When you get what you want, but now what you need.
When you feel so tired but you can’t sleep. Stuck in reverse.

And the tears come streaming down your face.
When you lose something you can’t release.
When you love someone, but it goes to waste.
Could it be worse?

Lights will guide you home.
And ignite your bones.
And I will try to fix you.

And high up above, or down below
When you’re too in love to let it go.
But if you never try, you’ll never know.
Just what you’re worth.”

I don’t know but I felt so special. Medyo gumaan ‘yong pakiramdam ko nang kumanta siya. He made my storms turn into rainbows just by singing. Ang bata ko pa pero kung ano-ano na ‘tong nararamdaman ko.

“Hindi lang ikaw ang may problema sa mundo. Marami kang kasama. Sabi ni Mama, kahit gaano pa kabigat ‘yang nararamdaman mo, ‘wag kang susuko. Umiyak ka lang at kausapin mo Siya, gagaan ang pakiramdam mo.”

“Thank you,” sagot ko tsaka pinunasan ang luhang hindi ko namalayang pumatak galing sa kaliwang mata ko.

Ngumiti lang siya dahilan para sugurin ang puso ko ng kung ano. Napatitig ako sa kaniya at ganoon din siya sa ‘kin. Sa pagtitig kong iyon, may naramdaman akong kakaiba, parang biglang kuminang ang mga mata ko. Bigla ring lumakas ang kabog ng puso ko. Para akong kinabahan bigla, nanlamig ang buo kong katawan. Parang may kung ano sa tiyan ko na naging dahilan nang nararamdaman ko ngayon.

Pero isang ngiti lang ang ginawad niya sa akin dahilan para mapangiti nalang din ako.

On this 26th day of October, Snow felt those butterflies.

Finding Mr. Walkie Talkie (Elementary Series #8)Where stories live. Discover now