Kabanata 9

43 8 16
                                    

“Bata! Namiss kita!” sambit ko nang sagutin ni bata ang walkie talkie.

“Uy, buhay ka pa pala?”

“S‘yempre! Ba’t naman ako mamamatay? Ikaw? Buti humihinga ka pa,” pamimilosopa ko.

Napabuntong-hininga ito. “Oo naman, naging busy lang ako sa crush ko nitong mga nagdaang araw.”

Parang may kung anong kumurot sa puso ko, hindi ko alam kung bakit.

“Ahh, ako rin! Kinikilig ako bata kasi crush ako no’ng crush ko!” balita ko sa kaniya habang pinipilit na sumigla ang boses.

“Ikaw ah, ang bata mo pa, ‘wag ‘yan ang atupagin mo, unahin mo pag-aaral mo,” pangangaral niya sa ‘kin dahilan para kumunot ang noo ko. Siya nga itong busy sa crush niya eh!

“Nangaral ‘yong busy sa crush ah, nahiya ako sa ‘yo bata.”

Kahit hindi ko siya nakikita ay ramdam kong ngumisi siya. “Dapat lang na mahiya ka sa g‘wapong katulad ko.”

“Tss. Ang hangin! Si Kuya ka ba?”

“Sira hahaha, may Kuya ka pala? Sabihin mo, I‘ll court his princess once we met.”

Para akong nabilaukan nang marinig iyon sa kaniya. Panay ang ubo ko, ‘di makapaniwala. Ano ‘yong court? Basketball court?

“A-Ano?”

Narinig ko naman siyang may kung anong inasikaso, parang mga kahon. “Wala, uuna na muna ako, may aasikasuhin pa kasi ako bata hehe.”

Nalungkot ako nang marinig iyon. Doon natapos ang usapan namin, parang ang bilis lang.

Wala pa sina Mommy at Daddy, kami palang ni Kuya ang nandito sa bahay tsaka sina Manang. Nagtungo ako sa garden namin. Habang pinagmamasdan ang mga paru-paro sa nursery ay napaisip ako. What if pakawalan ko silang lahat? Hahaha. Ang boring kasi ng buhay nila, nasa isang lugar lang sila nakakalipad, need nila ng kalayaan. Kaso baka mapalo ako ni Mommy, ‘wag nalang.

Speaking of Mommy, magpapapuyod nga pala ako sa kaniya no’ng parang kay Elsa para mukha kaming kambal ni Mira without H, uwu.

Sumagi tuloy sa isip ko ‘yong babae kanina sa kubo. Naalala ko nanaman ‘yong mata at ngiti niya, punong-puno ng saya. Parang hindi lang alagain ang tingin niya sa ‘kin kanina. Don’t tell me crush ako ni Yaya?! Imposible, child abuse daw ‘yon tsaka parehas kaming babae. Pero sobrang saya niya talaga kanina eh. Aba, sino ba naman ang hindi sasaya kapag nakakita ng maganda ‘di ba? Ahihi, charot.

“Yaya Inday! Este Tita Ysabel!” tawag ko dito nang makita ko siya sa may gate namin.

Dali-dali akong tumakbo palapit sa gate. “Bakit po kayo nandito, Tita Ysabel?”

“Nandiyan ba si Jamie? ‘Yong M-Mommy mo?” nag-aalinlangan niyang tanong habang sumisilip sa loob ng bahay.

Napatingin din tuloy ako sa loob ng bahay pero wala naman akong nakita. “Wala po si Mommy dito, bakit po?”

“Gusto ko sana siyang makausap eh,” sagot nito tsaka tumingin sa mga mata ko at ngumiti ng matamis.

“Nasa trabaho pa po yata sina Mommy, mamaya pa pong 4:45 siguro uwi nila. Pasok po muna kayo sa bahay namin,” sambit ko tsaka binuksan ang gate at pinapasok siya.

Nakahawak lang ako sa kamay niya habang inaalalayan siya papasok sa bahay namin, baka kasi maligaw siya, charot. Tuwang-tuwa siya habang hawak-hawak ko ‘yong kamay niya, bakit kaya? Naku, baka gusto talaga ako ni Tita Ysabel? Huhu, bata pa po ako.

“Snow? Asan ka, Sno— Bakit kasama mo siya?!” nagulat ako nang magtaas ang tono ng boses ni Kuya, parang bigla siyang nagalit.

Kita kong dumaan ang labis na lungkot at galit sa mga mata niya ngunit hindi ko rin alam kung bakit. Ano bang meron? Na siyang iba.

“N-Nico. Good evening,” bati ni Tita Ysabel kay Kuya pero inis lang siyang tinignan ni Kuya, pagkatapos noon ay umakyat siya sa kwarto niya.

Tumingin ako kay Tita Ysabel at kita ko namang parang naluluha siya. “Hayaan mo na po ‘yon si Kuya. Tara Tita, sakto may tira pang cookies kanina na niluto ni Yaya Elsa hihi.”

Dinala ko siya sa kitchen at kinuha ng malamig na tubig. Umupo siya sa may tabi ko dahilan para mailang kami pareho.

“Y-Yaya In— Tita Ysabel.”

Bahagya siyang natawa. “Bakit?”

“Bakit ninyo po kakausapin si Mommy? Babalik po ba kayo bilang kasambahay dito?” tanong ko habang nakatingin sa kaniya. Sa sandaling iyon ay may nakita akong pumatak na luha mula sa kaliwa niyang mata. Nasasaktan siya? Bakit?

Agad niya iyong pinunasan tsaka ngumiti. “May babawiin kasi ako.”

“Babawiin? Ano naman po iyon? May kinuha ba sa inyo si Mommy?” inosente kong tanong.

Umiling lang siya. “May binigay ako sa kaniya noon at kailangan ko na siyang kuhain ngayon.”

“Ano po ‘yon?” tanong kong muli.

“Masyado ka pang bata para malaman iyon. Batang-bata mo pa chismosa ka na, Snow. Hindi ka naman gan‘yan no’ng iniwan kita dito,” dire-diretso niyang wika tsaka biglang nagtakip ng bibig.

Naguluhan naman ako. “Iniwan?”

“S-Snow k-kasi—”

“ANONG GINAGAWA MO DITO?!!” napatayo ako sa gulat at takot nang marinig ang boses na iyon ni Mommy.

Bakas ang matinding galit sa mukha niya, parang anytime ay magiging monster si Mommy. Natatakot ako.

“Andito ako para bawiin si—” hindi na natapos ni Tita Ysabel ang sasabihin niya matapos siyang sampalin ni Mommy.

Hinila ako ni Daddy, nilabas niya ako sa kusina tsaka pinapunta sa kwarto ko. Pagkatapos noon ay muli siyang bumaba at ang tangi ko nalang naririnig ang ang sigawan nila na hindi ko naman maintindihan. Ano bang nangyayari? Bakit galit si Mommy?

Akmang bababa akong muli para tignan sila ngunit hinila ako ni Kuya, yinakap niya ako ng sobrang higpit at doon na ako tuluyang umiyak. Wala akong alam sa nangyayari, tanging sila lang ang nagkakaintindihan. Natatakot ako sa maaaring mangyari sa ‘min, baka magkasakitan sila sa baba. Ayokong masaktan si Mommy.

Bumitaw ako kay Kuya tsaka dali-daling bumaba. Tinatawag niya ako pero hindi ko siya  pinansin. Hanggang sa makita ko sina Tita Ysabel at Mommy sa may sala, kitang-kita ko kung paano sampalin ni Mommy si Tita at alam kong sobrang sakit no’n. Hindi ganito ‘yong Mommy Jamie na kilala ko.

“Wala kang karapatang bawiin siya dahil sa simula pa lang, binigay mo na siya sa amin!!” sigaw ni Mommy dito, si Daddy naman ay nakaalalay lang kay Mommy, pilit silang pinapatigil.

Patuloy pa rin ang pag-iyak ko habang nakatayo sa unang baitang ng hagdan namin. Nanginginig ang tuhod ko at para akong kinukuryente tuwing magsisigawan sila.

Pero isang pangungusap ni Tita Ysabel ang wumasak sa puso ko hanggang sa nandilim na ang paningin ko.

“May karapatan ako kasi ako, ang totoong ina ni Snow!”

Finding Mr. Walkie Talkie (Elementary Series #8)Where stories live. Discover now