Level Eight - Spell Badtrip

Start from the beginning
                                    

Tinignan ko yung mga classmate ko, walang tumatayo. 

"Kailangan ko pa bang magsimula sa mababa, Nine meron ba?"

"Wait po, Sir!" sigaw ni Adrianne at lumapit siya kay Sir. 

"Okay, Ms. Ona got perfect score, Who got nine?" Yun lang yun?! Tsk! Ano ba yan. Wala lang naman palakpak?! Badtrip naman ‘to si Sir! Dinadamay ako sa pagiging badtrip niya. 

*TOK! TOK!*

Napapadalas na ang pagkatok ng kung sino tuwing time ni Sir Melvin ah. Lumapit si Sir sa Pintuan at binuksan. Pumasok ang isang hindi katandaang babae na kung tatantsahin nasa 54 na taong gulang na, si Ma’am Fuentes pala.

Pagpasok ni Ma'am Fuentes nag greet muna kami. Syempre pag-bigay galang. 

"Good Morning rin sainyo, Sorry to interrupt pero kailangan ko na rin kasi i-announce 'to. 2 weeks from now magkakaroon ng contest. Eh late na tayo masabihan kaya medyo kailangan na nating maghabol ng training dun. Tamang-tama naman na English time niyo daw. So, Dahil ang IV-Premiere hindi pwede dahil malapit na ang Graduation nila, ang II-Premiere naman hindi rin dahil may Play sila..  So, sino ang gusto niyong maging representative? Wala na kasi tayong time para magpatest pa."

Nagtaas ng kamay si Althea, "Ma'am, tanong lang po. Ano po ba yung contest?" 

"Ahh, Spelling contest siya. Sino ba pinakamagaling niyo dito?"

Tumayo naman si Adrianne, "Ma'am si Kai po! Naka-perfect nga po siya ngayon ngayon lang po sa spelling namin eh." 

"Ms. Ona?" tumango naman si Adrianne. "Okay, payag ba kayo III-Premiere?"

"Opo Ma'am!" sabay-sabay na sabi ng mga kaklase ko habang ako nakatungo lang. 

"It's final, Ms. Ona will be our representative sa Spelling Contest and Sir Melvin will be her Coach since wala naman siyang advisory then English teacher niyo rin naman siya." nakita ko naman na nabigla si Sir Melvin sa announcement ni Ma'am Fuentes. 

"Okay, Goodbye.. Ay, by the way, Sir Melvin and Ms. Ona, please see me at my office after class, Okay? That's all." Tumango lang ako bilang response. Si sir naman nasa state of shock pa. 

Pagkaalis ni Ma'am Fuentes, siya naman saktong pagpatak ng 8am, it means chemistry na. Umalis na rin si Sir Melvin nun, so si Ma’am Jane na. Grabeee! Nakakaantok buti nalang nakasurvive ako sa 60 minutes na mala Lola Basyang na period.

The Fame GameWhere stories live. Discover now